Chapter 1:

34 3 1
                                    

"Nasayo na ang lahat, minamahal kitang tapat. Nasayo na ang lahat pati ang puso ko. Oh oh oh oh woaah~ Na nasayo na ang lahat." Paulit ulit na kanta ni Eliza. Tsk! Nabaliw na ata to kay DJ Padilla eh halata naman na mas gwapo pa ako don. Hahaha


"Ano ba Eliza, itigil mo na nga yang pagkanta mo. Ang panget ng boses mo. Boses palaka." Naiinis kong sabi dito at sabay tinakpan ang dalawang tenga ko. Pero tinignan niya lang ako at pinagpatuloy lang ang pagkanta na para bang hindi niya narinig ang sinabi ko.


Hinayaan ko nalang siyang kumanta. Baka kasi mag-away pa kami at magbago pa isip niya.


"Bakit ba tayo nandito?" Biglang tanong nito at kita sa mukha niya ang pagka inip.


Kasalukuyan kaming nasa Megabyte High School. Nakaupo lang siya sa sementadong bench at ako naman ay nakaupo lang at kanina pa palinga-linga.


"May hinihintay tayo." Sagot ko sakaniya. Pagkaraa'y nakita ko na ang kanina pa naming hinihintay. Agad akong lumapit sa kinauupuan ni Eliza at kinuha sa tabi nito ang isang boquet ng pulang rosas at isang tsokolate.


"Nandyan na si Steph." Sabi ko kay Eliza. Lumingon naman ito sa di kalayuan kung saan naglalakad si Steph kasama ang isang lalaki. Inayos-ayos ko muna ang sarili ko at inamoy ko pa ang hininga ko, baka kasi bad breath eh nakakahiya, bago ako humarap kay Steph.


Ng makalapit ito sa lugar kung saan kami nakaupo ni Eliza ay agad akong lumapit sakanya.


"Hi Steph." Bati ko sakanya saka ko inabot ang bulaklak at tsokolate.


"Hello Matt. Thank you, nag-abala ka pa." Nakangiting sabi nito. Ang ganda niya talaga.


"Babe sino yan?" Tanong ng kasamang lalaki ni Steph na mukhang unggoy. At anong tinawag niya kay Steph? Babe? Kadiri.


"Ow babe, si Matt siya yung kinukwento ko sayo na nag-aaral sa Diosdado Macapagal Memorial High School ( DMMHS ). Matt boyfriend ko nga pala, si Drake." Pagpapakilala ni Steph saming dalawa. Pero ano daw? B-boyfriend?


"Hi pare." Bati sakin ni Drake at inilahad pa nito ang kanyang kaliwang kamay para makipag shake hands pero hindi ko ito pinansin.


"Boyfriend? T-teka akala ko bang wala kang boyfriend?" Takhang tanong ko kay Steph.


"Oo wala nga, pero nung araw na nagtanong ka non. Pero biglang nanligaw si Drake kaya ayon sinagot ko na siya. 3 weeks ago." Sabi nito at humarap pa kay Drake. Hindi ako nakapag salita sa sinabi nito.


"Sige Matt, mauna na kami. Thank you dito ah." Si Steph. At naglakad na palayo.


Ang sakit. Parang tinusok ng ilang milyong karayom ang puso ko. Kung kailan nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sakanya na mahal ko siya doon naman hindi na pwede.


"Okay lang yan Matt. Marami pa namang iba dyan eh. Hindi lang siya ang nag-iisang babae. Kaya cheer-up. Pumapangit ka na oh." Basag ni Eliza sa katahimikang nabuo samin. Alam kong pinapalakas lang nito ang loob ko. Pero hindi ko maiwasang masaktan.

Until the end.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon