[A/N: Girl POV po ito, sorry in advance kung sabaw or what hehe. Sorry din sa mga typo at error]
--------------------------
Akala ko hindi ako susukuan ni Jaebum. Wala kasing inaatrasan yung gagong yun. Gago pero mahal ko.
Pero akala ko lang pala yun.
Akala ko di niya ako susukuan, kasi walang araw, walang oras, minuto at segundo siyang sinasayang.
Ang sweet sweet niya sakin. Sobra.
Six months. Six months niya akong sinuyo, pinakilig at inalagaan at minahal. Teka, minahal niya ba talaga ako?
Simula nung isang araw hindi na siya sakin nagpaparamdam. Samantalang noon pagkagising ko may text na agad siya sakin, lagi niyang pinapaalala sakin na dapat kumain ako sa tamang oras. Lagi siyang bumabanat. Lagi niyang sinasabi na mag-iingat daw ako lagi kasi pakakasalan niya pa daw ako.
Pero wala na ngayon. Tangnang Jaebum yan. Ah oo nga pala, hindi pa kami. Ewan, sinukuan niya na nga ata ako. Ngina nyan, siya tong nanliligaw sya pa tong may ganang mang iwan sa ere.
Ngina mo Jaebum inis na inis ako sayo. Lalo na sa sarili ko. Alam mo bang sasagutin na dapat kita? Kaso wala eh, hindi mo na ako pinansin. Hindi mo na ako pinapansin.
Pag nagkakasalubungan kami sa campus parang hindi niya man lang ako kilala, parang hindi niya ako nililigawan. !@#$%^& yan!
"Kryzelle kamusta na kayo ni Jaebum? Bat parang hindi na siya dumadalaw dito sa room?" usisa ng chismosa kong seatmate na si Cheska nanaman.
"Bakit, may libing ba dito sa room para dumalaw siya?" Pangbabara ko sakanya. Nako Ches! Tigilan mo muna ako sa Jb na yan brokenhearted ako jan! Gago kasi yang Jaebum na yan, hah porket pogi siya
"Grabe ang hard! Kwento na daliiii"
Kahit kelan talaga ang daldal nitong babaeng to.
Dahil wala naman akong mapaglabasan ng sama ng loob, kinuwento ko sakanya na hindi na niya ako pinapansin. Na para bang isa nalang akong hangin.
"Alam mo kasi Kryzelle, kung mahal mo na talaga siya, mag-effort ka din. Kahit man lang itext mo siya. Suyuin mo din siya. Ilang araw na nga siyang hindi nagpaparamdam?"
"Uhm three days pa lang"
"PA LANG? Grabe huh! Natiis mo siya ng ganun katagal?"
"Actually Ches, nasasaktan ako. Nasasaktan ako kasi di niya na ako pinapansin. Oo alam ko naman na ganito ako, I mean oo alam ko maganda lang ako. Alam ko rin na minumura ko siya, alam ko rin na moody ako. Sadyang maganda lang talaga ako. De seryoso, alam ko na ganito ugali ko pero Ches, mahal ko na siya. Hindi na ako sanay na walang Jaebum na umaaligid sakin. Hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Kasi Ches, mahal ko na siya."
Hindi ko alam pero bigla akong naluha. Tongue in nuh, hindi ako to! Hindi ako umiiyak sa mga mababaw na dahilan...pero hindi to mababaw eh. Si Jaebum na ang usapan eh.
Oo, mahal ko na talaga siya.
"Ches, alam mo bang sasagutin ko na dapat siya nung isang araw? Nung araw na hindi niya na ako pinansin. Kaso wala eh, hindi ata talaga siya ang para sakin"
Niyakap ako ni Cheska at pinatahan.
"Kryzelle, kung talagang mahal mo na talaga siya, gumawa ka ng move. Mag effort ka din. Alam mo naman na pagdating sayo lumalambot si Jb diba? Sa relasyon hindi naman laging yung isa lang ang gumagawa ng move. Pareho dapat. Pareho dapat kayo ang magsalba ng relasyon niyo, kahit wala pa kayong title"

BINABASA MO ANG
Gangster: Sweet Lover [Got7 JB FanFic]
FanfictionThis is a one shot story, or should I say, a veeerrryyyy shooorrttt FanFic of Im Jae Bum of Got7. Ginawa ko to kasi OMG lang grabe ang feels ko sakanya nung nag comeback sila. So yeah, please read ^_^ Vote. Comment. And follow me :) AND BTW GUYS, Y...