Verse 8

47 5 11
                                    

VIII. 'Di naman kita sinasadyang masaktan

Tadhana'y 'di naman kayang pigilan

Paalam, kaibigan, hanggang dito na lang

I cried in front of her.

" I know it's unfair to you ang ginawa kong pag-iignore sayo, Helix pero I didn't mean to hurt you. Hindi talaga tayo para sa isa't-isa. May babae pang nakalaan para sa'yo."

" Kahit isang araw lang Frea, kahit kunwari man lang maging tayo." 

  I beg.

" Papakasalan ko si Kurt. Siya ang lalaking mahal ko."

"Ano bang nakita mo kay Kurt na wala sa'kin?"

" Wala,Helix. Si Kurt lang ang lalaking minahal ko. Nakikita ko ang aking sarili na kasama siya hanggang sa pagtanda. Please, alisin mo na yang nararamdaman mo para sa akin."

Napahagulgol ako sa sinabi niya. Hinawakan ko ang mga kamay niya ngunit inalis niya iyon ng dahan-dahan.

" Paalam, Helix. This might be our last conversation and maybe, our friendship."

Tumayo siya't iniwan niya ako.

Ilang taon, buwan, araw ay wala na kaming komunikasyon ni Frea. Kahit sa social media ay hindi na rin kami updated sa isa't-isa.

Kay Gift ko lang nalaman na ikakasal na si Frea doon sa Australia.

I lose myself in the process. Naghi-heal ako sa sugat na ako lang ang gumawa.

Nung una palang sinabihan na ako ni Frea na kapag may mainlove sa'ming dalawa ay friendship over na.

I think Frea's decision was right. She's not selfish either. I hurt myself.

"Ang isa sa mga bagay na natutunan ko ay ang hindi mo kayang pilitin ang isang taong mahalin ka rin pabalik."

Author's Note: I don't own any images in this story. This story is inspired by one of my favorite opm song " KAHIT KUNWARI MAN LANG" by Agsunta Ft. Moira Dela Torre under ABS-CBN Star Music Copyright. All credits to it, the lyrics and the cover photo artwork are owned by ABS-CBN Star Music.

KAHIT KUNWARI MAN LANG ( AN AU STORY) (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon