Hi Oppa! Well, I know you can't understand my language, but please. My bleed is nosing. LOL! My nose is bleeding and I'm not very good in english. So if you don't mind, itatagalog ko na to. Bahala ka na kung i-tratranslate mo to kay Google Translator. Ganyan kita kamahal. Papahirapan kitang bata ka.
(Wow nag salita ang hindi bata. Bastus ka Faith)
So ito na nga. Ikwe-ikwento ko muna ang pagiging FAN GIRL ko sayo. Kung paano ako napamahal sa mukhang gwapong isdang katulad mo. Kiligin ka Oppa! Hahaha!
Back to 2009..9..9..9 (Echo po yan)
Sa totoo lang Donghae Oppa, di ko pa kilala ang grupo niyo nun kasi mga Grade 6 ko narinig yung Sorry Sorry ninyo. Kumpleto pa kayo with Hangeng and Kibum Oppa. Nauna ko kayong napakinggan sa Radyo, sa 101.9 (nakalimutan ko na yung pangalan ng station kasi bihira na ko mag bukas ng radyo ngayon eh. Heheh) Eh di ayan ililipat ko na sana yung estasyon ng bigla akong matawa sa narinig ko.
RADIO DJ: At ang susunod na ating papatugtugin ay nag mula pa sa ibang bansa. One of the most famous boy band in South Korea at pinauso nila ang Sorry sorry. So ito na nga ang Super Junior. (Pinatugtog na)
Ako: Ay tipaklong! Hahahahaha! Nakakatawa yung pangalan! Super Junior talaga? Bwahahaha bwisit. Anak ba nila Superman at Superwoman yan? Hahahahah kaaasar hutek! Haaahaahahaha!!
Oh diba Oppa? Ang sama ko pa sainyo nun? Napagkamalan ko pa kayong anak nila Superman at Superwoman. Haist.
Pero nung napakinggan ko yung kanta niyo, as in napanga-nga ako ng bonggang bongga. Pagkatapos ko kayong asar-asarin napanga-nga nalang ako ng ganun ganun?! Alam mo yung feeling na parang ako pa ata naasar kaysa sainyo kasi napakinggan ko lang kayo, na-amaze ako sainyo?. Gets mo yung point ko Oppa? Ha? GETS MO?!
At ito pa. Di ako nakontento. Agad agad akong tumakbo sa computer shop nun para lang mapanood yung Sorry Sorry MV. Nung mapanood ko na.... NGA NGA TO THE MAX ANG PEG KO SA LOOB NG COMPUTER SHOP. Ang galing niyong sumayaw. Lalo ka na!
After ko mapanood. Sinerch ko kayo kay Google. Nagulat ako sa lumabas na picture kasi agad ko nakita yung abs ni Siwon! Napamura ako nun. Di ko alam kung ano gagawin ko kasi yung katabi ko, etchusera. Kaya ginawa ko nalang, nag out nalang ako. That time wala akong nakilala kahit isa. Ni-isa sainyo WALA dahil sa etchusarang babaeng katabi ko!
Pero ikaw talaga yung tumatak sa isipan ko nun. Kahit di kita kilala. Napapakanta ako ng Sorry Sorry kahit wala akong maintindihan. Pero once nag hanap ako sa lyrics niyo nun sa nga Song book lyrics nun, yung may mga chords para sa gitara. Alam mo yung feeling ko nun nung naka-chamba akong makita yung Lyrics, kilig na kilig ako nun. As in halos mabatukan ako ng nanay ko kakatalon sa loob ng bookstore.
Hanggang sa isang araw, mga 2010 na yun. Kasi nung makilala ko kayo December na ng 2009. Medyo limot ko na kayo. Swiftie kasi ako nun. Mas tutok ako sa mga Hollywood stars kaysa sa K-POP stars. Pero mahilig ako manuod ng mga K-Dramas.
So back to hanggang isang araw, Year of 2010..10.10..
