CHAPTER 1
Hello! Ako nga pala si Irene. Karamihan sa mg libro, madalas tayo nakakabasa ng flashback stories. Pero ako ayoko ng flashback stories. Ayokong kinekwento yung nakaraan ko. Para saan pa? Para kaawan nila ako sa paghihirap ko ngayon gawa ng pagkamatay ng mga magulang ko. Ng dahil sa aksidente, ang isang kumpleto at masayang pamilya ay bigla nalang naging bula? No thanks.
Malungkot man ang nangyari sa buhay ko hindi ko naman hahayaang maging malungkot ang natitirang oras ko dito sa mundo. Duh. 19 palang kaya ako. What if ang schedule ng pagkamatay ko ay 88 years old, eh di 69 years ko papanindigan ang maging malungkot? Hirap kaya nun!
Tsaka isa pa, dalawang taon narin naman ang nakalipas. Siguro i can say na i'm 70% okay. May tinitirhan ako, nakakain ako tatlong beses sa isang araw, nakakapag aral ako, higit sa lahat nandiyan si nanay Alma para gabayan ako at tulungan ako sa mga bagay na kailangan ko. Yung 30%, mainly because i still miss them so much. Only child lang ako kaya naman sakin talaga binuhos nila papa at mama yung love and care. Hindi ako materialistic na tao pero sobrang spoiled ako sila. Malaking adjustment ang ginawa ko ng mamatay sila. Iba pa rin sa pakiramdam kapag sinasabi kong patay na sila. Pakiramdam ko natutulog lang si mama at papa. Dalawang taon na ang nakalipas pero hindi pa din ako sanay sabihin at isiping patay na sila.
Ganun pa man, i'm still blessed and grateful sa mga nangyayari sakin ngayon. After mawala ng parents ko, kinupkop na ako ni nanay Alma at pinatira sa isang malaking bahay — bahay ng pamilyang pinagsisilbihan niya bilang isang katulong. Sa malaking bahay na ito ay may katabing maliit na bahay para sa mga iba pang kasambahay at sa isang kwarto neto na may katamtamang laki ako nakatira.
Isa lamang ang hiling ni nanay Alma sakin bago niya ako patirahin sa malaking bahay na yun — Wag na wag ako magpapakita sa pamilyang may ari ng bahay. Pinaalam naman ako ni nanay Alma sa asawang babae kaya alam nilang lahat na nakatira ako dun. Pero dahil hindi naman ako nagta-trabaho para sa kanila, ayaw na lang din ni nanay na makita akong pakalat kalat sa bahay ng mga amo niya. Dun lang sa ako bahay ng mga katulong pwede mag stay.
Sa mga nagtataka kung sino si nanay Alma, siya ang dating nag alaga sakin nung baby pa ako. Nung 13th birthday ko, nagdecide ang parents ko na palakihin ako ng sila nalang kaya umalis na din si manang 1 week after ko mag birthday. Tandang tanda ko pa yung araw ng pag alis niya. Iyak malala talaga ako at nakita ko din siya na naiiyak. Pero ngayon ay pinatatawanan nalang namin ni manang yung moment na yun.
Wag niyo na alamin kung bakit sa dinadami ng taong pwedeng kumpokop sakin gaya ng relatives ni mama or ni papa eh si nanay pa yung nag aalaga sakin ngayon. Sabihin nalang naten na siya lang sa kanilang lahat yung totoong nagmamahal sa akin.
Nga pala, 9:30 na ng gabi at naglalakad na ako pauwi galing school. Kanina pang 6:30 yung uwian namin pero tinapos pa kase namin ng mga classmates ko yung research presentation para bukas. Suot suot ko yung wireless earphones ko habang pinapakinggan yung bagong kanta ni arthur nery. Sobrang kalmado lang talaga halos lahat ng kanta niya kaya kahit medyo malakas yung volume, dinig ko na may mga lalaking nagsisigawan. Tinanggal ko sa aking tenga yung isang kapares ng earbud ko at hinahanap yung pinangagalingan ng ingay. I turn around at laking gulat ko ng may higit limang lalake ang tumatakbo sa direksyon ko. Galit ang expression na mababasa mo sa mga mukha nila. Sakin ba sila galit? Tinignan ko yung mga mata nila pero mukhang hindi naman sila sa akin nakatingin. Lumingon ako paharap at hinanap kung sa kaninong tao sila galit na galit.
Sa di kalayuan, may nakita akong lalake na nakauniform pa na nakaupo sa bench. Bugbog sarado yung mukha niya. Nakakatakot man pero tumakbo ako papalapit sa kaniya. Alam kong ka age-range ko lang siya pero tinawag ko pa din siyang kuya.
"Alam kong bugbog sarado ka pero need ko pa din to itanong. Okay ka lang ba?" wala mang kwenta yung tanong ko pero umoo naman siya.
"Di ko alam kung masamang tao ka ba o mabuti. Di ko din alam kung dapat ba kitang tulungan. Ang alam ko lang hindi ka pwedeng awayin kung mag isa ka lang. Dapat may kakampi ka."
Sa kalagayan niya ngayon hindi ko na ineexpect na magsasalita siya. Nakatingin lang siya sa akin.
