11. G-tec

266K 9.3K 3.2K
                                    

11. G-tec


Monday morning and everything seems to be gloomy including this annoying little thing beside me. Hinihintay namin ang prof namin sa Computer lecture. Thirty minutes na kasing late. Ayun, nabo-bore tuloy kami ni Badaf dito sa classroom.

"Hindi ako maka-get over sa confession na yun, Badaf." I tried to crack a talk with him. Nakanguso kasi siya at nakapangalumbaba sa desk. Parang wala sa mood.

"Yeah. Ka-turn off ang grammar."

I chuckled witfully at him. Actually, hindi ako na-turn off. Though, mixed emotions ang naramdaman ko. Hindi ko kasi alam kung malulungkot ba talaga ako sa post o matatawa sa grammar niya.

"Ang pangit pa ng penmanship," he added timidly so I slapped his arms jokingly.

"Pangit din naman ang penmanship ko. At saka hello, hindi mo ba alam na, people who have bad penmanship are the beautiful and handsome ones?"

"Pfft!" He rolled his eyes before he pulled my pigtailed hair. Paborito niya talang gawin iyon sa akin. Palibhasa, literal na mahaba ang hair ko. Eh yung kanya, bangs lang ang mahaba. "So, meant to be na kayo ngayon nyan?"

"Hindi naman. Medyo click lang."

Inilingan niya lang ako ng ulo habang nakangiti na halatang pang-asar lang and then here goes silence again. Sigh. Wala talaga siya sa mood. Hindi tuloy ako sanay.

Inilapit ko nga yung arm chair sa kanya saka ko nilaro-laro ang buhok niya. "May problema ba, Badaf?" I asked worriedly.

Medyo maingay ang classroom. Just imagine a high school classroom while the teacher's not around. Yung iba, natutulog at nakamukmok sa desk, yung iba naman ay may earplugs at walang pakielam sa sarili at yung iba naman ay nagchichikahan lang. I didn't know na ganito rin pala sa college.

"W-wala."

Sinilip ko ang mukha niya pero nag-iwas siya ng tingin. Aba, meron ngang problema ang bakla. "Meron e. C'mon, Badaf. Tell me... Ano pa't naging soul sister kita?"

Aww, and the sweetest friend goes to Misty Kirsten Lee. Thanks everyone. *bow*

"You won't understand," nakalabing sabi niya sa akin at pagkatapos ay inipit niya pa yung imaginary long hair niya sa tainga niya.

"Ay, nagmamaganda?" tanong ko at pinagpatuloy ang paglalaro sa brown hair niya. Hindi ko nga alam kung ba't hindi kami sinisita ng instructor namin sa NSTP about sa brown hair namin ni Badaf e bawal nga ang may hair color.

Badaf frowned at me, or more like a puppy face look? Parang nagpapaawa. "Tatawanan mo lang ako sa problema ko."

"I won't!"

"Knowing you? Nah." Binatukan ko nga. "Ouchiebells!" Asar e! Halata namang concerned ako tapos siya naman 'tong nag-iinarte pa.

"Sabihin mo na kasi," pilit ko.

Bumuntong-hininga lang siya at humarap na sa akin. Mukhang seyoso ang Badaf. "Pinagbantaan kasi ako ni Mama e."

"Na?"

"Na hindi niya ako bibigyan ng mana."

My forehead creased in confusion. Kulang kulang naman kasi magsalita. "At bakit?"

"Eh kasi..."

"Kasi what?"

"Eehh..."

Pok! Nasapul ko na naman tuloy ng batok. Nag-iinarte na e. "Ayusin mo nga! Sabihin mo ng maayos," iritableng sabi ko.

[Book 1] Warning: Bawal Ma-fall Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon