Pt. 1

6.6K 145 78
                                    

Bakit nga ba sa lahat ng lalaking sa mundo ay yun pa ang magustohan ko.

Daig pa nga niya ang pipi dahil sa bihira lang mag salita. Kulang nalang mag aral ako ng sign language para di naman ako nakakaaksaya ng laway niya. Nakakahiya sa kanya!

Alam mo 'yun, na kahit ang dali dali lang makalapit sa kanya kasi kaklase ko siya. Pero dahil kulang nalang careerin niya ang pagiging man in a few words. Ang sarap niyang ipabalik sa tiyan ng nanay niya.

Pero kahit mongoloid 'yun ay mahal ko na ata ang gagong 'yon. Lecheng regla kasi eh. Sa 'twing maalala ko 'yun ay kulang nalang mangisay ako sa kilig at hiya.

Ganito kasi 'yun di man lang ako ininform ni manang regla na raragasan na siya. Kaya ayun pakedeng kedeng pa akong rumampa sa campus na unibersidad namin.

Kaya ang lola niyo ay agaw pansin. Feeling ko nga 'nun ay ang ganda ganda kaya feel na feel ko ang pag rampa na hindi ko lang napansin na pinagtatawanan pala ako.

Hanggang may yumakap mula sa likuran at nanigas ang lola niyo. Napatingin ako sa hinayupak na yumakap sa virgin kung beywang. Pero tangina dis! Ang gwapong fafa rawr! Matangos ang kanyang ilong, yung lips niyang pink at yung panga te! Jawline na jawline at hindi jowline! Buti napigilan ko ang sarili ko dilaan siya. Ang harot eh no?

Natigilan nalang ako ng bigla siya bumitaw. Naramdaman ko na may naka tali na jacket sa beywang ko.

"You're bleeding" At first time in the history nagsalita si fafa.

"Nadisgrasya ba ako na di ko namamalayan?" Tanong ko. Hindi niya ako sinagot at sa halip may ibinigay siya na isang supot ng papel. Agad siyang tumalikod at naglakad palayo.

Pagbukas ko ay nag init ang mukha ko. Punyeta hindi with wings!

Pagkatapos nun ay para akong tanga na lagi na siyang sinusundan o di kaya sinusulyapan.

Napatingin ako sa sarili kong repleksyon. Napabutong hininga ako. Graduation day namin. Ito na ang huli namin pagkikita. Iyak na Heize!

Sinalubong ako ng mga topakin kong mga kaibigan.

"Mamimiss ko kayo dalawang abnoy" Sambit ko. Inirapan ako ni Mitchell.

"Oh please Heize! Huwag kang magdrama kala mo naman 'di tayo nakatira sa iisang bubong" Sagot ni Mitchell. Inirapan ko lang siya.

"Ang KJ mo! Ikaw nga 'tong di bumabayad sa landlord kaya tinutugis na niya tayo" Sabi ko at iniayos ko ang buhok ko.

"Tama na nga 'yan at magsisimula na ang program" Pagpapagitna saamin ni Airen. Ngumisi nalang kaming tatlo sabay naglakad sa venue. Simula noong freshman years namin ay naging magkaibigan kami. Kaya napagdisesyonan namin na tumira sa iisang bahay kaya kumuha kami ng isang condo na kasya saaming tatlo.

Ilang taon din ang tiniis ko upang makatapos at sa wakas! Napatingin ako sa paligid at tulad ko maraming excited na tatatanggapin ang kanilang diploma. Namataan ko ang mga magulang ko kaya kinawayan ko sila. Kumaway naman nila ako pabalik.

Nang napatingin ako sa kaliwang gawi ko ay nagtama ang mata namin ni William. Ngumiti ako sa kanya ngunit umiwas lang siya ng tingin. Napaka pabebe talaga ng crush ko.

Nang matapos ang seremenya ay halos maluhaluha ako. Nakakaiyak kasi 'yun kanta 'Hindi kita malilimutan' nakakaiyak talaga bwisit.

"Hoy Heize! Halika nga dito picture tayo" Sigaw ni Mitchell. Nag pose kami ng ibat ibang pose saka tumawa.

Mayamaya biglan may iniannounce 'yung emcee kanina.

"Ms. Heize Catalina please claim your scrapbook here" Napatigil kami ni Mitchell at Airen sa narinig.

"Wow uso pa ba 'yun?" Tanong ni Airen.

"Ang sinauna mong tao Heize" Pang aasar ni Mitchell. Kumunot naman ang noo ko.

"Hindi saakin 'yun" Sabi ko.

"Ms. Heize Catalina please claim your scrapbook now" Muling anunsyo ng emcee kaya napatingin saakin ang ibang taong nakakakilala saakin.

"It's not mine" Pagtatagol ko sa sarili ko.

"Anong hindi sayo 'yun! Kunin mo na" Suhestiyon ni Airen.

"I told you! It's not min.." Pero bago pako matapos ay biglang itinaas ni Mitchell ang kamay niya.

"Nandito po si Heize Catalina!" Sigaw ni Mitchell. Napatingin sa gawi namin ang emcee at naglakad papunta saamin. Tinulak naman ako bahagya ng nila Mitchell at Airen.

"It's yours" Sabi ng emcee.

"But it's not mine..." Sabi ko. Ngunit kumunot ang noo niya.

"But it's written in here that it's yours" Napatingin ako sa scarpbook. At meron ngang nakalagay na pangalan ko. Binuksan ko ang scrapbook at bumulaga saakin ang pamilyar na sulat kamay.

Kilalang kilala ko ang sulat kamay na 'to. Kay William Steven 'to!

Hey! Mr. Photographer ( Short-Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon