How long will I Love you?

3 1 0
                                    

Prologue

"Ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!!!" pauulit-ulit kong sigaw habang tumatakbo sa kung saan. Patuloy lang ang pagtulo ng mga luha sa pisngi ko. Wala akong pakealam kahit magmukha akong tanga. Ang sakit kasi eh! Sobra. Sa dinami-dami ng pwedeng mahalin bakit kase siya pa, pinagmumukha na nga akong tanga pinaninindigan ko pa. Leche!

Napadpad ako sa isang waiting shed, buti nalang walang tao kaya naupo na ako sa may bench. Mga anong oras kaya mauubos luha ko? -_- Diba 70% ng fluid sa katawan ng tao eh tubig. Langya! baka matuyot ako nito.

" Hindi na maganda to. Wasak na yung puso ko... " sabi ko sa sarili ko. Nakayuko lang ako habang iyak ng iyak ng...

"Aso" alam kong siya yung nagsalita. Siya lang naman tumatawag sakin ng ganon eh. Di ko nalang siya pinansin. "Hoy Aso" ulit niya "ASO!!!" sigaw niya. Langya haba ng pasensya ah. -_-

"Bakit ba kase!? ano bang ginagawa mo dito." irita kong sabi sa kanya. Ngumisi lang siya. Aba siraulo talaga.

"Ayoko na okay? umalis kana, suko na ko. Masakit na masyado." umiiyak nanaman ako. " Pagod na kong mahalin ka... "

" Sumusuko ka na? Is that it? Is that all your feelings have to offer? " nakangisi pa siya siraulo yata tong gago na to eh.

Nakatayo lang siya sa harap ko. Ini-angat ko ang ulo ko para makita ang mukha nya. "A-ano.. " ngumiti naman siya. Ngayon ko lang nakita yung ngiti na yon pagkatapos ng matagal na panahon. Yung ngiting walang bahid ng pagkukunwari. Tapos tumalikod na siya at nagsimulang lumakad paalis. Unti-unting nawala na siya sa paningin ko.

Naiwan akong tulala.
How come a devil becomes an angel when he smiles?

Wreck My Heart ( On going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon