" Hindi ako magkakagusto dyan..."
" Hindi naman gwapo..."
"Ano bang meron dyan?.."
Sa isang public high school nag-aaral si Denise. Isa lang siyang simpleng mag-aaral. Ang problema lang sa kanya ay hindi siya marunong makipag-communicate sa mga bagong kakilala. Kaya akala ng iba, masungit siya.
Pero meron pa rin naman siyang mga nagiging kaibigan. 'Yung mga taong kumakausap sa kanya.
Isang araw sa klase...
TEACHER: Ok class, please stand up..
Tumayo ang lahat. Nagpray na sila.
Si Denise na may itinatagong kapilyahan at dalawang kaibigan nito ay naglalandian pala sa likod. Agad naman silang nasita ng kanilang teacher..
TEACHER: 'Yung mga nasa likod....
Takot naman ang tatlong magkakaibigan.
Ganun sila araw-araw...hanggang sa magkaroon sila ng Elective sa T.L.E. subject.
LUIS: Ayoko ng Computer...Mag-ho-home economics ako.
DENISE: Ano?Home eco-nanay?..Napapag-aralan naman yan sa bahay e. Computer kami, di ba Dana?
Nang biglang manakot ang kanilang teacher...
TEACHER: Magastos ang Computer subject. Maraming kailangan..
Naguluhan tuloy si Denise. Ayaw nya ng magastos...
DENISE: ( Ano kayang pipiliin ko?..Ayoko na ng Computer, magastos..Drafting?.Electricity?.Home Economics?..Ayoko din ng Electricity..Tagilid ako dun nung second year..Home Economics?.Natututuhan ko naman 'yun sa bahay. Wala pang bayad.) Drafting na lang sa'kin... ( sabi ko dati ayaw ko nun e..)
DANA: Computer pa rin ako..
DENISE: Drafting na lang. Wala akong kasama e..
DANA: Hindi ako marunong magdrawing.
DENISE: Kaya nga mag-aaral e..Tsaka tutulungan naman kita.
DANA: Sige na nga..
Sa Drafting class nila...Doon nagsimula ang lahat...
Hindi naman ganun kagaling si Denise. Basta marunong lang siyang magtiwala sa kanyang sarili.
Isang araw sa kanilang Drafting class...
TEACHER: Kaliwete ka pala Denise.
DENISE: Opo ma'am.
Hindi pala siya matuturuan ng kanilang teacher dahil dun.
TEACHER: Sino sa inyo ang marunong gumamit ng Calligraphy Pen?
NEIL: Ako po...
Si Neil, isang tahimik na estudyante. Maraming may crush sa kanya pero minsan talaga parang may pagka-weird siya. Matalino pero medyo walang tiwala sa sarili.
TEACHER: Left handed ka ba?
NEIL: Opo..
TEACHER: Sige. Magturuan kayo dito ni Denise.
NEIL: Yes ma'am...
Kinikilig ang mga classmates nila dahil dun...May crush kasi sila kay Neil.
Dahil hindi pa siya kilala ni Denise, nahiya pa ito sa kanya. Pero biglang tumatak sa isip ni Denise na si Neil ang kailangan niyang mahigitan sa klase, dahil marunong na ito. Naging challenge ito sa kanya...