CHAPTER THREE

66 3 0
                                    

Chapter 3: Intramural

Savien's Point of View

Naka bihis na ako para sa sayaw namin. Biglaan lang din 'to at nung nakaraang araw lang saakin nasabi 'to ni Raina. Una pa lang talaga ay labag na saakin ang sumayaw pero sabi niya ay kulang daw sila kaya no choice talaga ako.

Pag pasok pa lang namin sa loob ng court ay punong-puno na agad 'to. Ang dami ng tao mabuti na lang at hindi masyado mainit dito sa court, delikado na baka bigla na lang mag collapse si Arah dito at may hika pa man din. Napatingin pa ako saglit sa puwesto nila Cyrus at nakita ko naman na may katabi itong magandang babae na member din ata ng banda at mag kahawak pa ang mga kamay nila. Kahit na pinag titinginan sila ng mga estudyante ay halatang wala silang pake-alam sa mga matang naka masid sa kanila. Nawala lang ang tingin ko sa kanila nang mag mag tama ang tingin namin ni Cyrus kaya agad naman akong umiwas ng tingin. Alam kong nahuli niya akong naka tingin sa kanilang dalawa pero wala naman akong pake-alam.

Narinig naming nag salita si Myrine sa mic kaya natahimik na ang buong court at tinawag na nga ang band. Ang ganda ng performance nila bagaman naka focus ang tingin ko kay Cyrus na leader ng drum nila nakikita ko pa rin kung gaano napapasunod at na k-kontrol ng mother baton ang mga members nito. Ang ganda ng tugtog at sabay-sabay pa ang bawat galaw. Niyanig ng mga Sagarian ang buong court sa lakas ng mga sigawan nila ng matapos ang pag tugtog ng band.

Nakatingin pa rin ako kay Cyrus hanggang sa maka baba ito ng stage. Nakita ko pa kung paano niya kinuha ang towel sa bag niya saka lumapit sa kahawakan niya ng kamay kanina na mother ng baton. Pinunasan niya ito at halata rito na pawis na pawis ang babae.

tssk yung babae naisipan niyang punasan pero yung sarili niyang pawis hindi niya man lang mapunasan?

Iniwas ko na ang tingin ko sa kanila saka binaling ang tingin sa stage. Nagulat pa ako nang biglang mag banggitin ni Myrine ang special guest bagaman nakaka-gulat ay mas lalo pa akong nagulat sa special guests na tinutukoy niya.

the hell, no.

Ang mga Sym. Sikat ang mga Sym, kilala ito bilang pinaka mayaman sa buong Asia. Lowkey lang ang buhay nila pero hindi talaga maiiwasan na makilala sila dahil sa sobrang yaman ng pamilya nila. Akalain mong magiging special guests dito ang mga 'yan. Mga dalaga't binata ang mga Sym na nandito kaya sigurado ay anak lang sila ng mga Sym.

Mukhang hindi lang ako ang nagulat sa special guests na dumating at mukhang ang buong estudyante rin ng USI ay nagulat. Kompleto lahat sa stage, kahit mga stock holders at ang Dean ng school. Si Mr. Melzer ang Daddy ni Cyrus.

Nahagip ng mata ko si Cyrus na papunta sa puwesto namin mukhang iniwan na siya nung babae kanina at hindi na niya kasama. Binuksan ko saglit ang cellphone ko para mag online sandali nang marinig kong mag salita si Arah sa baba ng upuan ko. Kahit nasa baba siya rinig na rinig sa lakas ba naman ng bunganga.

"Ang pogi nung lalake, shet" malakas na hirit ni Arah, tss.

Hindi ko na ito binalingan ng tingin dahil nakita ko pa na kumunot ng ang noo ni Cyrus nang sabihin 'yon ni Arah, natawa ako nang bahagya pero hindi ko na 'yon pinahalata. Kahit na hindi ako nakatingin batid kong nasa akin na ang tingin ni Cyrus na mukhang badtrip na badtrip ang mukha.

Ano na naman kayang problema niya?

Tumabi ito saakin nang hindi umiimik.

haha nakaka pag taka.

Tinitigan ko ang mukha niya na halata mo talagang wala sa mood saka ako nag salita. "Badtrip ka ata? May nangyari ba?" tanong ko
sa kaniya, at tumingin naman siya saakin.

Dangerous VillainWhere stories live. Discover now