ARY POV :
Tinitignan tignan ko lang sya.
Hinayupak na toh may gf na pala.
*Toki tok*
Tumingin kami sa pintuan at yun yung babaeng gf ni luel.
Oh edi kayo na.
Nag lakad sya papunta kay luel at may ibinigay na jacket.
Sana all sa panaginip ko lang yan na iimagine jok.
Whatever nalang, hanap nalang ako bagong crush.
Hayts forda sayang ang 2 years ha.
Pumasok na yung adviser namin at nag pakilala.
After non nag explain sya ng rules and regulations jok.
And then dito nanaman tayo sa introduction.
"Okay lets start na class. Mag simula tayo sa likod"
Nag simula ng mag introduce yung ibang estudyante at nakinig lang kami.
Katabi ko sila kayrin na kanina pa nangangasar na may jowa na si luel--
Oo na nga eh oo na bwisit tong mga toh.
Shet kinakabahan ako, san ako titingin? Jok sa kanya- kay maam.
Name
Age
Motto in life
DreamYan.
Tumayo na ako at nag lakad sa harapan.
Wag mo kong tignan jok, assuming ampot
"Good morning classmate my name is ary felaueva im 17 years old and my motto in life is to earn is to have, my dream is to become a sucessful doctor in the future. Yun lang po thank you"
Pasulyap sulyap ka pa saken ha, jok.
Beh erase ka na may jowa na yan! Give up ka na!
Bumalik na ako sa upuan ko at nakipag kwentuhan kela kayrin at nakinig din sa introduction ng iba.
Ayan na sya na mag iintroduce.
Tumayo sya at pumunta sa harapan. Simple lang syang tumayo doon at nakatingin sa ibang mga kaklase.
Ako nalang tignan mo, jok.
Sumusulyap sulyap lang sya dito kaso lumilipat lipat din tingin nya.
Hayts ifocus mo kasi dito mata mo sakin para di ka kabahan, jok
Ang bilis nya kasing mag salita.
"Ano po ulit next"
"Ano dream mo"
Tumingin sya ulit sa harapan at nag boom yes tinignan na den ako jok.
Malabo mata ko kaya iassume nalang natin na sa akin sya naka tingin.
Reminder lang self may jowa sya.
Oo na, admiring from afar nalang gagawin ko noh.
"I dream to become a lawyer." Sabi nya at bumalik na sa upuan nya.
Huii lawyer daw
Nag patuloy pa yung introduction hanggang sa sinabi ni maam na ibilog namin yung upuan.
Ng matapos naming ibilog yung upuan kumuha nang hiram ng isang ballpen si maam.
"Class kung sino makakuha netong ballpen na toh ay may itatanong ako tapos kung kanino mo ibigay yung ballpen na toh sya naman yung tatanungin ko next. Mag bibigay ako example ha"
Sabi pa ni maam.
Kumuha sya ng isang kaklase namin at may ibinulong sa kanya.
"Oh sige bigay mo" sabi pa ni maam.
Ibinigay nung kaklase namin yun sa isa pang kaklase.
"Tumayo ka ikaw next" sabi ni maam.
Binulungan nya yung kaklase namin na yun at inikot nung kaklase namin mata nya na parang iniisip pa kung kanino ibibigay.
Ibinigay nya yon sa isang kaklase namin.
Hanggang sa nag patuloy patuloy lang.
Si kayrin binigyan HAHAHAHAH HUII.
Binulungan ni maam si kayrin, tumango naman si kayrin at ibinigay yung ballpen kay lonya.
Pag katapos ay binulungan ni maam si lonya at pumunta sya saken at ibinigay sakin yung ballpen.
Shetttt
Lumapit ako kay maam at binulungan nya ako
"Sino crush mo"
Bulong sakin ni maam.
Kunwari iniikot ko mata ko para mag hanap.
Di nya naman malalaman yung question diba? Oo na yun na yun.
Lumapit ako kay luel at ibinigay sa kanya yung ballpen.
At umupo ako sa upuan ko.
Binulungan ni maam si luel pero umiling si luel at may ibulong pabalik kay maam, tumango tango naman si maam.
"Eto nalang" rinig naming sabi ni maam at ibinulong kay luel.
Lumingon sakin si luel habang may ibulong si maam sa kanya.
Lumapit si luel saken at ibinigay saken yung ballpen.
"Bawal na umulit" binigay ko kay maam yung ballpen.
Hanggang sa nag tuloy tuloy tuloy lang yung laro.
"Anong tinanong sa inyo?" Tanong ko kay kayrin at lonya.
"Sino daw trusted freinds--"
"Ah so ganon kayrin di ako trusted?" Tampong sabi ko.
"Kaya nga binigay ko kay lonya kasi sure akong ganun din itatanong sa kanya para ibigay sayo, toh wag ka masyadonh madrama-- ano tinanong sayo?" Tanong sakin ni kayrin.
"Obvious na obvious yung tanong beh" sabi naman ni lonya.
"Hulaan nyo hehehe" sabi ko pa umirap lang si kayrin.
"Alam na namin" sabi pa ni kayrin.
"Oh edi wow" sabi ko sa kanya.
"Lapit ka dito bubulong ko" sabi pa ni kayrin ljmapit kaming dalawa ni lonya.
"Ang tinanong sayo.."
Di naman bulong amp.
"Kung sino crush mo"
Tapos may narinig akong bumubukas na zipper sa likod ko.
Nilingon ko kung sino yung nag bukas ng bag dito sa--
LUEL?????????!!!
Binubuksan nya yung bag nya sa likod ng upuan ko.
Nag sialisan kasi lahat sa kanya kanyang upuan tapos dito kami sa harapan pumunta kanina para malapit kami sa board.
And etong bakanteng upuan pala dito sa likod namin IS KAY LUEL PALA.
Tinignan nya naman ako pero umiwas na ako ng tingin.
May narinig kaya sya? Luhhhhhh may narinig sya? Ay i mean wag ng oa siguro alam nya na din naman yun!
YOU ARE READING
behave
Randomwhat if you met your one sided crush again. remembering that you confessed to him along time ago and seeing him now is awkward. #random (1) everyone this is inspired in real life charutt, sa song. hulaan nyo nalang