"Manang!!!! Nasaan na naman ba si Nathalie!!! Tawagin mo nga yang magaling mong alaga kung hindi ako na talaga ang papatay sa batang yan!!" Saad ng aking Ama.Ayoko ng bumangon Dad, please patayin mo nalang ako. Sawang sawa na akong mabuhay. Ayoko na..
Yan ang palaging paulit-ulit na pumapasok sa isip ko simula ng bata ako hanggang ngayong 17 na ako ganto nalang palagi ang routine ng buhay ko. Pag-kamulat palang siguro ng mga mata ko ay sinumpa na ako sa mundong ito. Para akong puppet na walang karapatan sa pamilyang to. Simula ng mamatay ang mommy ko alam ko naman na ako ang sinisisi nila dahil daw mahina ako? Ha! Ano bang malay ko eh limang taong gulang palang ako noong araw na yun.
Nangingilid ang mga luha ko dahil sa mga pangyayaring iyon.
"Iha, anak bangon kana pakiusap. Sundin mo nalang ang gusto ng iyong ama." Saad ni Nay Carlita habang nakatingin ako sa kaniya gamit ang mga matang halos hindi ko na maimulat, dahan dahan akong bumangon sa pag kakahiga at halos hindi ko na maihakbang ang aking mga paa dahil sa mga pasa at baling buto ng aking mga hita. "Anak kaya mo pa ba? Kayanin mo ha? Alam kong kaya mo." Maluha luhang sabi sakin ni Nanay.
"Oo naman Nay, kakayanin ko ho para sa inyo." Nakangiti kong Saad habang papalabas ng aking kwarto. Ngumiti ulit ako sa kaniya para iparating na okay lang ako dahil alam kong umiiyak na naman ito sa tuwing uuwi ako ng may kung ano anong pasa at galos sa aking katawan at si Nay Carlita lang may malasakit at nag aalaga sakin dito sa impyernong mansion na ito. Kaya kahit anong mangyari hinding hindi ko papabayaan si nanay, soon makakatakas din ako dito kasama siya at mamumuhay ako ng isang normal na tao.
Iniwan ko si Nay Carlita sa kwarto ko at isinara ito mahirap na baka pag buntunan pa siya ng galit ng aking Ama. Si Nay Carlita nalang ang meron ako. Siya nalang ang nag iisang kayamanan ko at hindi ko kakayaning mawala ito sakin. Dahil hindi ko pa lubos maisip na sa murang edad ko madami na akong napatay na tao. Hindi naman akong dating ganto noong buhay pa ang mommy ko. Actually, tanda ko pa lahat kung paano ako naging prinsesa sa bahay na ito kung paano ako mahalin ni Mommy na halos hindi nga ako pwedeng madapuan ng lamok dahil sa sobrang pag aalaga niya sakin at si Daddy, Oo si Dad tanda ko pa kung gaano ako kamahal ni Dad na halos walang isang araw na hindi ko maramdaman ito. Sobrang dami pa ang nag aalaga sakin sa tuwing aalis ito papuntang trabaho at Halos patayin niya dati si Nay Carlita dahil nadapa ako at nagkaroon ng sugat pero ngayon? Tsk... naiiyak na lang ako at umaasang maramdaman ko ulit ang pagmamahal na yun.
"Bat ba ang kupad mo?!! Kanina pa kita tinatawag ah!! Bilisan mo kumilos at isama mo si Neil papunta sa Phantom Palace para sa inyong huling pag susulit!" Tanging tango na lamang ang iginawad ko sa aking ama bago ko ito talikuran at mag simula nang maglakad papalabas ng mansion.
Nasa bandang pintuan na ako ng may magsalita. "Nathalie, I'm sorry wala man lang akong magawa para sayo. Alam kong galit ka sakin pero sana maintindihan mo na para naman sayo to."
"Para sakin??? talaga ba kuya? Saan banda?? Tignan mo ko!!" Sigaw ko pero iniwas lang ni kuya ang mga mata niya. "Tignan mo ko!! Ganto ba talaga kayo kagalit sakin?? iniwan mo ko kuya!!! habang naging impyerno ang buhay ko dito!!" Umiiyak na saad ko.
Tatlo kaming mag kakapatid, lahat kami ay dinanas ang pag susulit na ito ngunit kakaiba nga lang ang pag susulit para sa mga kababaihan na katulad ko. Dahil tanging anak lamang na babae ang kailangang mag mana ng lahat.
"Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko nathalie! Alam mo yan! Patawad pero, pangako ni kuya pag tapos ng pag susulit mo ay ilalayo na kita dito. Tatagan mo ang loob nathalie ha?" sabay yakap niya sakit pero mabilis lang yun dahil tinulak ko sya ng mahina. "Mag iingat ka bunso, mahal na mahal ka ni kuya" huling saad nito at tinalikuran ko na siya.
YOU ARE READING
Tylers University
Mystery / ThrillerA new student of Tylers University who came from unknown. Bata palang Luna ay samut-saring pag papahirap na ang naranasan niya dahil sa pamilyang mayroon siya. Gustohin niya mang maging normal pero pilit padin siyang ibinabalik na tadhana sa kaniyan...