Tinakpan ko ang tenga ko ng marinig ko nanaman ang maingay na sigaw ni mama sakin na para bang hinahanap ako.
"Oh ikaw gabi ka nanaman umuwi. Maghugas kana!" Iyon kagad ang bungad sakin ni mama habang nakaupo Ito sa kahoy naming upuan at nanonood ng tv. Malayo ang bahay namin sa school na pinapasukan ko. Sabagay, hindi naman problema sakin iyon dahil sanay na ako minsan maglakad o mag tricyle.
"Ma may ulam paba ako?"
"Wala, pahuli huli ka kasi. Atska sinabi ko na sayo itigil mo na yang pag-aaral mo dahil wala nang susutenso sayo ang tatay mong siraulo , iniwan tayo!."
"Pero ma, yun nalang yung tanging paraan para makaahon tayo----"
"Ano bang napapala mo kaaral ah!? Wala , hindi ka naman matalino? Bakit ka pa mag aaral. Sayang lang ang pera. Buti pa yung anak ni janette matalino may pakinabang ikaw wala! Umalis ka dito at maghugas!"
Napatigil ako at napatuptop ng bibig.
Hindi nalang ako sumagot at tumalikod. Paborito na atang linya ni mama yan ang patigilin ako sa pag-aaral at ipagkumpara ako sa iba. Hindi ako nagbibiro nung sinabi ko na tamad talaga ko, yun ay dati tamad ako "dati" dahil may kaya pa kami non pero ngayon wala na mas mahirap pa kami sa sa daga.
Mabilis kong hinugasan ang tambak na tambak na hugasin bago pumunta sa kwarto ko. Gaya ng nakasanayan ginawa ko muna ang assignment. I started to read it and then analyze at nung hindi ko talaga magets ginamit ko na si google, more on chat gpt. Kumuha lang ako ng ideas at hindi kinuha ang lahat dahil there is app that can detect plagiarism. Teachers knows that even if you paraphrase it 10 times.
After doing my assignment in philosophy sinunod ko naman ang perdev.
How did you feel about this day?
Kinuha ko ang ballpen ko at nagsulat, yung ganitong tanong para sakin ay hindi na kailangan pang isearch.
I feel sad. I feel lonely.
Wala naman tinanong na because kaya hindi ko na lalagyan
Biglang tumunog ang tyan ko. Gutom na ako. Mabilis ko nang tinapos ang assignment ko at mga bandang 10:50 pm ng matapos ko ito
Napagdesisyonan kong lumabas ng bahay at kakain nalang siguro sa muranh convenience store
Sinuot ko ang luma kong hoodie at pyjamas. Kinuha ko ang luma kong cellphone at tahimik na lumabas ng bahay.
Hindi naman ako papagalitan ni mama dahil ganon naman talaga siya.
Binaybay ko ang madilim na kalye. Napakatahimik. Para tuloy ako nag night walk
Nang makarating ako sa eleventh convenience store. Pumasok kaagad ako at namili ng pagkain. May nakita akong cup noodles na pangalan ay hindi pamilyar sakin jjampong, kinuha ko ito at binayaran kaagad.