10

615 31 4
                                    

10: Keep it

"What are you thinking?" 

Nagising ako sa kakaisip na mahahalikan ko siya nang bigla siyang magsalita. Siguro sa iniinom namin 'to. Nalalasing na siguro ako.

"Ha? Wala akong iniisip," sagot ko. I saw her grinned and sipped a drink. 

If I flirt with her now, it will be at my own risk. Paano kung humingi ako ng seryosohang relasyon? Teka, bakit ko ba iniisip na mahuhulog ako sa kanya, 

Me and her? Me with her? 

"Bakit ang galing mo sumayaw?" Tanong ko. 

Yon kasi ang araw na nakuha niya ako, na straight naman ako, at hindi ako papatol sa babae. I even told Josh before ma gugulo lang ang buhay niya, na kahit kaming mga kaibigan tanggap siya, may mga tao pa ring mahirap makaintindi. 

"I'm not a great dancer, but thanks. It's just a hobby," sagot niya.

"Hobby lang? Pero ikaw nga yata yung pinakamagaling don, naging laman ka kaya ng usapan sa University."

"Why? Pinaguusapan niyo ako?"

"Ha? Hin–hindi, palagi ka lang nagiging topic ng friend ko," sagot ko. 

"Ah, my mom used to be a member of a dance crew, siguro sa kanya ko nakuha ang pagsasayaw," she said while staring at the bottle.

"Ikaw, ayaw mo bang maging professional dancer?"

"Mas gusto kong maging architect," sagot niya. "Ikaw? What do you wanna be?" 

"Ako? Gusto ko ring maging architect, pero ngayon parang gusto ko nalang mag-asawa ng architect," sagot ko at nakita ko siyang natigilan sandali.

"Ah nice," she said. 

Tumayo ako at paubos na rin naman ang iniinom namin. Ang bilis naman namin. Pero wala namang nangyari. 

"Balik na ako sa room ko, may class pa tayo bukas," sabi ko. 

"Ah sure, oo nga pala."

Sinamahan niya ako hanggang sa labas. 

"Thank you," she said while smiling. 

"Salamat rin," I asnwered. 

We stared at each other for a while. Ako alam ko kung bakit ko siya tinitigigan, is that because I like her. Siya? Bakit niya ako tinititigan pabalik, hindi niya ba alam na pwede akong mahulog sa titig niya. 

"Ah, sige, good night."

"Good night Izzy."

"Good night Saydie."

Ayokong lumayo sa mga tingin niya. Kung pwede lang akong manatili ng matagal. Bakit hindi?










Nagising pa rin naman ako ng maaga kahit ang sakit ng ulo ko. Agad akong naligo at nag-ayos para papuntang school. Hindi ko alam pero ginaganahan akong mag-aral ngayon.

Lumabas ako ng room ko at tumingin muna sa bintana ni Saydie kaso nakasara, hindi ko makita ang sa loob. Hindi ko alam kung pumasok na ba siya. 

I want to message her kaso nakakahiya. 

Isipin pa niyang feeling close ko na sa kanya. I forgot to ask her about her family, what her life was like. I already shared mine. 

Sa susunod nalang siguro na date namin.

Bumaba ako at nang makalabas ako ng gate ay nakita ko si Ezekiel.

What the hell is he doing here?

Nakasandal siya sa motor niya at parang may hinihintay. I know he's waiting for me, pero sino nagbigay sa kanya ng address kung nasaan ako ngayon. Kinuha ko ang phone ko at lumakad na ng diretcho na hindi siya pinapansin.

"Izzy!"

"Shit." Pabulong kong sabi nang marinig ko ang boses niya.

Izzy:

Gaile! Nandito si Eze!

Sent.

Ibinalik ko ang cellphone ko sa bag n hindi lumilingon sa kanya. Pero kahit nakatakbo ako ay nahabol pa rin niya ako. Agad niyang hinarangan ang daanan ko.

"Please stop ignoring me babe," he said sounding like a lost puppy.

At least cute ang mga aso, siya? Yuck!

"Stop following me! Sino nagbigay sayo ng address ko!" Sigaw ko sa kanya. 

"Don't shout please. Mag-usap muna tayo." Hinila niya bigla ang braso ko. Isa sa mga ginagawa niya na ayoko. 

"Masakit Ezekiel! Let go of me!"

Hindi na siya nahiya! Ang ganda pa ng sikat ng araw, sinisira niya! Ang kapal ng mukha niya!

"Isusumbong kita kay tita!"

"Shut up Izzy! Mag-uusap lang tayo, I know we can still fix this!"

"Ano ba masakit!"

Nagawa kong bawiin ang braso ko. Humakbang agad ako paatras nang lingonin niya ako. 

"Bakit ang hirap mong pakiusapan!" Sigaw niya.

Hindi na siya nahiya sa mga dumadaan.

"Wala na nga tayo! Ayoko ng makipagusap sayo!" I shouted back. Trying to hold my tears.

Trying to hold myself from exploding!

"Mag-uusap lang tayo!"

"Ayoko na nga! Bobo ka ba?!"

Pagkatapos ng ginawa niya? Hindi na ako papayag! 

"Izzy!"

Parehas kaming natigilan nang may biglang tumawag sa pangalan ko. It's… Saydie.

"Sabi mo sabay tayo," sabi niya nang makalapit siya sa amin. 

"Kailangan pa naming mag-usap," sabi ni Ezekiel, at sinubukang hawakan at abutin ang kamay ko pero agad na pumagitna si Saydie at inakbayan ako.

"Let's go," she said but she's not looking at me. She's looking at Eze. 

"Thank you," sabi ko nang makalakad kami palayo kay Ezekiel. 

"Here." Bigla niya akong inabutan ng panyo. 

"Okay lang ako," sagot ko. Pero bigla niyang pinunasan ang luha ko. 

"Okay lang, marami naman akong panyo, you can keep it," sabi niya at inilagay sa palad ko ang panyo niya. 


Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon