"Blue"
"Blue"
"Blue"
Bigla ako nagmulat ng mata at hingal na hingal na umupo. Napatingin ako sa paligid. Nasaan ako? Mabaho ang lugar at napakadilim pero ang nakakagulat doon ay nakakapag-adjust ako sa kadiliman , malinaw na nakikita ko ang lahat at nararamdaman ang mga bagay bagay.
Anak ng tokwa. Ito ba ang kamatayan?
Napatingin ako sa sarili ko at napangiwi. Sira sira ang suot kong damit, napakadungis ko at para akong hayop na tinalian sa leeg, nakakadena din ang kamay at paa ko.
Biglang pumasok sa isip ko ang mga nakaraan na alala ko. Napahawak ako sa ulo ko at napasigaw ng maghalo-halo lahat ng memorya sa isip. Dalawang nakaraan ang nakikita ko. Naguguluhan ako ano ito
Pinatay ba talaga ako ng kapatid ko.
Unti unti pumuno ang galit at sakit sa puso ko nang bumalik sakin ang lahat ng alaala ko.
Napahawak ako sa mukha ko at napakurap. Ibig sabihin isang kasinungalingan ang buhay ko sa mundo ng tao. Ibig sabihin dito ako sinilang at kinilalang namatay. Walang nakakakilala sakin pero siya...ang kakambal ko siya ang gumawa para pagbigyan ang hiling ko.
"Crysanthium kambal ko. Anong ginawa nila sa angkan natin..." napasubsob ako sa lupa at hindi ko napagilan umiyak. Lahat ng alala ng kapatid ko ay napunta sakin at nakita ko rin ang pagmamakaawa niya sakin na bumalik na ako sa mundong ito para tulungan ang iba.
Napakuyom ako ng kamao at galit na sinuntok ang lupa , nagkaroon ng malaking crack ang lupa. "Pangako. Uubusin ko sila ipaghihiganti ko sila ina at ama, ang angkan natin at kung paano tayo niyurakan ng buong bayan ng mapagmataas na bayan , ipaghihiganti kita, hahanapin ko ang mga kasapi nila."
Kinalma ko ang sarili ko at binalik ang postura at reaksyon ko. The old blue.
Unti unting kumurba ang ngisi ko ng bumukas ang metal na pintuan ng pinagkukulungan ko. Tama hindi ko alam kung paano ako nakapunta dito pero sa tingin ko nahuli nila ako. Mga ordinaryong tao lang sila, sa pagkakaalam ko sila ang nagbebenta ng babae slave na dinadala nila sa bayan ng hajama.
"Pinuno! Dito ko po narinig na may sumisigaw"
"Ano bang kaguluhan ito!"
Nang bumukas na ang pintuan doon ako nag-angat ng tingin. Tila nagulat pa sila ng makita ako
"May nahuli pa la kayong isang prutas na mataas ang presyo. Kahit madungis lumilitaw ang ganda."
"Pinuno ngayun lang namin siya napansin. Hindi namin alam na may nahuli kaming ganyan"
"Ganun pa man isa siyang mababang babae. Slave. Kunin mo siya at isama sa ihahatid natin ngayun sa hajama" lumapit sa akin ang pinuno nilang matanda at pinakatitigan ako.
YOU ARE READING
Unbothered Sly
Fantasy꧁༒βŁØØĐ Ŧ€ŘΔβ¥Ŧ€Ş Ş€ŘƗ€Ş 3༒꧂ Bytrix Lavander Ukiyo Elixir Lotus, or in the infamous name "Blue" Lotus is born with unpredicted life. She is the daughter of an aristocratic Greek family, where her life is a facade. Born with a silver spoon in her mou...