Chap 2

1 0 0
                                    

Hmmm... Ano to? Matigas, Parang tinapay.. Pero marami...

Nananaginip pa ba ako?

Grabe, Parang hinulma sa sobrang perpekto ng hubog, Teka... Ano bang hinahawakan ko? Wala naman akong katabi kagabi ah! Multo? Nah! Imposible!

May multo bang may abs? In fairness, Ang ganda ng katawan nitong multong ito, Parang nagji-gym.

"Enjoy na enjoy kapatid?" Tuluyan na akong nagising, Minulat ko ang isang mata ko.. Malabo pero nakita kong may katabi ako, "LETSUGAS! Kuyaaaaaa!"

Abs pala ni Kuya Stan iyon! Dito na naman siya natulog? Naka boxer pa siya at may morning glory pa sa mukha, Eeeewww! Kadiri talaga ang kuya ko, Pero madaming nahuhumaling dito! Di ko lang matanggap na ang kuya kong nangangamot ng puwet niya at umuutot ng amoy imburnal sa harap ko ng walang pakundangan dahil magkadugo naman daw kami ay nagpaiyak na ng sangkaterbang babae at marami pa nagkakandarapa sa kanya! Juice colored!  Eww lang.

"Aray!!" Tumawa pa si Kuya habang hinihimas ang balakang niya.

"Kadiri ka talaga kuyaaa! Dito ka na naman natulog!!"

"Makapagsalita parang di nag-enjoy sa abs ko! Kaya nga ko nagising dahil may nanghihipong babae sa tabi ko!" Sumbat niya sa akin.

"Umalis ka na nga dito!" Bulyaw ko, Tumawa lang siya ng malakas. Binato ko siya ng unan pero nasalo niya.

"Umayis ka nge dete! Pffffttt. HAHAHAHA" Ginaya-gaya niya pa ako, Arrrrggghhh! Di ako makapaniwalang may kapatid akong sinto-sinto! Binato niya pabalik yung unan na sumapol sa  mukha ko! AAAAAARRRRRGGGGHHH--

"STAN! STAR! BUMANGON  NA KAYO!!!" Narinig ko ang katok ni Mommy at tumayo na ako.

"Nabangon na po!" Sabi ko at dumiretso sa banyo at naligo na.

Nagbihis at nakapag-ayos na ako para bumaba na, Pagbaba ko ay nandun na si Gitriel. "Where's Ayi?" Tanong ko sa kanya, Wala ang kapatid niya ngayon.

"Maaga daw sila, May meeting daw ng ka-club niya e."

Naalala ko na malapit na pala ang Month ng Club nila. 

"Bilisan mong kumain, Star. Iwanan ka namin ni Gitriel e!" Sabi ni Stan.

Binilisan ko ang pagkain tapos ay nag-toothbrush ulit.

"Tita alis na po kami!" Paalam ni Gitriel sa Mama ko.

"Bye Ma!" Sabay na sabi namin at sumakay na si Kuya Stan sa Kotse niya. Samantalang si Gitriel ay nakamotor naman.

"San kotse mo?"

"Sira e. Pinaayos pa ni Dad." Sagot niya. Tumango-tango naman ako.

"Kuya dito ako sasakay!" Nag bleee pa ako at umirap lang siya sa akin, Humarap ako kay Gitriel at linagyan niya ako  ng  helmet.

Sumakay na rin si Gitriel, Ganun rin ako at pinaandar na ni Kuya ang sasakyan niya. Naunang siyang umalis. Si Gitriel din ay pinaandar na at pinaharurot ang motor. Napayakap ako sa kanya at  kinapa ang abs niya. Wow! Pinaghirapan niya ito ng ilang buwan. Astig may tumubo na rin!

"A-anong ginagawa mo? Tigilan mo yan mababangga tayo!" Tumawa ako sa reaksyon niya. Grabe kitang-kita ko ang pamumula  niya, Ang sarap talagang asarin neto!

"Galing ah! After 4 months? Mala adonis na ang abs mo! Hahaha!" Sabi ko pa at kumapit sa kanya, "Wag mo kong asarin mamaya masemplang tayo!"

Tatawa-tawa pa ako, "Asus! Alam ko namang di mo ako hahayaang masaktan, Diba?"

Tumahimik siya bigla. Problema netong lalaking to? Bipolar much?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 14, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dont Mind This Author'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon