19

528 27 3
                                    

19: Drink

"So Saydie bago mo ba 'yang–" hindi natapos magsalita ang kaibigan niyang nasa likuran nang bigla niya itong siniko sa tiyan. Mukhang malakas nga 'yon eh.

"Tang na masakit 'yon," sabi ng lalaking kaibigan niya. Pero hindi ako sigurado kung kaibigan ba niya. Matatangkad sila lahat. Apat sila.

"We won't mind if you join us guys!" Nakangiting sabi ni Josh. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Sure," sagot ni Saydie.

"Ano!" Sigaw ko bigla at napatingin silang lahat sa akin.

"Okay lang?" Tanong ni Saydie.

"Ah oo, oo naman," sagot ko. Nagtitigan naman kami ni Josh, patay talaga 'to sa akin mamaya. Nagrequest naman si Gaile ng extra table and chairs. Pinaupo pa ni Josh sa tabi ko si Saydie.

"Oh dahan-dahan tayo ah, baka may umiyak na naman tapos magpakarga," sabi ni Josh habang nakatingin sa akin. Papatayin ko na talaga siya. Iniinis ako.

Sana nakalimutan niya na 'yon!

Hindi pa nga nawawala inis ko kay Ezekiel, mabuti nalang dumating si Saydie.

"Saan pala kayo nag-aaral?" Tanong ni Gaile.

"Primston," sagot ng isang kasama ni Saydie.

"I'm Josh, this is Bry my boyfie, sana hindi kayo homophobic." Natatawang sabi ni Josh.

"We love gays," sagot ng isa sa mga kasama ni Saydie.

"This is Gaile and Henry, tapos the birthday girl Izzy."

Napaangat naman ang tingin ko kay Saydie at nakatuon lang ang pansin niya sa mga kaibigan ko.

"Well I'm Christian, these are my brothers Ian and Limwel. Also, my cousins Saydie and Harold."

Cousins?! Mga pinsan niya 'tong kasama niya?

"Wow! Talaga? Parang close kayo 'no."

"We are," sagot nong Christian.

"Ilang taon ka na?" Pabulong na tanong ni Saydie.

She's wearing a beanie and a hoodie jacket. Ang cute niya.

"19," sagot ko.

"Ah ate," sabi niya.

"Excuse me?  buwan lang ang agwat natin," sabi ko.

"Really?"

"Oo December 18 ka," sabi ko bigla at agad akong umiwas ng tingin sa kanya.

"Paano mo nalaman?"

I keep on stalking her on SoCiant kaya alam ko. Nakakahiya.

"You're stalking me huh." Bulong niya sa tenga ko. Nakikiliti ako.

"Hindi kaya–"

Bigla niya akong sinubuan ng lollipop tapos tumawa ng mahina. Binigyan pa ako ng lollipop.

Akala ko tuluyan ng masisira ang birthday ko. Is this destiny, kasi naman bakit ngayon pa ulit kami nagkasabay dito sa Party fun.

I took the lollipop from my mouth, strawberry flavor. Natulala naman ako nang bigla niyang kinuha ang lollipop sa akin.

"Saydie, galing na 'yan sa bibig ko," sabi ko nang isubo niya rin ito and left it on her cheek. Pinilit ko namang kunin pabalik pero lumalayo lang siya at tumingin siya sa akin.

Natigilan naman ako.

We already kissed. Tapos may sakit pa siya non. Umayos nalang ako ng upo at nahuli ko pa si Gaile na kumukuha ng pictures namin pinanlakihan ko naman siya ng mga mata nang napatingin siya sa akin.

"Inom na tayo!" Sigaw ni Josh.

"Happy birthday again my best girl." Nakangiting sabi ni Josh sa akin.

Nag-order na sila ng isang bucket ng beer tapos makakain. Hindi na nga niya pinabayad pa ang mga inimbita niya.

"Wag na, uminom nalang tayo ako naman nagyaya," sabi niya.

"Thank you Josh!" Sigaw ni Gaile at yinakap niya ito.

"Ah!" Sigaw ko nang bigla akong nakaramdam ng lamig sa braso ko. Tinapat pala sa akin ni Saydie ang boteng hawak niya sa braso ko.

"Malamig," sabi ko. Ginawa niya na rin 'to.

"Sorry. Happy birthday." Nakangiti niyang sabi.

At ngayon lang ako nakaramdam ng pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko dahil lang sa binati ako

"Thank you," sagot ko.

"Ate."

Sinamaan ko siya ng tingin.

Tinawanan lang niya at uminom na siya.

"Don't drink too much," sabi niya. "Umiiyak ka pag nalalasing."

Hindi pa niya nakakalimutan 'yon.

"Don't worry, iuuwi kita." Natatawa niyang sabi. Tumingin siya sa mga pinsan niya at nagtawanan sila.

Nakakainis.


Rhythm and Beat (GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon