Prologue:

62 4 1
                                    

"C'mon Matt. Aminin mo na mahal mo na rin ako. Do it for yourself. Baka magsisi ka pa sa huli dahil hindi mo agad sinabi sakin ang totoo mong nararamdaman. I don't want you to feel sorry for the rest of your life Matt. Kaya hanggang maaga pa sabihin mo na ito sakin. Hindi lang dahil sa mamamatay na ako."


Ilang taon na ang nakalipas pero lagi ko parin naaalala ang bawat katagang sinasabi niya na para bang isang sirang plaka na paulit-ulit nalang.


Hindi ko maiwasang maiyak tuwing naaalala ko ang huli naming pag-uusap. Parang kailan lang ng magpatulong ako sakanya para ligawan si Steph.


Namimiss ko na siya. Namimiss ko na ang babaeng kailan ma'y hindi ko na makikita't makakausap.


Nagsisisi ako na hindi ko man lang nasabi sakanya agad ang totoo kong nararamdaman.


Nawala siya ng hindi ko man lang nasasabi sakanya kung gaano ko siya kamahal. Nawala siya ng hindi ko man lang naiparamdam kung gaano siya ka-importante. Nawala siya sakin ng hindi ko man lang nasuklian ang pagmamahal na ibinigay niya sakin.


Kung maibabalik ko lang sana ang panahon, hindi ko nalang sana ako umalis ng mga panahon na iyon. Sinagot ko nalang sana siya. Pero anong ginawa ko? Nagdalawang isip ako sa nararamdaman ko. Ngayon wala na siya, wala na ang babaeng mahal ko.


—-

A/N: Kamusta po prologue ko? Comment lang po for feedback(s).

Until the end.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon