DOTA O AKO? [Part 3: ONE SHOT---KATHNIEL]

5.7K 131 32
                                    

===DANIEL'S POV===

Nag-aayos na ako ng sarili ko. Mamaya na kasi iyong usapan namin ni Jerome. Sa isang bodega sa likod ng school.

Paalis na ako ng biglang sumulpot ni Quen at Dom dito sa bahay.

"Pare..."

Naghahabol na sila ng hininga dulot siguro ng pagkahingal mula sa pagtakbo.

"Anong nangyari sa inyo?"sabi ko sa kanila

"Pare, si Kath..."

Halos pumutok ang dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok sa narinig kong pangalan. Wtf?

"Anong nangyari kay Kath?!"nagpa-panic kong sagot

"Pare, tinanong niya sa amin kanina kung ano iyong tungkol sa kasunduan niyo ni Jerome. Narinig niya kayong nag-uusap."Quen

"Sinabi niyo?"kinakabahan kong tanong

"Oo."Dom

"P*ta."ako

"Nasan siya?"ako

"Noong nalaman niya, umalis agad siya. Sabi niya siya daw ang lalaban kay Jerome."Quen

The pak?

Agad akong lumabas ng bahay at dumiretso sa bodegang sinasabi ni Jerome.

Halos lahat ng taong makakasalubong ko ay nabubunggo ko. Iyong isa nga'y sinigawan pa ako. Pero wala akong pakialam. Buhay ng mahal ko ang nakataya dito.

Naalala ko pa ang sinabi ni Jerome sa akin dati:

"Malaki ang kasalanan sa akin ng magulang ng girlfriend mo. Kaya ang girl friend mo ang magbabayad. Papatayin namin siya."Jerome

Hindi ko man maintindihan kung bakit kailangang patayin si Kath, nakipagkasundo pa din ako sa kaniya. Halos araw-araw nilalabanan ko siya ng DOTA, ano ang kondisyon? 10,000 ang babayaran. Ayos lang sana kung 10,000 eh. Kaso bakit idadamay pa ang buhay ng mahal ko?

Balak ko nga sana'y ipunin lahat ng mapapanalunan ko at ilalayo ko siya dito para mailigtas sa Jerome na iyon. Kaso natalo ako kahapon dahil sobrang nagalit ako sa lalaking nambabastos kay Kath.

Parang gusto kong maging flash pagpasok sa loob ng bodega. Kaso halos sumabog ang puso ko sa nakita ko.

Nakahandusay si Kath habang may mga dugo sa katawan niya. Nasa harap niya si Jerome.

"Oh. Mabuti naman at naisipan mo akong siputin. Mas maganda ito. Makikita mo kung paano siya mamatay."Jerome

Hindi ko napigilan ang sarili ko at agad ko siyang pinagsusuntok. Sobrang galit ako kaya naman sa limang bese palang na suntok at tadyak ko sa kaniya'y napahiga na siya at duguan.

(PLAY THE: DOTA O AKO Song)

Tumakbo agad ako sa pwesto ni Kath na nakahiga sa sahig at duguan ang katawan.

"Kath..Kath..."

Sobrang hinang-hina na siya dahil siguro sa mga sugat na natamo niya.

"Kath...Kath, nandito na ako."ako

Pilit naman niyang iminulat ang kaniyang mata at ngumiti siya noong nakita niya ako.

"D-Daniel..."siya at hinawakan ang mukha ko

"Kath..."

"D-Daniel malaya ka na...H-hindi ka na mah-hihirapan magdota pa...Na-nakuha na niya ang gusto ni-niya. Nakaganti n-na s-sya sakin."

"Kath dadalhin na kita sa Hos----""

"W-wag na..gusto ko makasama ka..."sinabi niya iyon at tumingin sa aking mga mata

"Alam mo bang mahal na mahal kita?" Hirap na hirap niyang sinabi sa akin

"Akala ko nga, di mo na ako mahal dahil sa dota."pagpapatuloy niya

"Sa sobrang sakit ng naramdaman ko, umisip ako ng paraan para makaganti sayo."ngumiti siya ng bahagya

"Pero mas masakit palang malaman na ginagawa mo lahat ng iyon para sa kaligtasan ko."tumingin siya sa akin at tumulo ang luha niya

*cough* *cough*

Bigla siyang umubo kasabay ang paglabas ng dugo mula sa kaniyang mga bibig.

"Kath!"nagpapanic kong sabi

"Please say that you love me Deeej."siya

Hinawakan ko ang mukha niya.

"I love you Kath. I love you so much."ako

Ngumiti siya at muling inilapit ang mukha niya sa mukha ko. With that, lumapat ang mga labi niya sa labi ko.

"I love you too DJ..."she said in between of our kiss

Pagtapos noon, bigla nalang siyang nawalan ng malay.

"Kath! Kath!"

Halos madapa na ako sa kakakarga sa kaniya para mailabas sa bodegang iyon.

Pero huli na ako noong dumating na ako sa hospital. Huli na ako dahil wala na siya. Wala na ang babaeng mahal ko.

~~~~

Maraming Salamat sa mga votes and comments :)))

Gagawa pa ako ng another one-shot about sa DOTA. Daming nakakarelate eh ;)

Hanggang sa muli :D

DOTA O AKO? [Part 3: ONE SHOT---KATHNIEL]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon