part 1

2 0 0
                                    

please bear with me, u may encounter a lot of typographical errors

******

"Tin kahit anong mangyari, wag na wag kang aalis dito " ito na naman yung boses na lagi kong naririnig, garalgal at tila takot na takot. Sinubukan kong tignan ang mukha nya pero di ko makita dahil malabo

"Tin kahit anong mangyari, wag na wag ka aalis dito"

"Tin kahit anong mangyari, wag na wag ka aalis dito"

"Tin kahit anong mangyari, wag na wag ka aalis dito"

Tila echo na paulit ulit ang tinig at maya maya'y putok na ng baril ang naririnig ko.

Shit!

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa maingay na alarm. Ang boses na yun.... Hindi ko makilala pero familiar alam kong may kinalaman yun sa pagkatao ko pero wala talaga akong maalala kahit anong pilit ko na alalahanin. Sa tuwing napapanaginipan ko yun ay nagigising akong laging naghahabol ng hininga at pinagpapawisan sa hindi ko maintindihan na dahilan kung iyon ba ay takot at kaba or dahil parang totoo ang panaginip ko.

Shit 1pm class ko sa HOA, 12:45 na agad ampota

Agad akong bumangon para mag-asikaso pagkatapos ay dumiretso na palabas

Sa school na ako kakain

Naramdaman ko na nagvibrate ang phone ko  pero di ko na pinansin dahil malelate ako at agad na akong nagdrive papunta sa school.

"Buang ka boi, gatawag ako sayo" bungad ni kyle na kaibigan ko pagkapasok ko sa building. Bitbit nya na ang mga drafting materials nya na malamang ay ginamit nya kanina sa Design. Sya siguro yung tumawag bago ako pumunta s building

"Ano meron?" Tanong ko.

"wala si sir, nagbebetime sa boracay HAHAHAHAH" tumatawang banggit ni north na blockmate ko din. Siraulo talaga

"Uy Chyn, nakuha mo na plates mo kay sir kalbs?" Kyla said habang palapit sa amin.

"Wala pa kakarating ko lang din e, ilan grade nyo?" Tanong ko patukoy sa plates na binalik ni sir kalbs, professor namin sa isang major course na kalbo kaya kalbs ang tawag namin.

"Cynthia, yung plates mo na kay colynn daw" kyle.

"Sige salamat, una na ako sa inyo pupunta pa ako sa lab room" paalam ko.

"Gesige"

"Ge boi, alis na din kami"

"Bye, una na din kami"

Sa halip na sa lab room ay dumiretso ako sa elevator para umakyat sa roof top. Diretso ang lakad ko patungo sa gilid kung saan may mga tambak na sirang gamit, pagtanggal ko ng telang nakatakip at bumungad ang mga painting materials ko at iilang paintings na tapos na.

Kahit mabigat, I manage to bring all my things with me

1:30 pm!

Dahil walang  class sa HOA, may time ako para maglibang since wala naman akong ibang gagawin.

Bitbit ang mga gamit ko ay sa hagdan nalang ako dumaan para pumunta sa vacant room sa babang floor pero pagdating ko ay may mga civil engineering na nakatambay dun at nagpapractice ng sayaw kaya sa iba nalang ako gagawa
 
Pota! Ako pa talaga nag adjust e building namin to!

Kahit naiirita, wala akong choice kundi ang buhatin ang mabigat na gamit patungo sa elevator para bumaba sa lower ground floor, mas maganda gumawa sa lower ground dahil kukunti lang ang makakasalubong at tumatambay dun pero medyo madilim dun dahil halos basement na din kasi kung maituturing.

Nasa 2nd floor palang ako nang bumukas ang pinto ng elevator, bumungad sakin ang lalaki na di ko kilala pero alam kong senior namin yun. 2nd year college na ako pero hindi ko masyadong kilala ang mga senior namin maliban nalang sa mga nakahalubilo ko. Isa sa reason kung bakit di ko sila kilala ay dahil madalang lang namin sila makita sa building at pangalawa di ko lang talaga sila nakikita dahil di ako lumalabas sa room.

