Chapter 5

32 3 0
                                    

Prince~

"Hey Prince! I miss you honey" Sabi nya sabay kindat at kandong sakin habang may hawak na tequila.

Maririnig mo ang lakas ng tugtog na nanggagaling sa malalaking speaker dito sa Bar. Palagi akong nandito pag gabi. VIP na nga ako dito sa bar nato.
Tinabig ko si Ionica at pinaupo ko sa tabi ko.

"What's wrong Prince?" Sabi nya na may bahid na pagtataka.

"I'm not in the mood nica." Matigas kong sabi. Umirap lang sya saka tumayo at umalis para makipagsayawan.

Inilibot ko ang mga mata ko sa mga nagsasayawan sa gitna habang umiinom. Napansin kong may babaeng nakaupo sa may harap ng counter. Pinagmamasdan ko lang sya habang kausap nya yung bading na manager netong bar. Walang expression ang mukha nya habang nakikipag-usap sa bading. Yes. She's Gorgeous. I admit ang ganda nya kahit walang expression yung mukha nya.

Nagulat ako ng may lalaki na lumapit saken saka umupo sa harapan ko at masama akong tiningnan. 

"What?" Tanong ko. Dumikwatro muna sya bago nagsalita.

"Prince. Prince. Prince." Sabi nya na may bahid na ngiti sa labi.

"Kailangan mo?" Tanong ko at tinungga ang natitirang laman ng baso.

"Hmmm...mangungumusta lang. Bawal naba?" Sagot nya.

"Psh."

"Kumusta kana ba Prince? Long time no see." Tanong nya.

"Anong kailangan mo Psydeon? Alam kong may kailangan ka." Diretsong tanong ko.

"Sige.. Mapilit ka eh." Sabi nya na may ngiti sa labi. Siya si Psydeon ang mukhang unggoy na kumakalaban sakin pero wala namang binatbat.

"Tara sa labas." Sabi nya saka tumayo at naglakad papunta sa counter. Tumayo na ako saka tumawag ng waiter at nilagay ang bayad ko sa lamesa. Lumabas nako ng bar at lumakad papunta sa maliit na eskinita katabi na pinatayuan nito. Nakita ko si Psydeon nakatayo at ang mga kasama nya. Nagbitbit pa talaga.

"Prince kumusta kana? namiss ko yang makinis mong mukha hahaha." Sabi ni Psydeon. Walang namang binatbat.

"oh tapos? Dadaldal ka nalang jan? Pasalamat ka at wala si Third dito kundi wasak na yang pinagmamalaki mong mukha." Nainis naman sya sa sinabi kaya ngumisi ako.

"Aba't lumalaban pa to ah. Hoy Prince! Ang tapang mo ah!? Nag-iisa kalang at kami trenta kaya wag kang magtapang-tapangan jan!" Inis nyang sabi sabay tapon ng sigarilyo. Di ako sumagot at bored na tiningnan sya.

Bigla naman sumugod yung Lima na kasama nya kaya inunahan kona. Sinipa ko sa harap saka sa kilid at sinuntok sa yung isa. Nakita ko na may tubo sa kilid. Kinuha ko at inihampas sa mga ibang sumugod pa. Tinapon ko ang tubo at tiningnan si Psydeon.

"Oh ano?" I grinned.

Kumuha naman sya ng kutsilyo sa likod nya at aakmang sasaksakin ako pero tumilapon ang kutsilyo sa kamay nya at nakita ko nalang na nakahandusay na ang mukhang buwaya na si Psydeon. Napatingin ako sa kung sino ang gumawa pero Tumalikod na sya at naglakad papuntang parking lot. Sinundan ko naman sya.

Papasok na sana sya sa kotse nya kaya hinigit ko ang braso nya.

"Get your hands off." Malamig na sabi nya. Pero mas hinigpitan ko ang paghawak sa braso dahil parang umikot ang paningin ko siguro dahil sa nainom ko.

"I said--"

Bago pa nya masabi ang gusto nyang sabihin nagdilim na ang paningin ko.

Bigla akong nagising dahil ang sakit ng likuran ko. Andito pala ako sa sofa nakatulog. Tumayo ako at naglakad papuntang kwarto. Nakaramdam ako ng init kaya hinubad ko ang suot ko at pabagsak na humiga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devil Mafia PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon