Chapter 1: Introduction to Music

8 2 0
                                    

"Gino, matagal na kitang gusto. Noon pang simula nu'ng elementary tayo, hindi mo lang napapansin pero gustong-gusto talaga kita. Gusto ko lang malaman mo ito, sige aalis na ako."

"Sandali Claud, alam mo bang gus—-, naputol ang sinasabi ni Gino. Napalitan yun ng isang malakas na tugtog.

Enter: Song (The Lazy Song)

Today I don't feel like doing anything

I just wanna lay on my bed

Don't feel like picking up my phone

So leave a message at the phone

Coz' today I don't feel like doing anything

Nothing at all...oh ooh oh ooh 

Nagising ako sa ingay ng kapitbahay namin. Bakit kailangan pa niyang istorbohin ang panaginip ko? Malapit na eh, sasabihin na ni Gino na gusto rin niya ako! 

Shit, kainis na kapitbahay yan! Sino ba siya para mag-ingay ng ganito kaagang oras?

Dahil sa inis, binuksan ko ang bintana ng kwarto ko at sumigaw, "Fuck you! Ang ingay mo, kay aga-aga nang-iistorbo ka ng tulog! Hindi sa'yo ang mundo kaya kung pwede hinaan mo naman yang speaker mo! Para hindi ka makaistorbo ng magandang panaginip!"

Pagkatapos kong sumigaw, huminga ako ng malalim. Pagdilat ko——- wtf!!!!!! o_o OMG!!!!!!!!

Agad-agad kong sinara ang bintana ng kwarto ko at tumalon sa kama ko at nagtalukbong ng kumot ko. Gusto ko ng mamatay sa hiya! My gosh! Feeling ko tuloy ayokong pumasok. Bakit siya pa? Gumulong-gulong ako sa kama ko nang may kumatok sa pinto.

"Ate Claud, nakahain na ang almusal natin, kain na tayo. Tulog ka pa ba?"

"Oo nanjan na. Mag-aayos lang ako."

Bumangon na ako at nag-ayos para maligo. Ako nga pala si Claud Baye.

17 years old, turning 18 this coming February. Actually malapit na nga eh, January kasi ngayon. At simula nanaman ng pasukan ng college. 2nd year college na ako sa ******* Academy (mayaman ang mga parents ko kaya afford nila na dun ako pag-aralin). 

Dalawa lang kaming magkapatid. High school naman si Moe, 14 years old siya. Sa St. Pierrre naman siya nag-aaral, ayaw niya kasi sa mga exclusive schools dahil gusto niya, tahimik ang buhay niya kaya yun. Saka nagpakalayo siya sakin para raw hindi nila malaman na magkapatid kami. Haha, sikat kasi ako. Echos! Oo, sikat talaga ako. 

Nung 1st year college kasi ako, sumali ako sa Pageant na ginanap sa school namin. At ako lang naman ang nanalo bilang Ms. Willford Princess. At oo, sikat ako kasi marami ang nanliligaw sakin pero wala akong sinasagot sa kanila dahil may iba ng laman ang puso ko. Yun ay walang iba kundi si Gino.

Naisip ko nanaman ang panaginip ko. Kung di lang naistorbo kanina—-saka naman pumasok sa isip ko ang ginawa ko kanina. Naku, lagot! Bakit ba kasi ganun ang ginawa ko? Sana hindi nangyari yun, sana panaginip lang ito, Lord, please!! (A/N: haaay naku! wala ka ng magagawa Claud)

Pagkatapos ko maligo, nagpalit na ako ng damit at nag-ayos ng sarili para maging presentable ako sa school pagdating ko. Kumain na rin ako, at nagpahatid sa family driver namin na si Mang Cyan. (A/N: sosyal din ang pangalan ngn driver)

"Salamat po Mang Cyan, ingat po kayo sa pag-uwi.", paalam ko at saka ako pumasok sa gate. "Hi Miss!", bati sa'kin ng isang estudyante at sumabay na sa akin sa pagpasok sa gate.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka ako nagpatuloy sa paglalakad. Pero napatigil ako nang makita ko siyang nakatingin sa'kin. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko at nahihirapan akong huminga. Shocks! Claud gumalaw ka wag kang tanga jan na nakatitig lang sa kanya. Napakurap ako ng may humwak sa kamay ko. Napatingin naman ako kung sino man iyon. (o_o) Lagot! Siya nanaman? Nakangiti pa siya sa'kin pero pakiramdam ko parang may masamang mangyayari. Inalis ko naman kamay ko sa pgkakahawak niya pero lalo pa niyang hinigpitan iyon.

Tiningnan ko naman ang pwesto ni gino kanina pero wala na siya doon. Saka lang ako bumalik sa katauhan. "Ano bang problema mo? Pwede bitawan mo na ang kamay ko?", mahinahon kong sabi sa kanya.  "Kaya mo naman palang magsalita ng mahinahon eh, bakit kailangan mo pa akong sigawan kanina?", nakangiti niyang tanong.  "Naistorbo lang kasi ang tulog ko eh n-napuyat pa naman ako kagabi kaya wala sa loob akong sumigaw kanina sa inis. Sorry ha", ngumit pa ako ng malapad para ptumigil na siya.

"Okay I accept your apology. But, In one condition. You will be our vocalist in my band."

Napanganga naman ako sa sinabi niya. What?!!! Me?!!! Vocalist? Baliw na ba siya? Hindi ba niya alam na worst talent ko ang pagkakanta??!!

Sinabi ko yun pero nandito ako sa Music Room. Para raw maging Vocalist ng band nila? "Yes! Buti nalang kompleto na tayo, ibig sabihin makakasali na tayo sa gaganaping Battle of the Bands sa May", sabi ni Rick (ang bassist nila).

"Oo nga, buti nakahanap si Leader. Maaasahan ka talaga", sabi naman ni Hector (drummer nila).

"Sigurado ka bang magaling yang nakuha mo Leader?", tanong naman ng isa pa nilang kasama, si Mark (nakahawak siya ng gitara kaya siya siguro ang lead guitar).

Kung ganun, e ano pala ang posisyon ni Clark? "Siguro ikaw ang vocalist no? Kompleto naman poala kayo, hindi niyo na ako kailangan kaya aalis na ko", tumalikod na ako para umalis doon. 

"Ikaw nga ang Vocalist namin, wag na daming satsat", sabi ni Mark. 

"Ang sungit mo naman, baka nakakalimutan ninyong ang Leader ninyo ang pumilit sa'kin na maging Vocalist niyo", sumbat ko pa. 

"At baka nakakalimutan mo rin na may alam akong pwedeng makanira ng imahe mo?", takot sa'kin ni Clark. Ngumisi naman ang mga kabanda niya. Nainis na ako ng tuluyan, so it's all about that huh. Dahil lang sa sinigawan ko siya, umaakto na siyang hawak niya ako sa leeg.

"Eh ano naman ngayon kung masira image ko? bakit yun lang ba ang maipagmamalaki mo? Dahil lang dun akala mo mapapasunod mo ako sa gusto mo? Well, di nalang ako magiging Vocalist ninyo kung ganyan kaignorante ang utak mo. May pasok pa ako, goodbye!", at tuluyan na talaga akong umalis dun.

Hmphf, naglalakad ako papunta sa 1st subject ko, hindi ako mapakali, paano kung ikalat talaga niya ang nangyari nung umaga? Baka sabihin ng lahat na wala akong pinag-aralan. Sisigaw pa sa kapitbahay niya ng ganun kaaga ng dahil sa naistorbo ang tulog niya?

Baka isipin nila na wala akong modo at hindi tinuruan ng manners ng magulang. Dahil sa Clark na iyon, masisira ang pangalan niya. No way! Hindi ko siya hahayaan. Kailngan ko ring mag-isip ng paraan para hindi niya sabihin yun sa campus. Lagot talaga ako pag mangyari yun, mawawalan ako ng fans at marami na ring aaway sa'kin, well di ko naman masyado pinapahalagahan ang kasikatan ko. Basta ayaw ko lang na may mabalitaan silang masama tungkol sa'kin. Pero wala akong alam na paraan para mapigil siya, ni hindi ko nga siya gaano kilala eh.

Bakit ko alam na dito sa ****** Academy siya nag-aaral? Kasi naging kaklase ko siya sa isa kong subject nung 1st year ako. Music class pa ata, yun lang alam ko sa kanya.

"Oi, kilala mo ba yung Clark? Yung may banda?", tanong ko sa kaupo ko. Di ko kilala eh. Wala akong bestfriends na tulad ng iba. Ayoko kasi ng masyadong expose ang personality ko. Mas gusto kong mapag-isa.

"OMG! This is the first time na  kinausap mo ako, Claud. I'm so glad, buti nalang pala binili ko ang lucky charm kaninang umaga sa daan. Nagkatotoo tuloy ang wish ko na kakausapin mo ako ngayong araw. Thanks talaga!", masayang masayang sabi niya. Ewan ko lang ah, pero di ko feel maging close ang isang ito. 

"Alam mo bang since 1st year pa tayo laging magkaklase. pero di mo man lang ako pinapansin at kinakausap. Ngayon lang talaga. kaya masaya ako", tumayo pa siya at niyakap ako. Umiwas namn ako.

"What do you think you're doing? Excuse me, pero di ko balak maging close sa'yo, at malay ko bang magkaklase pa tayo since 1st year. Kasi hindi ko iniisip ang mga taong nakapaligid sa'kin. Yung tanong ko nalang sagutin mo.",sabi ko nalang sa kanya. 

Tss. Nagsad-face pa siya, akala siguro niya uubra sa'kin yun. Well, di ko nalang masyadong susungitan.

"Ahm, si Clark Mourn. 17 years old. March 11 ang birthday niya. 3 silang magkakapatid. 2nd year college, course HRM. Leader ng PopCorn band. Guitarist and Vocalist. Yun lang alam ko sa kanya, Claud."

"Teka, paano mo nalaman ang mga yan?", tanong ko naman sa kanya. Ang sagot niya lang ay nagresearch siya sa mga naging kaklase niya, malamang kaklase rin niya yung Clark na yun kasi magkaklase kami lagi eh. Yun lang at umalis na ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Music IS My SOulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon