VERSE 1

63 6 1
                                    

I. 'Sang lihim ang pagtingin sa 'yo

Sa tago lang ang pag-ibig ko

Dahil sa lihim, hinding-hinding-hindi ka lalayo

Napahinto ako sa tapat ng bahay ni Frea upang sunduin siya papuntang campus. Magkaibigan kami for 15 years. Sa loob ng mga taon na iyon, may lihim akong pagtingin sa kanya na hindi niya alam. Kuntento na ako na makasama siya at itago ang pag-ibig na umusbong sa'kin noong una ko siyang makilala.

I don't want to ruin our friendship because of this feeling I had for her. She trusts me that I can't fall in love with her.

Nagnotify ang messenger.

Ilang segundo ko ring tinignan ang message niya

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ilang segundo ko ring tinignan ang message niya. Tatlong beses na ring nangyari ang ganito. Napatingin ako sa humahangos na si Gift, ang bunsong kapatid ni Frea.

Gift: (nakangiting kumakaway sa'kin) Hi, Kuya Helix. Pakisabay.

Tumango lang ako't ngumiti sa kanya bilang tugon sa sinabi niya.

Gift: Kuya, hindi mo na naman naabutan si Ate. Hindi ba siya nagmessage na maaga siyang aalis?

Napatingin ako sa side mirror ng motor para maintindihan ang sinabi niya.

"Hindi eh pero minessage niya ako na nakalimutan niya."

Gift: Si Ate talaga. Nakita ko kasi na may sumundo sa kanya na naka-kotse. Sinabi niya ba din ba iyon sa'yo?

Napahinto ako sa pagdadrive ng motor. Hindi pa naman stoplight pero yung puso ko, nagstop ng ilang segundo. Sino ba ako para magselos?

KAHIT KUNWARI MAN LANG ( AN AU STORY) (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon