Giselle Averie 4

4 1 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong sabi sa kanya para hindi makaagaw ng pansin ng ibang member sa loob ng sacrament.

"Gusto lang kitang makita" kibit balikat na sagot niya, I bit my lip to purposely hide my smile pero deep inside kinikilig sa sinabi niya. I just make face nang aasar, kunwaring hindi naniniwala sa sinabi niya before I turn again sa notes na binabasa ko. Mas lumapit pa siya sa tabi ko at pinatong ang kamay sa likod ng inuupuan ko. Napaayos tuloy ako ng upo, kinakabahan dahil baka makita ng ibang members yung ginagawa ng katabi ko.

Tahimik lang kaming nakinig habang nagsasacrament, pansin ko naman ang paminsan minsang sulyap ni Eli sakin habang nakikinig sa nagsasalita sa unahan, naroon pa rin ang braso sa sandalan ng inuupuan ko. After ng sacrament magkahiwalay ang klase namin, ngunit nasa kabilang side lang sila kung saan kami nakapwesto. I just share my lesson for that Sunday and maayos namang natapos iyon, nabitin pa nga kami dahil masyadong nag enjoy ang mga RS sa topic namin. Paglabas ko ng hall ay naghihintay na si Eli sa labas.

"May gagawin ka pa ba?" tanong niya sakin ng makalapit ako sa kanya.

"May meeting pa ako" bahagyang nakokonsensya dahil linggong linggo nagsisinungaling ako, sinabi kong meeting lang iyon pero ang totoo, iyon ang process na ginagawa ko ngayon na hindi ko pa pwedeng sabihin sa kanya. "Medyo matagal kasi iyon like mga around 1 hour ganon" sabi ko pa sa kanya.

"I'll wait for you, may kakausapin din naman ako" sabi naman niya, nangunot naman ang noo ko nagtataka "Gusto nga kita makita di ba? I want to spent this day with you. Namiss kita eh." sabi pa niya ng makita ang pagtataka sa mukha ko.

"Ah. Sige" I just smile at sabay na kaming bumaba ng hagdan, saktong nakasalubong naman namin si John ka-ward ko pero mukhang kakilala din ni Eli. Nagbatian silang dalawa so I just excuse myself para makapunta sa session ko. It was a series of session, part of the process that I need to do before I could finally redeem myself again. Hindi ko pa kayang sabihin kay Eli dahil kapag nalaman niya siguradong tatanungin niya kung bakit kailangan kong dumaan dito, so I have to tell him my story, which I am not ready yet. Everytime na ginagawa ko ito, I always end up crying, pero pinilit kong huwag maiyak kahit sa araw na ito lang, ayokong makita ni Eli na namamaga ang mata kung sakali. Luckily, maiksing oras lang kami nagmeet ngayon dahil may lakad si Bishop.

"Oh? Kala ko one hour pa? Tapos na agad?" bungad niya sakin paglabas ko ng office ni Bishop.

"Ah, may lakad daw kasi si Bishop kaya saglit lang" sagot ko naman sa kanya "Saan ka na pala niyan? maghahapon na, late ka na makakauwi niyan" nag aalalang tanong ko sa kanya. Batangas pa siya uuwi siguradong traffic iyon.

"Okay lang, late lunch?" alok niya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya at tumango. Tinuro niya ang daan palabas at sabay na kaming naglakad, nagpaalam pa ko sa mga churchmate kong nakasalubong palabas. We ate sa mall na malapit dito sa chapel siya na ang pinapili ko since libre naman daw niya, hindi naman siya tumanggi at siya na ang naghanap. Hindi ko tuloy maiwasan maalala, with my ex ako palagi ang pinagdedecide niya and we end up arguing dahil hindi ako makapagdecide dahil wala siyang suggestion man lang. Ano man lang yung siya yung nagyaya at siya mag isip kung saan kakain di ba?

Nang makapili na ng resto ay pumasok na kami at humanap ng mauupuan. Pass lunch na kaya hindi na gaano karami ang tao, we just sit on a good for four na seat, inalalayan naman niya ako sa pag upo. He ordered for us dahil sabi ko first time ko sa resto na iyon so siya nalang ang bahalang umorder, aware naman na siya sa mga hindi ko kinakain, wala akong allergies pero may mga ayaw lang akong kainin na mga pagkain halimbawa nalang ng curry, dahil hindi ko gusto ang lasa noon o kaya kahit anong ma-luya na luto.

Love Moves In Mysterious Ways - A Latter Day Saints (Mormon) StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon