Simula

16 1 0
                                    

I never knew the darkness of the night can be this comforting. Na kahit ang mga sinag ng bitwin sa langit ay sapat nang nagpapaganda ng kalangitan.

Napatingin ako sa ibabawa ng kalangitang iyon, kahit na nasa tuktok na ako ng isa sa matataas na palapag ng gusaling kinatatayuan koy dinig ko padin ang ingay ng mga rumaragasang sasakyan. Nakaka silaw parin ang ilaw mula sa mga ito pati narin sa mga karatig na nagtataasang gusali.
Kay lawak ng mundo...
Bakit tila kay liit parin ng espayong ginagalawan ko?
Pinilit kong tumingala ulit sa madilim na kalangitan, pinipigilang umagos ang nagbabadyang mga luha sa aking mga mata.
Tila nakikiramay ang kalangitan sa akin
May bahid ng nagbabadyang ulan ngunit tinatakpan naman nito ng kukunting kislap ng mga bitwin at ang mahinang tunog ng kulog.  Ang daming katangunan na sumasagi sa isip ko.
Kung bakit tila kay lupit ng tadhana sa akin. Hindi ko narin mapigilang kuwestyunin kung tagala bang naka matyag sa akin ang may kapal.

Tila tumigil na rin ang nagbabadya kong luha. Pinilit kong dumungaw ulit sa ibabaw ng gusali at ibinalik muli ang tingin sa malayong kalangitan. Nakaka dismayado mang hindi ko ulit masisilayan ang sikat ng araw, ngunit natitiyak ko namang ito narin ang huli kong masasakit na pag daraanan. Ngumiti ako sa huling pag kakataon bago humakbang sa huling patutunguhan.

Reborn As The Abandoned LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon