MARK DAVID'S POV
"talaga ? Saan ba yan?" Tanong ko kay ian. Ang saya ko ngayon kasi makakapagbond kami . Mas mapapalapit ako sa kaniya . Grabe ang saya ng feeling .
"Sa barbequehan kuya! Ay by the way, bakit nga pala ian kuya? Panget para akong lalaki." Sabi niya . Ang cute kaya sa kaniya. Bagay na bagay sa kaniya yung ian eh sa pangalang "liana" ko rin naman nakuha yung ian eh diba liana nga . Tagal ko rin yang pinagisipan.
"Wala trip ko lang yung ian. Cute kaya. Bagay na bagay sayo." Sabi ko sabay ngiti at kurot ng pisngi niya. Ang cute niya.
"Ah ok kuya ano ba? Game ka ba sa pupuntahan natin ?" Sabi niya ulit .
"Ah oo saan ba yung barbequehan? Di pa ako nakakapunta sa kahit anong barbequehan sa mundo eh." Sabi ko. ngayon ko lang kasi narinig yung "barbequehan" eh.
"Ah diba kuya nakatira ka sa VOD subdivision?" Ohhh. So alam niya kung saan ako nakatira. May gusto rin kaya siya sa akin?pareho ba kami ng nararamdaman ? Pano niya nalaman ? Stalker kaya siya
"Oo . Paano mo nalaman? Stalker ka no?" Pangasar ko naman.
"Ehem!" Sabi naman ni zeph hahahaha OP siya. Eto namang si zeph medyo pikon kaya sarap asarin hahahaha.
" zeph.hahahaha kung gusto mong makisama sa usapan welcome ka naman eh.Ah by the way, kuya nalaman ko lang na dun ka nakatira kasi nakita kita bumibili sa tindahan malapit sa subd. Namin tapos pabalik sa VOD subdivision. Nasa kotse ako nun at medyo traffic pa." Nung pagkasabi niya nun parang may nafeel akong sadness sa loob ko may parang mabigat na bumagsak sa puso ko. Alam mo yun yung masyado kang nageexpect tapos ni 1% ng expectation mo di nangyari.
"Ah kala ko stalker ka eh." Pangaasar ko parin sa kaniya hahahaha kasi malay mo diba baka mamaya mahalata niya na lumungkot ako
" ay nako kuya ano ba yang iniisip mo. Never akong magiging stalker mo no! Basta kuya diba paglabas mo ng subdivision niyo madadaanan mo yung SPT na subd. Pasok ka dun andun lang ako tanong mo sa guard kung saan bahay namin. Magdoorbell ka andun lang kami ni zeph tapos sabay na tayo papuntang barbequehan." Ohhhh malapit lang pala kami sa isa't isa. Ay by the way. Excited na ako makakapunta ako sa bahay nila.
"Ok . Ok gets sige see you . What time ba yan?" Sabi ko
"siguro mga 6pm! See you!" Sabi niya
"Ok see you guys" sabi ko naman
"Hay salamat . Tagal niyo magusap -.-" sabi naman ni zeph medyo pabulong pero rinig na rinig ko hahahaha kahit kailan talaga nun taray parin.pero cute siya ah.
Pauwi na ako ng nakita ko si brian pupuntahan ko sana siya kaso lumayo siya sa akin. Medyo napansin ko na rin eh . Mga 3 days na niya akong nilalayuan. Siguro may problema siya kaya lumalayo siya sa mga tao. Pero aish! Hindi eh! Ako lang nilalayuan niya eh. Ay ewan!
Pagkauwi ko iniisip ko ano kayang mangyayari mamaya sa bbquehan sana masaya. Sana lalo ko pang mas makilala si ian . Sana mas lalo kaming maging close. Kaso parang di lang si ian ang mas makikilala ko . Eh bakit naman niya kasi isasama yung bespren niyang cute na abno.
5pm na ng makauwi akong pawis na pawis. Nagcommute lang kasi ako ngayong araw so pagkauwi na pagkauwi ko naligo ako . After 30 minutes tapos na ako maligo at nagayos na ako. Siyempre kailangan ko magayos. Andun kaya siya. Siyang nagpapasaya sa akin. Siyang taong nagbibigay inspiration sa akin . Siyang tao na matatawag kong "crush" . Dahil sa paghahanga ko sa kaniya aba naglakas loob na akong tawagin siyang crush. Hay tama na muna drama at aalis na ako.
ZEPHANIAHS POV
Nandito kami ngayon ni liana sa kwarto niya. Kung tatanungin niyo kung malaki ba itong bahay nila or something. Opo malaki ito at hindi siya mukhang bahay. Mansion siguro ang tawag rito. Ay hindi pala mas ok kung tawagin natin tong Palace. Sobrang ganda dito at sobrang laki. May swimming pool rin sila dito na infinity pool. Grabe yaman ni gurl eh. Pero di niya yun pinagmamalaki at lagi lang siyang humble sa paligid niya. Lagi lang rin siyang walang arte kaya ko nga yun naging kaibigan eh dahil wala siyang arte .
"Pare di ka ba nawawala dito sa bahay niyo? Ngayon ko lang to natanong sayo toh eh kasi nakakalimutan kong itanong." Sabi ko. Yun lang talaga ang tanong na hindi ko natanong dati pa promise.
"Hindi naman. Siguro dahil sa 14 years of existence ko dito na ako nakatira" seryosong sabi ni ate! Sabagay dito nga naman siya tumira since baby palang siya. Malamang di siya maliligaw. Tanga ko naman oh
"Existence talaga? Grabe pwede mo namang sabihin na dito ka na lumaki simula nung pinanganak ka. Sus parang pinaarte mo lang eh!" Sabi ko sa kaniya. Ganiyan kami magusap baliw kami eh.
"Hahahaha joke lang tinatry ko lang malay mo makapangasawa ako ng bussinessman at pag magmemeeting kung ano ano sinasabi di ko rin maintindihan. Or malay mo rin pakapangasawa ako ng foreigner. Malay ko lang hahahaha." Loka lokang sabi ni lola. Ohh diba kanina lang ate tawag ko sa kaniya ngayon lola na hahahaha boom lupeetttt.
"AS---" sumisigaw ako ng biglang may nagdoorbell siguro mga nagdedeliver lang yun kaya magpapatuloy na ako .
"Uulitin ko ! AS--" hindi ko naman natuloy ng biglang nagbukas ang pintuan sa kwarto.
"ma'am liana at ma'am zeph , bisita niyo po ata yung nasa labas . Binata po siya tapos nakasalamin at medyo matangkad ." Sabi ng katulong nila
" ah sige po pakipasok nalang po siya sa loob at pakisabi nalang po na wait lang baba na kami" sabi ni anne dami kong tawag kay liana hahahaha.
"Ok po" sabi ng katulong nila at umalis na.
"Ano tara na ? " sabi ko kay anne
" Magayos muna tayo. Gulo gulo ng mga itsura natin eh." Sabi naman ni anne . Oo nga noh?di ko napansin hahahahaha.
"Sige sige mukha nga tayong mga tanga tama ka diyan"sabi ko habang inaayos ang buhok ko gamit yung kamay ko. At sabay kaming lumabas sa kwarto niya. Grabe ang ganda talaga ng palasyo nila. Yaman talaga nila. At grabe sobrang excited na ako sarap kaya doon. Mura pa! Matakaw na kung matakaw basta ang alam ko masarap yun doon.
○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●○●
Wala pong kwenta tong chapter na toh pero idc watahmelown tagal na to kaso masyadong maiksi inayos ko lang