Nagsiksik ako sa gilid nang makapasok ang lalaki para walang ibang makakita ng hawak ko ngunit sa halip na iignore ay nilingon pa ako ng lalaki at nginitian

"First year?"

"2nd year po" sagot ko nalang at ngumiti.

"Kumusta? Kaya pa ba ang arki? HAHAHAHA" tuloy tuloy nyang tanong na para bang close kami pero I liked his aura napakalight and ang charismatic ng dating nya tbh.

"Yeah, kaya pa naman po" sagot ko nalang.

"Pag may kailangan ka, wag ka mahihiyang mag ask sakin baka may maitulong ako sayo"

"Ano ba pangalan mo?" Dagdag nya pa. Ang casual lang ng tanong nya pero nakakahiyang hindi sagutin.

"Cynthia Kristen Stewart po" sagot ko sa tanong nya.

"Gagi may lahi ka???" Intriga nyang tanong pero nakakatawa yung reaction nya.

"Sakto lang po" natatawa kong sagot pero sakto din na nagbukas na yung elevator indication na nasa lower ground na kami.

"Tulungan na kita" offer nya sakin pero dahil nahihiya ako ay agad akong tumanggi. "Hindi na kaya ko din naman"

"No, I insist" pangungulit nya pa. Dahil sa tingin ko naman ay wala akong magagawa sa kakulitan nya ay pumayag na ako at iniabot ang iilan sa mga hawak kong gamit kagaya nalang ng coloring materials ko.

"You painted these?" Tanong nya ulit.

"Yeah, out of boredom lang and stress reliever"saad ko.

Dahil nauuna syang maglakad ay huminto muna sya at lumingon saka nakangiti nyang sabi "Mamaw ka pala Kristen"

Natawa naman ako sa sinabi nya pero hindi na ako nagsalita, sya naman ay sinabayan ako sa paglalakad.

"Jefferson Cyrick Dela torre" muli nyang sambit sa gitna ng katahimikan namin.

"Huh?" Naguguluhan akong tumingin sa kanya. Name nya ba yun Or may ib syang tinutukoy?

"Jefferson Cyrick Dela Torre" pag-uulit nya pa.

"Anong gagawin ko dyan?" Tanong ko sa kanya at saka nya ako tinignan na para bang namamangha sya sa naging sagot ko ngunit maya maya rin ay napalitan iyon ng ngiti na naging tawa sa huli.

"Pangalan ko yon, tandaan mo baka iadd kita sa Facebook" sambit nya habang tumatawa.

"Hala wala po akong Facebook, Instagram lang meron ako"sabi ko.

"Mayaman ka siguro?"random na tanong nya, Naguguluhan naman akong tumingin aa kanya.

"Yung Instagram daw kasi, Facebook ng mayayaman" dagdag nya. Dahil di ko naman alam kung joke ba yun or what di ko nalang pinansin ang sinabi nya, ni hindi ko nga alam bakit ko to kasama e.

Sa wakas! Nakarating na kami sa art room, wala masyadong tao kaya masaya tumambay dito.

Nang mailapag na namin ang gamit ko sa iisang mesa ay hinarap ko si kuya Jefferson

"Kayo kuya, san po ba kayo pupunta?" Tanong ko habang inaarrange nya yung ilang gamit ko.

"Dyan lang sa CAD room, ano pala username mo sa ig?"

"Krst10" sagot ko

"Grabe pati username sa instagram ang cold na mukhang mataray" natatawang sabi nya habang kinakalikot ang phone nya

Maya maya ay may nagnotif sa phone ko

"cywreck_me?" Tanong ko sa kanya patukoy sa account na nagfollow sa akin pagkakita sa follow notification sa phone ko. Nag angat naman sya ng tingin saka ngumiti ng todo.

"When?" Nakangisi nya namang tanong pero hindi ko pinansin dahil baka iba pagkaintindi nya sa sinabi ko dahil ang layo ng tanong ko sa sagot nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 01, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost paradise Where stories live. Discover now