Sira-ulo gang

12 1 0
                                    


Tawa ako ng tawa habang nakikinig sa kalokohan ni atasha actually "NATHAN"

ang totoo nyang pangalan.Ang baklitang ito maraming kaartehan sa balakang...

Literature ang klase namin ngayon hindi naman sa mga pabayang estudyante kami,

masyado lang kasing center of attraction ang ulo ni sir.

"what if nag sitayuan yung buhok ni sir sa ulo?" nakabungisngis na wika nito.

hinampas ko siya sa braso.

"puro ka biro!"-ako

"mukhang supersayan si sir" tumawa ito habang nakahawak sa tiyan at ginaya

yung mukha ni san guko sa dragon ball pero mukha lang siyang natataeng pusa.

"mukha kang tilapiang buntis" tukso ko.

"Quiet please" sita sa amin ni jay.

si jay ay isa sa mga kaibigan ko na masungit pero vibes kami niyan

takot nya lang sa akin.'haha... actually nakakatakot yan pag nagalit

kamukha nyakasi si kingkong kung magalit:)

"what's you paki ba?" pagsusuplada ni atasha.

"ang ingay nyo may nag rereport" sagot ni jay.

" as if naman na nakikinig ka? i'm sure busy ka lang sa pag tetext sa honey my love so bitter mo"

pang aasar ni atasha.

bigla namang kumunot ang noo ni jay.

" ang gwapo mo dude!" singit ko

kaya pinukol nya ako ng masamang tingin

"hehe..peace?" nag peace sign ako.

"sir.pwede na bang lumabas?" pag interrupt ni dexter ito ang pinaka matakaw sa buong klase.

"why mr.yamasako?" tanong ni sir

" i'm hungry sir, mom told me to eat on time" napakamot ito ng batok.

tumawa kaming lahat.Kahit kailan talaga mama's boy ito.

"ok mr.yamasako pagbibigyan kita...you may go class" sabay kaming lahat na tumayo

yung iba ay nagsigawan at ang iba ay nagharutan.

"thanks dexter. the best ka talaga..akala ko malulusyang na ako sa pagmumukha ni sir"

exaggerate na wika ni atasha.

"lusyang ka na te matagal na" singit ni mae.

"tse! sabihin mo inggit ka lang sa balingkinitan kong katawan" nag pose si atasha na parang model.

" feel mo naman?" naka labing sagot ni mae.

" syempre feel na feel ko"rumampa si atasha sa harapan ni mae kaya hinampas siya nito ng

librong hawak.

"tama na nga yan nagugutom na ako" wika ko.

sumunod naman silang lahat. Ganito kami lagi,di makukumpleto ang araw ng walang pagbabangayan

paano ba naman puro may mga tupak ang mga kaibigan ko.

MEET MY SIRA-ULONG MGA KAIBIGAN

mae- ang babaeng walang pahinga....sa kakatext sa mga boyfriend nya.(take note: mga! plural po yan)

joy- "nono sa punso" walang pampatangkad na ibenebenta sa kanila eh.

gen- kilos lalake pusong babae.

anne- paborito si jollibee kulang nalang pakasalan si jollibee

rae- palitong abusado.

jay- supladong chismoso

atasha- baklitang maganda....oops...sabi nya..hahha..

BETTER THAN WORDSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon