29

664 26 1
                                        

29: Babe

We took the earliest flight to Bohol. Pagkarating namin ay sumakay lang rin kami agad ng tricycle na mga nakaparada sa labas, papuntang hotel.

"Okay na siya," sabi ko nang libutin ko muna ang room namin. The bed is queen size at parang bago naman ang lahat mula sa kumot, unan at bed sheet. Para sa akin pasok naman ang quality of service nila sa budget namin for the hotel.

May inasikaso pa kasi si Saydie sa counter. Early check rin in pala kasi kami kaya may dagdag na fee. 9 am palang, 12 pm kasi ang check in nila.

I can't believe I'll be spending my three days with her! Kami lang dalawa!

Bumukas ang pinto at nakita ko siya agad. Dalawang malaking travel bag lang ang dala namin. Dinala ko na ang mga bago kong binili sa Waltz mall. Gusto ko bawat picture namin maganda ang outfit ko.

Nagpahinga muna kami ng isang oras, nakayakap lang yata ako sa kanya sa loob ng isang oras na 'yon at nag-decide na kaming pumunta ng Island City Mall dito sa Tagbiliran, City.

Dinala ko lang ang maliit kong bag para sa wallet at cellphone ko. Sumakay lang kami ng tricycle papunta sa mall. Mababait naman ang mga tao, lalo na sa pasensya na binigay sa amin kasi hindi kami masiyado makaintindi ng bisaya.

Kumain lang kami sa isa sa mga fast food chain sa loob tapos naglibot lang. Dumaan rin kami ng grocerry dahil may mga toiletries akong kulang. Bumili rin kami ng pwede naming kainin sa gabi. Konting snacks lang.

Gaile:

Bili kayo ng kalamay ah! Please :3

Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Gaile sa SoCiant. Tumingin ako kay Saydie na busy kakapili ng snacks, sabi ko kaunti lang eh. Pero bakit ang cool niya tignan, with just a crop top and a baggy shorts.

Isa sa mga nagustuhan ko kay Saydie ay kahit anong gawin at suotin niya ang linis niyang tignan. Dahil rin ba sobrang puti at kinis ng balat niya? Nahihiya tuloy ako sa akin. Dami ko kasing peklat.

"Saydie."

"Yeah?"

Natulala ako sandali nang lumingon siya sa akin. Bakit ba hindi ko mapigilang kiligin tuwing lumilingon siya sa akin. Tuwing tumitingin siya. Tuwing titigan niya ako. Hindi ko na kaya 'to.

Kung ito hindi ko kinakaya, paano pa kaya kung iwan na niya ako.

"Izzy?"

Nagising lang ako nang tawagin niya ako at lapitan.

"Ah nagpapabili kasi si Gaile ng kalamay, hindi ko alam ano 'yon," sagot ko.

"Maybe it's one of their delicacies here," sagot ni Saydie. Tumango naman ako bilang sagot. Search ko nalang mamaya, sa third day pa naman kami mamimili ng mga pasalubong.

Bigla niya akong inakbayan at kinuha sa akin ang basket.

"Bilhin na natin 'to," sabi niya at dumiretcho na kami sa counter.

Mabilis kaming nakabayad kaya agad na rin kaming bumalik ng hotel. Nagpalit ako ng outfit. Ngayon naman simpleng denim dress lang. Aasa ako sa phone ni Saydie dahil mas maganda ang quality ng cam sa phone niya.

She patiently waited for me outside our room. Ang bagal ko kasi, I need to fix my make up and hair para maganda.

"Pretty," sabi niya nang makalabas ako.

Kanina confident ako sa suot ko ngayon nahihiya ako. Lalo na when she's complimenting me.

Una naming pinuntahan ang National Musuem Bohol. May mga couples rin akong nakita sa loob, ang ganda naman ng date nila. Eh kami? Ano nga ba kami? Hindi naman niya sinabing kami na.

Oo nga pala, nakalimutan ko. This is only for fun right? At kapag matapos na ang saya, iiwan niya na ako.

She doesn't have to inform me kasi aware naman ako nong una palang.

"Are you okay?" tanong niya sa akin. Nakalimutan kong kailangan kong mag-pose. Kinukuhanan pala niya ako ng litrato.

"Bakit ang lungkot mo?" Natatawa niyang tanong pero mahina lang ang mga boses namin.

"Hindi ah," sagot ko.

"Pwede na tayong lumabas," sabi niya.

"Hindi, gusto ko dito," sabi ko. Tumango naman siya bilang sagot. Bakit na ako nakasimangot, mamaya ko na kaya problemahin ang concern ko. Excited pumunta dito si Saydie tapos ang lungkot ng mukha ko. Baka isipin niya na ayoko dito.

Yumakap ako sa braso niya at nagsimula na kaming maglibot mula sa ibaba at hanggang sa taas. Maraming makikitang sculpture ang gaganda.

May mga nakuha rin kaming impormasyon sa loob, sa malakas na lindol na nangyari dito sa bohol noon. Simbahan na nasira, grabe parang tumaas balahibo ko. Malamig rin kasi sa loob.

Nang matapos kaming maglibot ay lumabas na kami. Pictures lang ang meron kami dahil bawal kumuha ng video.

Bumisita muna kami sa simbahan, St. Joseph Cathedral Shrine. Nagdasal kami sa loob sa mismong prayer room nila tapos lumabas na rin kami. Maraming makikitang mga doves dito. Syempre hindi ko pinalipas nagpakuha ako ng litrato malapit sa I love Bohol nila.

Sayang lang dahil walang kumukuha ng litrato namin.

Nang matapos kami ay kumain muna kami ng donuts at nagkape.





"Talaga manong?" tanong ko sa tricycle driver. Dadalhin daw niya kami sa baclayon church, the oldest christian settlement in Bohol. Ang plano namin ay pumunta lang ng Blood compact, pero si manong dami niyang alam dito sa Bohol and he's willing to drive us there.

"Maganda rin puntahan ang Sikatuna mamayang gabi," sagot niya sa akin. Nagkakaintindihan rin kami. I can't really understand bisaya, only a few words.

"Punta tayo don," sabi ko kay Saydie at narinig ko siyang tumawa ng mahina.

"Bakit?" tanong ko na parang bata. Kasi tinatawanan niya ako.

"Nothing, you're just cute," sagot niya na ikinatulala kong muli. Hindi ko na talaga alam ang gagawin sa nararamdaman ko, sobra na 'to.

Balak sana naming mag-country tour bukas, may nahanap kaming page at sa site pero mukhang mas komportable na ako dito kay kuya. Mabait rin kasi siya.

Nakarating kami ng Blood Pact Shrine.

We just took a few pictures.

Nakakita naman ako ng mga pwedeng bilhin na souvenirs.

"Saydie, wag na nga," sabi ko nang kinukuhanan pa rin niya ako ng litrato. Parang mas marami na nga akong pictures sa phone niya kesa siya na may-ari.

Namimili pa ako ng mga cute keychains dito.

Kanina rin habang nasa biyahe marami kaming nakasabay na mga foreigners. Grabe papunta rin dito sa Bohol. Nagkalat nga mga galing sa ibang bansa dito.

"Nandito na po tayo!" Masiglang sabi ni manong nang makarating kami sa Baclayon Church.

Ang laki ng simbahan at iba talaga ang pakiramdam niya. Naiisip ko palang ang mga materyales na ginamit dito. This is also known as a historic catholic church. The way they built this church, the architectural structure.

Pumasok rin kami sa museum nila. Doon mas marami pa kaming nakitang mga ginagamit noon pagkatapos ay nagdasal rin kami sa loob ng simbahan.

"Saydie," pagtawag ko sa kanya nang makalabas kami. Inabot naman niya ang aking kamay at pinagsiklop ang mga daliri namin.

Hindi pa rin ako sanay na hinahawakan niya kamay ko.

"Thank you," sabi ko. Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

"Ay magkasintahan po ba kayo?" Napalingon kami kay manong. Sakto namang may biglang tumawag kay Saydie.

"I'll just take this call, babe."

Natulala ako sandali. Mas natulala ako sa tinawag niya sa akin kesa sa tanong ni manong. Napatitig lang tuloy ako sa kanya habang naglalakad palayo sa amin ni manong.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon