11: Woman
"Ang baba ng binigay sa aking grade, ikaw?"
Lumulutang ang isipan ko ngayon, at nakatitig lang ako sa panyong binigay niya. She saved me again. Kapag palagi niya itong gawin, baka masanay ako na may Saydie na palaging darating.
"Izzy?"
I can't hide my smile. She's like my fighter and protector, kanina. Pero kung sa bagay, kung may iba namang makakita sa amin, sigurado akong yun din ang gagawin. But Saydie is different.
"Girl? Izzy?"
Siya lang laman ng utak ko ngayon. Gusto ba niyang ipagluto ko siya mamaya? Maybe may chance ako. I think I have a crush on her. Malala, dahil parang gusto ko ring agawin ang atensyon niya.
And she's a woman. Hindi pa ako nagkakaganito aa isang babae lalo na't babae rin ako.
"OMG! Is that Saydie?"
Nilingon ko na si Daphne nang marinig ko na ang pangalan ni Saydie. Naririnig ko naman siya kanina, hindi ko lang talaga siya nagagawang pansinin dahil nilamon na ni Saydie ang isipan ko.
"Teka, she's from section B right? Ems! Sila makakasabay natin?" Kinikilig niyang sabi. Umayos naman ako ng upo. May bakanteng upuan pa sa kaliwa ko at sa kanan naman ni Daphne meron pa. Pinaupo lang kasi kami kung saan kami komportable.
Nag-decide lang bigla ang isa sa mga teacher namin, our UTS teacher na isama kami sa iisang class, class b and C tapos A and D. Hindi ko alam kung bakit. Pero excited ako dahil magiging kaklase ko siya. Malawak naman ang classroom kaya kasya kahit tatlong section pa.
"Saydie!" Sigaw bigla ni Daphne kaya napaupo tuloy ako ng maayos. Saan kaya siya uupo.
Nagtama pa ang mga mata namin pero agad siyang umiwas ng tingin.
Hindi siya sa akin tumabi, at kahit sa kaibigan ko. Pero pumwesto siya sa mismong likuran ko. Pakiramdam ko gustong tumalon ng puso ko.
"Nasa likuran mo siya." Pabulong na sabi ni Daphne. Pinanliitan ko lang siya ng mata.
Kailangan kong kumalma.
"Good morning class!"
Lahat kami ay tumayo at binati ang guro namin.
"Hindi ako magtatagal, at sana nakahanap na kayo ng upuan kung saan kayo komportable. Kasi diba you'll have to prepare pa for the intramurals next week? So hindi magbibigay ng projects, homeworks and activities."
Lahat naman kami ay naging masaya. At least! Nakakapagod na kaya!
"Pero pagbalik niyo, we will be having an activity, by partner. So kung ako sa inyo mamili na kayo ng partner niyo, okay? This will be part of your midterm and final exam."
Huling sinabi ng prof namin at lumabas na agad siya. Lumingon naman ako kay Daphne.
At umiling kami sa isa't isa, ibig sabihin iba ang gusto naming makapares.
"Saydie? May naisip ka na kung sino partner mo?" Natulala ako sandali pero hindi ako lumingon sa likuran ko. Hinintay ko lang na sumagot si Saydie.
"Meron na."
Napanguso ako, sino naman? Ako sana magyayaya. Bumalik sa pagkaupo si Daphne. Nilingon ko siya at nakita ko siyang nalugi.
"Okay lang 'yan," sagot ko.
"Hindi. Pero ewan ba, tuwing hindi niya ako pinapansin, mas magugustuhan ko siya," sabi niya.
Natigilan ako sandali, dahil anong date na ngayon crush pa rin niya si Saydie?
Dumiretcho kami ng architect department building para pumunta sa office naming mga freshmens, dahil may meeting raw kami at kaming dalawa ni Daphne ang representative for our section.
"Si Saydie, bakit ba ang pogi niya at pretty at the same time?" Kinikilig na sabi ni Daphne sa akin. Napalingon tuloy ako kung saan siya nakatingin. Malapit sila sa railings and they are dancing a dance trend.
Ang pogi niyang gumalaw.
Natulala naman ako sandali nang napalingon siya sa amin. Ngumiti ako pero parang hindi naman niya ako nakita, pero alam kong dumaan ang tingin niya sa akin. Kanina hindi rin siya ngumiti sa akin. Bakit? Magkaibigan naman na kami diba?
"Let's go?" sabi ko kay Daphne.
"Teka lang," sagot niya sa akin. Tatapusin pa niya yata panoorin si Saydie. Nakakainis.
"Siguro, may standard siya 'no, kung sino gusto niyang i-date?" tanong niya sa akin na parang bata pero wala sa akin ang atensyon.
"Siguro," sagot ko.
"Lahat talaga maiinggit sa akin, kapag maging girlfriend ko siya, hindi lang babae ang maiinggit sa akin pati rin mga lalaki. What if I ask her out, nalang?"
"Hindi magandang idea 'yan," sagot ko. Napalingon siya sa akin at alam kong nagulat siya sandali. Tumawa naman ako ng mahina.
"Hindi ka kasi pinapansin, tapos makikipagyaya ka lang bigla," sabi ko. Pero ang totoo, ayoko.
"Sus, mahuhulog rin yan sa akin," sabi niya.
Seryoso ba siya? Ngayon ko lang siya nakitang ganito.
Saydie is really something.
–
