Simula
“Liesse, 'yon yung sinasabi ko sa'yo dati!” Halos malaglag ako sa kinauupuan dahil sa paghila sa akin ni Mia para lang ipakita sa akin ang kung anong tinuturo.
“Ito talaga-” Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nang may dumaang tatlong lalaki sa harapan namin ni Mia. Napaawang ang labi ko at napakurap-kurap.
“Tangina, ang bango! Amoy masarap!" Anang maharot na si Mia samantalang natigil naman ako sa kinatatayuan.
Pamilyar sa akin ang amoy na 'yon...
Hindi natigil si Mia sa kakatalak patungkol sa lalaking mabango kanina habang ako naman ay nagsimula na ulit sa pagtatrabaho. Lutang man ay laking pasasalamat ko na hindi ako pumapalpak at nagagawa ko ng maayos ang trabaho ko.
Anim na buwan na ako halos bilang barmaid. Akala ko pagluwas ko ng Manila ay magandang trabaho ang naghihintay sa akin. Pero ayos naman na ito kaysa naman maging kaladkaring babae. Magpapakamatay na lang yata ako. Dismayado ako, oo, pero ayos na ito. Minsan naiisip kong umalis at mag-apply sa ibang lugar pero paano kung hindi ako matanggap? Hindi ako pwedeng tumigil lang basta basta.
Kawawa naman si inay kaya kailangan kong mag trabaho. May sakit ang Lola ko dala ng katandaan. S'ya ang kinilala kong magulang dahil sa kaniya ako lumaki. Patay na ang nanay ko. Namatay s'ya no'ng pinanganak ako. Ang tatay ko naman ay masayang naninirahan sa Palawan kasama ang kabit n'ya. Ni hindi nga raw nito alam na merong ‘ako’ no'ng umalis s'ya at sumama sa mayamang pokpok na 'yon. Tsk.
Ilang beses na akong nabastos dito lalo dahil sa suot ko. Ilang lalaki na ang humawak sa hita at dibdib ko. Pero nagpapasalamat akong hanggang do'n lang sila dahil agad namang sumasaklolo si Brent. S'ya ang may ari ng bar kung saan ako nagtatrabaho. 28 na s'ya at isa ang pamilya nila sa mga sobrang yamang taong kilala ko.
Napaigtad ako ng may biglang pumisil sa pang-upo ko. Dahil do'n ay muntik nang matapon ang mga alak sa basong nasa tray na hawak ko.
Malakas ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. At sa takot na din. Purong mayayaman ang nandito at kapag ako nanlaban, mawawalan ako ng trabaho. Hindi pwede iyon. Kawawa si inay.
“Damn smexy!” Anang lalaki at pinalo pa ang hita ko. Lumayo ako sa mesa nila pero nagsitayuan ang mga lalaki. Halatang maraming alak na ang na-take nila base sa behavior nila. Mapupungay ang mga mata at madilim ang ekspresyon ng mukha nila.
“Hep! Hep! Sa'n ka pupunta?” Awat ng isa sa akin at hinawakan ang braso ko. Mahigpit iyon pero hindi gaanong masakit. O siguro dahil sa takot ko kaya namamanhid na ako.
“Sir, pasensya na po pero barmaid po kami dito at hindi pang-” he cut me off.
“Pareho din 'yon!” Anang isa at tumawa pa.
“Halika dito, miss, hindi naman kami nangangagat.”
“Oo nga! Pero nangangain kami.” ngumisi ito matapos iyong sabihin.
“S-Sorry-”
“Miss?” lahat kami ay napalingon dahil sa boses na iyon. Tinaas n'ya ang kanyang kamay kaya lumapit ako sa table nila at naglagay ng alak sa baso.
“Thanks.” malamig na anang isa nang naglapag ako sa harapan n'ya ng alak. Nalanghap ko ang pamilyar na pabango kaya nilingon ko ito. Napaawang ang labi ko ng magtama ang mga mata namin.
Kasing dilim ng gabi ang mga mata n'ya at kasing lamig ng simoy ng hangin ang tingin n'ya sa akin na para bang may nagawa akong kasalanan na hindi madadala sa pakiusap.
Agad akong napalayo dahil napagtanto ko ding sobrang lapit ng mga mukha namin. Tumikhim ako at sumulyap sa lalaki at umayos ng tayo.
Huminga ako ng malalim at bahagyang yumuko at niyakap ang tray.