Chapter 02

19 2 0
                                    

"Uy, himala at pinayagan ka ngayon Fatima... wag mong sabihin na tumakas ka ah." Saad ni Paulita nang makita akong papasok sa café na sinabi niyang bagong bukas, ililibre niya raw kasi ako ng kapeng espresso.

"Linggo ngayon, tapos na rin naman akong magsimba at sila mama at papa ay busy 'yon ngayon. Alam mo na daig pa nila ang Pope Francis kapag nasa simbahan na." Panimulang saad ko at napatawa naman si Paulita, "...nagpaalam naman ako kay Kuya Harris. Hindi naman malalaman nila kung walang magsasabi, 'di ba?"

Tumango siya. "O siya, mag-order na tayo para makapag-aral at makauwi tayo ng maaga."

Kinuha ko naman ang menu at pumili ng aking kakainin. Inayos ko ang aking suot na photchromic eyeglasses para kahit papaano ay hindi magduda si Paulita sa'kin kung bakit mugto ang aking mata. Sa totoo nga ay ipinahiram lang ni Kuya Harris ito sa'kin. Kahit papaano ay nabawasan ang aking takot, pangamba, at nabigyan ng pansin ang aking hinihinging pansin mula sa aking sa mga magulang dahil kay kuya Harris. Simula kasi nung bumalik siya sa bahay ay palagi niya akong kinakumusta at pinaglulutoan ng mga pagkaing gusto ko.

"Oh, ba't nakangiti ka diyan." Tulak ni Paulita sa'kin nang nagpabalik sa aking ulirat. "May bago kang crush no?"

Mabilis akong umiling. "Hindi ah, masaya lang talaga ako dahil kahit papaano ay may kakampi na ako sa bahay."

"Eh, kung hindi ako nagkakamali ay 'yong pinsan mo 'yan no?" Tanong niya at tumango naman ako. "Reto mo naman ako diyan sa kuya mo oh."

"Ano ka ba! Matanda na yon at maghanap ka nalang ng iba." Saad ko at kumain nung chocolate cake.

"Hindi mo ba alam ang kasabihang age doesn't matter? Uso kaya 'yon ngayon." Umirap ako sakanya. "Hindi ka talaga mabuting kaibigan" Nguso niya at tinawanan ko lang.

Bumalik ako sa aking pagbabasa at mas inilaan pa ang aking atensyon. May oral recitation kami bukas sa subject ni Maam Wilma, ang strict pa naman nu'n kapag performance mo na sa kanyang klase ang pag-uusapan kaya ngayon palang ay nenerbyos na ako.

Habang nagbabasa ay nakaramdam ako ng pagkailang, nang magtaas ako ng tingin ay nakita ko ang lalaking nagpapataas ng tension ko. "Fatima, nakikita mo ba ang nakikita ko?"Napatingin ako kay Paulita at yumuko. Ngayon pa talaga kami nagkita. Maliban sa presensya ni Mago, mas aatakihin ako sa presensya ng lalaking ito.

"Sinagot mo na ba siya?" Tanong niya na nagpailang ng lubos sakin.

Eh! Bakit ba ako maiilang eh, di ko naman gusto 'yang lalaki na 'yan.

Si Marco Guillermo, matagal na siyang nanliligaw sa'kin, tatlong buwan na rin pero ayaw ko siyang sagutin dahil sa mga letter lang naman siya nanliligaw, eh ayaw nga niyang tumingin at kumausap man lang sa'kin. Ngayon nga ay nakatingin siya, pero iiwas rin kung titingin ako sakanya ng pabalik.

Torpe.

Inilabas ko ang panyong inilahad sa'kin nung nasa library ako at ipinunas ito sa dumi ng aking mukha. "Ba't ko naman siya sasagutin? Hindi ko naman siya gusto at mas lalong bawal pa akong mag-boyfriend."

Nanliit ang mata ni Paulita habang nakatingin sa'kin. "Talaga ba?"

"OO." May awtoridad kong sagot sakanya. "Oo, totoo." Mahinang saad ko nang mapagtantong napalakas ang aking boses.

"Kung ganon, bakit couple kayo ng panyo." Kinikilig niyang sambit at ngumuso sa gawi ni Marco.

Ganoon nalang ang paglaki ng aking mata nang makita ang panyong kulay itim na may kaparehas ng disenyo sa aking hawak ngayon. "Pwede namang kaparehas lang." Depensa ko at bumalik sa aking gawi.

Uminom ako ng aking tubig at mas nanginig pa lalo nang marinig na tinawag ang aking pangalan sa counter. May agam-agam pa akong tumungo sa counter dahil baka may kaparehas lang din ako ng pangalan ngunit nagkamali ako nang tinawag nga akong muli. "Fatima Suarez," pangalawang tawag ulit sa aking pangalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Please, Don't Save MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon