16

661 27 7
                                        

16: Fever

Hindi ko na muna pinansin si Daphne at agad kong sinundan si Saydie. Nag-aalala kasi ako sa kanya. At oo, siguro gusto  ko na siya.

Happy crush?

Lalabas ba siya ng building? Dadaan ba siya ng clinic o uuwi nalang?

Bigla siyang tumigil at bigla nalang siyang humarap habang nakatingin sa watch niya. Natulala ako dahil hindi ko alam kung tatalikod na ako o didiretcho lang.

"Oh, hey."

Napansin niya na rin naman ako.

"Ah, papunta akong room 306," sabi ko kaagad kahit hindi pa niya ako tinatanong. Tumango lang naman siya bilang sagot. Lumakad siya papunta sa akin, akala ko ay lalapitan niya ako pero nilampasan niya lang ako. May babalikan ba siya sa room?

"Wait." Bigla siyang tumigil at lumingon ulit sa akin.

"Sigurado ka bang papunta kang room 306?" Kinabahan naman ako sa tanong niya. Pakiramdam ko rin ay namumula na ang magkabilang pisngi ko.

"Ah, oo," sagot ko habang tumatango.

"Well, bakit hindi ka pa pumasok? This is room 306."

Itinuro niya ang pintong nasa harapan namin.

"Anong gagawin mo diyan?" Natatawa niyang tanong.

Nahuli niya ba ako? Bakit ba ang tanga ko?

Huminga ako ng malalim at napahawak ng mahigpit sa bag ko. Napapatingin rin ako sa mga estudyanteng dumadaan dito sa hallway.

"Gusto mo bang samahan kita?" She asked as she leaned on the door while grinning.

"Sa taas pala ako pupunta," sabi ko. Bakit ko ba kasi sinabi kung saan ako pupunta eh hindi naman siya nagtanong.

Aalis na sana ako nang bigla niya akong hinila at mabilis niyang binuksan ang room.

Magsasalita sana ako nang bigla niya akong isinandal sa pinto at pinatong ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ng ulo ko.

Sa sobrang bilis ng ginawa niya hindi ko nga nakuhang mag-react.

"Say–hmm."

She suddenly lowered her face and kissed my lips. The kiss only lasted a few seconds.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. Nakatitig pa rin siya sakin. 

I followed her eyes and it looked down on my lips.

"Are you okay?" She asked and her eyes were still focused on my lips.

Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig rin sa labi niya. It was so soft. It makes me wanna grab her and ask for a kiss again.

"O–okay lang..ako."

Pero mainit siya. She has a fever.

"Good." She said as she moved her face slowly towards mine and then she cupped my face with her left hand and stroked my cheek with her thumb.

Pero bigla lang bumagsak ang mga kamay niya. Yumuko siya at isinandal ang noo niya sa balikat ko. Napahawak naman agad ako sa magkabilang balikat niya.

"Saydie? Saydie."

Hindi ko napigilan ang sarili ko na mataranta.

"Saydie!"

"I'm fine," sagot niya at bigla siyang tumayo ng maayos.

I suddenly grabbed her face with both of my hands as she was about to leave the room. I gently pull her face closer to mine and kissed her.

And…she kissed back.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon