Her

4 0 0
                                    

CHAPTER 2

IRENE'S POV

Finally it's the weekend! Ang daming activity and research presentation ang aming ginawa netong nagdaang linggo at sa wakas ay makakapag pahinga narin ako. Makakapag pahinga man ako from school activities, may part time job pa din ako na kailangan pasukan. Hindi naman porket kinukopkop ako ni nanay Alma ay sa kaniya ko na iaasa lahat ng wants and needs ko. Syempre need ko din ng pera pang shopee!

10:45 na ng Umaga at bumabiyahe na ako papunta sa Moon Defy, ang coffee shop na pinapasukan ko. Gumagamit pala ako ng bike papunta sa work dahil 10 mins lang naman yung layo ng ng coffee shop sa bahay na tinutuluyan ko. Napabilis ata ang pagpedal ko dahil 10:52 palang nakarating na ako ng Moon Defy.

"Goodmorning Irene!" Malakas na Bati ng kawork/gay bff ko na si Jamil.

"Good morning beh!" Masayang bati ko pabalik kay Jamil.

Pumasok na ako sa loob ng staff area para mag change ng uniform. Bahagya akong nagulat ng makita ko na sumunod si Jamil sakin.

"Lumabas ka muna magbibihis ako" Utos ko kay Jamil. Pero di niya ako pinansin

"Guess what?" Tanong niya ng may pag taas kilay

"Ano?"

"Dumalaw siya dito..." Taas babang kilay na sambit ni Jamil.

"Sino ba? Kumpletuhin mo na sasabihin mo"

"Si Ian"

Nanlaki ang aking mata sa narinig ko. "Ano ginawa niya dito?"

"Ano pa ba? Hinahanap ka niya."

"Huh bakit daw?" Nagtatakang tanong ko.

Nag kibit balikat lang si Jamil at lumabas na ng staff area.

Okay so eto na nga. Si Ian ay... hmm sino nga ba siya? Well hindi ko naman siya naging boyfriend. But we had a mutual understanding. So maybe... ex MU? Ganun na nga. Ex MU kami.

We met the day I first worked here sa Moon Defy. Part-time student din siya like me. But 6 months ago nag resign na siya without giving us any reasons. Iniwan niya ako without giving me a clear reason. I must admit, I got hurt. But I don't hold grudge against him considering that we're not even in a relationship, to begin with. Who am I to feel that way diba? But if he is coming back for me, i don't think na may karapatan siya to do it anytime he wants as if I'm some toy na pwede niyang iwan at balikan kung kailan niya gusto.

Ilang oras na ang nakalipas since my shift started. Pero bakit ganun, di pa din mawala sa isip ko yung sinabi ni Jamil about sa pag dalaw ni Ian dito. Buti nalang nalipat ako ng mid shift na sched. What if pang morning shift ako? Ano gagawin ko pag nagkita kami? Back then, alam ko na that i like him so much already. I don't know if kaya kong hindi maging marupok pag nagkita kami.

You're the cutest..

Shet. bakit naman na iba yung takbo ng iniisip ko? Na kay Ian ako diba? Bakit naman bigla bigla ko naisip yung huling salita na sinambit niya. Wait? Ano nga bang pangalan niya? Was i even able to ask for his name? I don't think so.

Amost three weeks na ang nakalipas since mangyari sakin ang embarassing moment na yun. Hindi ko man lang mawari ang hitsura niya dahil sobrang maga gawa ng pambubogbog ng mga kaaway niya. I really hope he's doing okay now.

For the remainder of my shift, about sa embarrassing moment nalang ang inooverthink ko. Okay na rin atleast hindi ko na naiisip pa masyado si Ian. at dahil din dun, di ko namalayan na patapos na rin ang shift ko.

Bumabiyahe na ako pauwi gamit ang bike ko. Naalala ko din pala na may isa pang research presentation ang magaganap sa Monday and I need to finish it today. Oo nga pala, Communication arts yung tinetake ko and i'm already on my second year in college. 2 months nalang at mag ii-start na ang semester break, I cannot wait!

Endless Crush, Unchanging HeartWhere stories live. Discover now