"Kaya mo bang tumayo?" Tumango siya. "Kaya mo ba tumakbo?" umiling siya. "Pero need natin tumakbo beh!" sinadya ko talagang sigawan siya para marealized niya na were in a life and death situation!
"Beh! Papalapit na sila! Ano hayaan mo nalang ba na bugbugin ka nila hanggang sa mamatay ka?"
Umiling siya at narinig kong nagsalita siya 'They're not..."
"They're not ano?! Dali na" Hinawakan ko kamay niya at sinubukan siya hilain. "Bilis naman beh natatakot na kaya ako!"
Tinignan ko siya ng may halong inis at nakita kong nakatingin siya sa kamay kong hawak hawak yung kamay niya. Nakaramdam ako ng awa sa kalagayan niya ngayon. Umupo ako sa tabi niya. "Beh tara na. Papalapit na sila oh" Sa sobrang takot ko bigla na lang akong naiyak. "Beh try mo tumakbo. Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sayo pero mas natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari sakin..."
Tinignan ko yung mga kaaway niya at nakita kong sobrang lapit na nila samin. "Wala na beh...papalapit na sila."
Sa sandaling makarating sila sa kinaroroonan namin, ginawa ko ang isang bagay na di ko akalaing gagawin ko para lang sa isang stranger.
"Stop!"
Sumigaw ako at tumayo sa gitna ng dalawang grupo — grupo ng mga kaaway at yung isang bugbog sarado na kagrupo ko. Kita ko ang pagtataka sa mukha ng mga kalaban
Maraming nagsasabi na pretty and cute daw ako. Kaya naman ginamit ko ang buong skills ko sa pagpapa cute sa mga kalaban.
"Mga sir..." Nakatingala ako sa kanila dahil sobrang gwapo nila- - - ay este tangkad pala. "Baka pwede ceasefire muna po kayo please? Kawawa naman po siya mag-isa lang siya ihhh." sabi ko habang nagpapa cute. "Sige na po sir. Hindi naman po ako makikisali sa away niyo kung may kakampi siya. Atsaka isa pa po..." naglakad ako papalapit sa kanila para di marinig ng kagrupo ko. "mukhang weak po itong boyfriend ko. Kaya baka isang suntok niyo lang knock out na to."
"Boyfriend mo siya?" tanong ng isang kalaban
Nahiya tuloy ako bigla kase narinig ng nag–iisang kakampi ko.
"Opo. pero 3 months palang kami."
"Oh really?" hindi makapaniwalang sabi ng isa pang kalaban. "I didn't know he has a boo"
"Di ko nga din po alam na nakikipag bugbugan pala to hehe" pagbibiro ko. "Kung alam ko lang hindi na sana ako pumayag magpaligaw sa kaniya."
"Niligawan ka niya?" Hindi makapaniwalang tanong ng isa pang gwapong kalaban- - - este matangkad pala.
Tumango lang ako sa tanong niya.
"Alright then. Dahil cute ka, sige payag na kami." Ngumiti siya at tumingin sa lalakeng ka grupo ko. "Ceasefire muna."
Ilang segundo pa ata ang lumipas bagi mag sink in nung sinabi ng isang kalaban.
"Yehey!" Sa sobrang saya ko napatalon ako sa tuwa. Lumapit ako sa kagrupo ko at niyakap siya ng mahigpit. "Beh! Pumayag na sila! Ceasefire daw muna!"
Ilang segundo pa ang nakalipas, narinig ko yung mga kalaban na nagtatawanan. Oo nagtataka ako. Pero mas nagtataka ako kung bakit pati yung ka nag-iisang kagrupo ko tumatawa din.
"Huy beh. Bakit ka nakikitawa? Kakampi ka ba nila?"
Hindi siya sumagot. Sa halip, yung mga kaaway ang nagsalita para sa kaniya. "We're not his enemies. We're his friends. Yung mga kaaway niya na nambugbog sa kaniya nakatakas na. Hahabulin sana namin pero hinarangan mo kami."
Tumigil yung mundo ko. Naririnig ko pa din sila nagtatawanan. Gusto ko nalang magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan. Pero dahil malabong kainin ako ng lupa. Tatakbo na lang ako ng mabilis papalayo sa kanila.
Okay lang yan Irene. Di mo naman sila kilala. Di ka rin naman nila kilala.
Mag re-ready na sana akong tumakbo palayo sa kanila pero hinawakan ng ka grupo ko yung kamay ko.
"You..." nakikita kong sinususubukan niya magsalita. "--are the the cutest."
Isang malaking ngiti ang lumabas sa kaniyang labi pagkatapos niyang ituloy ang kaniyang sasabihin.
"YIEEEE!" sigawan ng mga tropa niya.
Dun na ako tumakbo ng mabilis papalayo sa kanila. Lumingon pa ako sandali at nakita ko siyang nakatingin sakin na may ngiti parin sa labi niya. Nakakahiya man yung nangyari sakin, pero at the sametime nakahinga ako ng maluwag knowing that he is now safe.
YOU ARE READING
Endless Crush, Unchanging Heart
RomanceIrene, orphaned after her parents' tragic passing, finds herself living with Alma, her former nanny, in a small house that belongs to a wealthy family Alma serves as a housekeeper. The house is closely connected to a grand mansion, the abode of the...