SHAE's POINT OF VIEW
COLLEGE DAYS - First Year
"Grabe! Ganito pala feeling ng college 'no? University girl ang peg! Aminin, kakaiba rin ang haba ng hair mo. First day na first day, mukhang marami nang nagkakagusto sayo." puna ni Krista habang naglalakad kami sa hallway ngayon ng isang building. Pareho kaming hindi ganoon ka-familiar sa university na 'to dahil bukod noong enrollment at entrance examination, ngayon na lang ulit kami nakapasok dito.
Maraming mata ang nakatingin sa aming dalawa ngayon. Napapayuko nalang ako tuwing may makakatinginan ako dahil nahihiya ako. May mangilan-ngilan din namang nagbibiruan at binabati pa kami.
"Geez, feeling ko talaga type ka nila." Natatawang saad ni Krista habang lumilinga-linga sa paligid.
Krista is my bestfriend since Junior High School. We became friends during our freshmen year. It's a funny story kasi noong una ay naiintimidate talaga ako sa kanya. Ganoon naman yata sa lahat ng first impression sa ibang taong hindi mo pa kilala. But eventually, after being her seatmate for the whole year, sje wasn't as bad as what I've thought she was. We also entered the same school when we're Senior High School. Ika nga nila Mommy, hindi na raw kami mapaghiwalay ni Krista.
Krista and I took different degree program. She took Public Administration while I took Architecture. If you'll ask me why Architecture, hindi ko rin alam. Hindi ko naman makita ang sarili ko bilang isang Architect. I can't imagine myself being called 'Architect Ramos'.
Sa totoo lang, before entering college and applying on several universities, I don't have a certain degree program in my mind. Naisip ko, kung anong slot yung meron, edi do'n ako. While Krista, Junior High pa lang kami, alam na niya kung anong program ang ite-take noya pagtungtong ng college. That was something na hiniling ko na sana ganoon rin ako.
I always dreamed of being a star in a highest selling movie in the country. Gusto ko maging actress. Isang artista. I always love singing and acting. Kahit si Krista, alam na alam 'yan. Kapag may videoke nga, supportive siya sakin at talagang pinipilit niyang kumanta ako. In her own words, may potential daw ako. Pero pag-acting talaga yung gusto ko. During our highschool days, sa mga theater organizations ako sumasali. Every time na may movie film projects kami for a certain subject, tuwang-tuwa ako.
I just love being an actress. I always aspire to be an actress. Kaso in terms of practicality naman, hindi siya ganoon kadali. Ika nga ng ilan, kung mag-aartista ka, kailangan mo ng sapat na lakas ng loob. Marami tao ang huhusga sayo. Kung tutuusin, minsan ay mas marami pa sila kumpara sa mga magiging taga-suporta mo. At sa buhay showbiz, kung bago ka palang, o sabihin na natin kahit medyo matagal na, hangga't hindi ka malakas sa masa, wala kang mararating. Hanggang extra ka lang.
"Huy, ito na yata room ko. Pano ba 'yan? Solo flight ka maghanap ng room mo." Natatawang sabi niya nang huminto kami sa tapat ng isang room. Nilingon ko ang nakapaskil na papel sa may pintuan at mababasa doon ang 'Bachelor of Public Administration'.
"Hala ang daya mo talaga! Kainis 'to." Humagalpak siya ng tawa.
"Kitakits later, fren!" Pang-aasar niya at saka pumasok sa loob.
Napailing nalang ako at tinalikuran siya. Doon ko lang napagtanto na talaga palang building ng BPA ang tinahak namin para mauna niyang mahanap ang room niya.
Nadaya ako dun ha.
Napakamot naman ako sa ulo. Gaano ba kalayo ang narating at nalakbay ng isipan ko at hindi ko agad narealize 'yon?
"Insan?" Napalingon ako sa gilid ko at nanlaki ang mata nang makitang si Travis pala iyon. Isa sa mga malapit na pinsan ko. Sa pamilyang Ramos kasi, kami lang yata yung medyo magkasundo ang ugali. Para ko na ring kuya 'tong si Travis.
YOU ARE READING
Midnight Rain
FanfictionBoth were scarred when they crossed paths. Despite being the totally opposites, their past brought them together and made them promised to mend each other's heart. But when she finally gets to reach her biggest dream, will she be able to keep and fu...