Chapter 1

239 16 0
                                    

“Ma, kahibangan ang gustong mangyare ni ninang at ng babaeng 'yon” inis na saad ko

“Pero anak—” Bago pa matuloy ni mama ang sasabihin niya, inunahan ko na siya

“ Seriously, ma? Maniniwala kang maliit lang ang pabor na gusto niya sakin, sa atin? 80k per month? Babayaran ang lahat ng utang natin? Papalipatin ng bahay? That's all too much, ma. Too much. Walang magbibigay ng ganyang halaga sa panahon ngayon, ma. Trust me, may ibang balak 'yung boss ni ninang.” mahabang paliwanag ko

Agad kong tinanggihan ang gusto ng babaeng dahilan kung bakit ako wala nang trahabo at ngayon sasabihin sa akin na kailangan daw ako

Umalis agad kami ni mama at hindi tinanggap ang gusto niya. Mahirapan na kung mahirapan. Matatanggap ko pa kung makatotohanan ang benepisyo na inaalok nila sa amin. Pero sa gano'n kalaking halaga? At ako pa ang kailangan? Malabo. Ang hirap paniwalaan

“Gusto mo, kakausapin ko ang ninang mo kung pwedeng ako nalang at huwag kanang isama rito. Sayang ang kikitain, anak.” mahinahon na saad ni mama

“ Mahirap kasi, ma. Lalo na kung 'yung matapobreng babaeng 'yon ang totoong may ari nga ng kompanya na papasukan mo ” Hindi ko parin makalimutan ang mga nangyare kanina. Natanggal ako sa trabaho dahil sa kanya. Kasing dilim ng aura niya ang ugali niya

“ Ano ba ang nangyare? ” tanong ni mama

“Natanggal ako sa work, mama. Dahil sa babaeng 'yon. Parang planado niya lahat.” naiinis parin na sabi ko

“Kasi alam mo, nameet ko ang babaeng 'yon sa comfort room habang hinihintay ka namin ng ninang mo. Nahulog kasi sa lapag ang mga bag ko, pero tinulungan niya ako. Alam kong siya 'yon dahil pag ka tamis tamis ng ngiti niya sa akin ng ibigay niya ang mga gamit ko” seryosong kwento ni mama

“Seryoso, ma? Pag tatanggol mo ang babaeng 'yon? Wala ni isang bahid sa buong pag katao niya ang nakikita kong may kabutihang ugali. Kaya huwag mo na ipilit, ma. ” saad ko

“Bukas na bukas, hahanap agad ako ng trabaho, ma. Mag d-double job ako para matustusan lahat ng kailangan bayaran dito sa atin. Hanggat kaya ko, ma. Gagawan ko ng paraan.” Umakyat na ako sa kwarto ko at iniwan si mama sa sala

Mukhang magaan ang loob ni mama sa babaeng 'yon. That woman is insane. Mas maniniwala pa akong namalikmata lang si mama kaysa paniwalaang ginawa niya 'yon

Pagkatapos kong magbihis, agad akong dumungaw sa bintana para magpahangin. Ang tahimik ng gabi, pero ang gulo ng isipan.

“Papa naman kasi, ba't ang aga mong nawala?” parang sirang sambit ko sa hangin

“Sobrang hirap na wala ka, pa. Ilang taon na pero, ang sakit sakit pa rin. Ang hirap parin tanggapin. Sorry, pa. Sorry.” naiiyak na saad ko

“Pero pa, wag kang mag alala. Lagi't lagi, para kay mama at genesis, kakayanin ko. Ako pa! Dahil naman sa'yo ang lahat ng lakas na meron ako” Nakangiti kong kinuwento kay papa ang mga bagay na nangyayare sa amin. Ganito kasi ako simula nang mawala siya. Para bang nagkukuwento ako sa hangin pero ramdam ko siya sa loob ko. He lives inside me

Nakaramdam na ako ng antok, ng isasarado ko na ang bintana, sinilip ko muna ang maaliwalas at payapang kapaligiran. Napaka tahimik pero may nakita akong black na sasakyan malapit sa tapat namin

“Saan 'yan? Kanina pa kaya yan diyan?” bulong ko sa sarili ko. Pero, isinawalang bahala ko nalang ito at natulog na

“Ate, gising!” kinukuyog ako ng kapatid ko kaya kahit antok na antok pa ay minulat ko ang mga mata ko

“Ano ba 'yon, genesis?” naalimpungatan ko pang sagot

“Lilipat na tayo. Nilalagay na sa truck ang mga gamit natin” para pang masaya niyang saad

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 28, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Her Fake Sanity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon