CHAPTER 1

9 0 0
                                    

"Ma, kailangan nandon kayo ni papa sa recognition, magtatampo ako kapag wala kayo" nakabusangot si Cha habang binibitawan ang mga salitang iyon, nagpasabi na kasi ang ang kanyang mga magulang na baka umano maka-attend ang mga ito sa kanyang recognition kung saan siya sasabitan ng medalya bilang pagkilala.

"Cha! Anak, alam mo naman na napakaraming bayarin ngayong buwan, at isa pa alam mong lumalaki ang mga gastusin dito sa bahay. Kaya kung pwede ang ate mo na lang ang sasama sa'yo sa recognition na 'yan" pagpapaliwanag ng kanyang ina.

"Ma, minsan lang naman 'yon saka hindi ba kayo natutuwa ni Papa na, first honor ako ng klase ko?" nagtatampo niyang saad.

Lumapit sa kanya ang kanyang ina at saka siya niyapos. "Hindi naman sa ganon anak, syempre proud kami sa achievements mo. Pero gusto lang namin ipaintindi sa'yo ng papa mo na kailangan namin unahin, yung mga pangagailangan niyo"

Nakasimangot pa rin siya "Okay" matipid niyang sagot.

"Ganito nalang anak" sabad ng kanyang ama. " Sa Lalabas nalang tayo kakain after ng recognition mo, okay ba tayo dun?" pag-aalo sakanya ng kanyang ama.

"Ano pa 'bang magagawa ko?" maktol pa rin niya.

Siya si Charleen Romero o mas kilala sa tawag bilang si "Cha" isa sa mga simpleng dalaga na nangangarap ng magandang buhay para sa kanyang pamilya. Simple, masipag at matalino, iyan ang mga katangian ni Cha bilang isang simpleng bata na noon ay nasa ikatlong taon na sa highschool. Si Cha ay hindi lang isang tipikal na bata na may pangarap sa buhay dahil ang kanyang bawat mithiin ay alay niya para sa kanyang mga magulang. Kilala si Cha bilang pinakamatalino ng kanyang klase sa anumang aspetong pang-akademiya, ilang ulit na rin siyang nagbigay ng karangalan sa kanyang minamahal na paaralan matapos manalo sa iba't-bang patimpalak. Siya rin ang kasalukuyang Presidente ng kanyang klase at Bise-Presidente ng Supreme Student Government o mas kilala sa tawag na SSG. Hindi lang basta matalino si Cha, talentado rin siya, may angking talento sa pag-awit at isa sa mga magagaling na manlalaro ng volleyball ng kanilang paaralan. Salat man sa pamumuhay ay itinataguyod sila ng kanilang magulang sa marangal na pamamaraan. Ang kanyang ina ay isang Elementary Teacher at ang kanyang ama naman ay supervisor ng isang planta. Si Cha ay pangalawa sa apat na magkakapatid kung kaya't sila ng kanyang ate ang tumatayong mga magulang habang busy sa paghahanap-buhay ang kanilang mga magulang. Isa lang ang pangarap ni Cha, ang makapagtapos at mailagay sa maayos na estado ang kanyang malaking pamilya kung kaya't ganon na lamang siya ka-pursigido na maabot ang kanyang mga inaasam sa buhay.

"Oh bat ka nakasimanagot?" tanong ng kapatid niyang si Che habang inaalalayan siya nito paakyat ng entablado ng paaralan.

"Eh kasi ate, wala na naman sila mama for the third consecutive year." sagot niya.

"Hay Nako Cha, masanay ka na. Malay natin next year di ba sila na ang kasama mong mag marcha sa graduation" pag-aalo ng kanyang nakatatandang kapatid.

Sa araw na iyon, iba't-ibang parangal ang nakuha niya maliban sa pagiging first honor ay iginawad din sakanya ang Excellence in Academics na iginagawad lamang sa estudyanteng nagkamit ng pinakamataas na marka. Hindi na bago iyon para kay Jia, kaya't umaasa siya sa susunod na taon ay makikita niya ang kaniyang mga magulang na kasama niyang magma-marcha sa araw ng kanyang pagtatapos.

Hapon na ng matapos ang recognition day, bagaman pagod ay napakasaya ng araw ni Cha dahil sa mga achievements na kanyang nakamit.

"Oh there you are Miss Romero" pagtataray sakanya ng pinakamahigpit niyang ka-kompitensya, ang certified rival niya sa klase at laging pangalawa sa kanyanh achievement na si Aliyah.

"Yes Miss Chua?" tanong niya rito.

"Are you happy today?" mataray nitong tanong.

"Yah, sobrang saya, as in. Ako kasi yung first honor ng klase" pang-aasar niya rito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 30 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I Only See YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon