Z.Z * Beep.... beep.... beep.....*
-.O * Listeeeeeeen! I am alone at the cross road....
O_____O * kriiiiiiiiiing! kriiiiiiiiiiiiiing! kriiiiiiiiiiiiing! *
Bigla akong napabalikwas at. " Aaaaaah-" boooogssh. " Anak ng- Kuyaaaaaaa! "
Bwiset. Tumayo ako at isa isang pinatay yung mga alarm clock. Leche! kala mo may party dito sa kwarto ko sa sobrang ingay.
Pagkatapos kong gawin ang mga dapat gawin ay bumaba na ako, naabutan ko naman nagluluto si Kuya Adrian sa kusina. Napansin naman niya agad ako.
" Ow. Good morning Sleeping beauty. Kamusta tulog mo? Pffft. " natatawa pa nyang sabi. Arrgh sabi na e.
" Kuya anong trip mo ha! bwisit kailangan talaga sandamakmak na alarm ang ilagay mo! " irita kong sabi sa kanya. sabay bato ng tsinelas.
" Aray! aba dapat lang no. Pati kapit-bahay gising na sa sobrang ingay ng bahay natin tapos ikaw tulog na tulog pa! Aba iba na yan kapatid. " pailing-iling nya pang sabi. Siraulo talaga tong kuya ko na to.
Bigla namang dumating si Ate Xandra asawa siya ng kuya ko. Maganda siya, mayaman at matalino. Ewan ko ba dito kay Ate Xandie kung ano nakita sa kuya ko. Psh.
"Good morning Baby Sab" nakangiti nyang sabi sakin "Kumain kana dito" pumunta ko sa kanila. Then kumain na kami sabay sabay.
Ayy! nga pala mga readers ako si Sabrina Castillo Hernandez. 16 yrs. old. Senior student sa SouthEast Academy. Private school sya. And dito ako nakatira sa bahay nung Kuya ko kasi malapit naman sya sa school kaya pumayag na parents ko.
First day ko bilang Senior student. Well hindi naman nako kinakabahan unlike nung first year ako haha! Alam nyo yung feeling na wala kang kilala tapos kinakabahan ka at di alam pupuntahan Bassstaaaaa! Haha.
Nakarating nako sa room. First section ulit. Nakita ko yung mga girlfriend ko kaya pumunta nako sa kanila.
" Sabriiiinaaa. Waa I miss you " sabi ni Jessica habang nakayakap sakin. Si Jess ang pinakaSweet samin, sobrang cute nya pa at bait. Ang sweet nya talaga.
" I miss you too. Yiee ang cute mo talaga " piniga ko parehas yung pisngi nya. Nagpout naman agad. Haha Cute.
" Yow Sab " sabi ni Dennise. Haha boyish talaga. Kasama ko lagi sa kagaguhan yan. Maganda si Den, Sexy at Loka loka XD. Nginitian ko sya.
" What's up Sab " sabi ni Patricia. Isa yang bookworm. Maganda, matalino at syempre mabait.
Nagkwentuhan at tawanan naman kaming apat wala pa namang teacher e. Ilang saglit pa ng... " Andyan na si Maaam!" sigaw nung isa kaya kami naman ay.. " Guys! Transform!" Haha kanya kanyang ayos na.
Pumasok na yung teacher. " Good morning class. I'll be your homeroom teacher for the whole school year. So I'm expecting that this class will cooperate with me. makakaasa ba ko?" " Yes Maam!" sagot namin. " I guess you already know each other so theres no need to introduce yourselves" tapos ni maam.
" I'm sorry maam I'm late." nalingon kami sa nagsalita sa may pinto at... at.. nganga! ang gwapo *_*
" You must be the transferee. Well come in. Introduce yourself" sabi ni maam. Pumunta naman yung lalaki sa harap at nagpakilala.
" Goodmorning. I'm Ivan Lee Illustre. 16 yrs. old. Sana maging mabait kayo sakin." sabi nya at ngumiti. Aba ang bait naman pala nitong isang to eh.