May nag patugtog ng No Other sa classroom. Eh ako napalingon agad at hinanap kung saan nanggaling yung tugtog na yun. Napalingon ako sa best friend ko. Nang asar pa yun kasama niya yung anak-anakan ko nun sa classroom.
BF: Uy, napalingon siya.
AA: Mommy, pinapatugtog ni tita (yung bestfriend ko) yung theme song niyo ni Daddy. Hihihi
Ako: *dumbfounded* SuJu yan?
BF: ay hindi! JuSu ito!
Ako naman si nag tataka, sino yung tinutukoy ng anak-anakan ko na daddy niya. Oh diba? Bias ko pero yung unang nakakilala yung anak-anakan ko pa? Astig diba? Eh di tinanong ko yung anak-anakan ko.
Ako: Nak, sino yung tatay mo?
AA: Hala si Mommy kinalimutan na si Daddy ng tuluyan.
Ako: H-Hindi naman sa ganun anak. Alam mo naman si Mommy diba? Di masyadong naadik sa SJ.
AA: ito siya mom. (may pinakitang picture.) Si Lee Donghae ang daddy ko mommy. (Nag pout)
Nang makita ko yung picture. Laking gulat ko na ikaw yun Oppa! Ikaw yung laging nasa isip ko nun. Yung ngiti ko nun hanggang tenga. Kaya simula nun, lahat na kayo kinilala ko na. Hahaha.
Pero ang lahat ay nagbago noon.
Tumigil ako ng pag fafan girl ko noon sainyo. Mga 2011. Pero sinusubaybayan ko parin yung mga kanta niyo nun.
Bakit ako napatigil?
Dahil sa mga Negative comments na nakukuha ko sa tabi tabi. Kesyo ganyan daw kayo, ganito daw kayo. As in masasakit na salita ang natatanggap ko noon. Mahina pa ko nun para makarinig ng mga ganun comments. Aalamin mo pa ba Oppa kung ano ang mga yun? Parang ngayon parin. Walang pinag bago.
Saka nagulo rin yung pag aaral ko nun. Hehe.
Kailan ako bumalik bilang ELF ulit?
1year lang ako tumigil Oppa. Wag ka mag alala. Yung tipong wala talaga akong balita sainyo nun. Yung tipong di ko na alam ang mga bago niyong kanta. Yung tipong may enlisment na palang nangyayari. Kung mga 2011 tumigil ako pero naabutan ko hanggang SPY era. Bumalik ako mga 2013 na. Yung nabalitaan kong naenlist si Yesung Oppa sa military. At dun ko lang ulit kayo napanuod sa Sexy, Free and Single era.
Sa tingin mo Oppa? Mukha ba kong tanga sa pinag gagagawa ko noon? Yung tipong balik-alis ako sa grupo niyo? Pangit bang tingnan sa isang katulad ko yun?
Para saakin kasi.. Oo. Nadala kasi ako sa mga pinag sasasabi ng ibang tao noon.
Pero ngayon Oppa, hindi ko na gagawin ulit sainyo yung nangyari dati. Habang buhay na kong magiging EverLasting Friend niyo. Hindi man ako napasama sainyo noong simula, alam kong hanggang sa huli ay makakasama niyo ko.
Itaga mo sa bala--TUBIG NG SAPPHIRE BLUE OCEAN YAN OPPA!
Hmm. So pano ba yan Oppa? Hanggang dito muna ha? Wag ka mag alala. May kasunod to. Hihihi~
Kahit wala pa kong nasusulat na kasunod, kinikilig na ko!!!!!
P.S: Oppa, pag pasensyahan mo muna yung cover ko XD, wala pang net eh. Di ako makapag edit sa iPad ko. Sorry na. ^^v
BINABASA MO ANG
A letter for Lee Donghae Oppa
RandomAng kadramahan,kabaliwan,katangahan, o lahat lahat na pwedeng sabihin ko. Ay nandito na. -SJ_HallyuKings