Sa text..

101 4 2
                                    

Sinasabing sa text na matatagpuan ang lahat na kalokohan ng mga tao. May nagkakaroon ng mga friends, meron ding kaaway at ang pinakamalala ay makahanap ka ng pag-ibig. Maiinlove ka parin ba taong ito na minsan hindi mo pa nakikita?

Text ng text ng text. Yan na ata ang hobby ng isang 1st year college na si Gabriel Rodriguez or Gab for short. During class, after class, Sa bahay, or kahit saan bitbit ang cellphone at may ka text! Hindi ata ito namumulubi sa pagloload. Sa dami ng ka textmate niya ay single na single paren niya. Pag nagmemeet nga’y lagging disappointed kasi mga “LANGKANUS” o mas pangit pa sa Langka. Pero hindi parin sumusuko at mahanap and DA ONE niya.

Si Gab ay kanina pang nakatitig dun sa lalaking naka black na nag papiano.

 “Ang galing niya naman tumugtog..naku naman natuturn on mode ako” malakas na sabi niya sa sarili

Nang masabi niya iyon, biglang may tumulak sakanya. Ang kanyang one and only bestfriend na si Jarine

“May tama ka na brad! Pati sarili mo kinakausap mo na. Aba! Ibang usapan na iyan”

“Di ka naman nasanay saakin”

“paano d masanay na tagal na tayong  mag bestfriend. Concern citizen lang talaga ako saiyo”

Hindi naman inintindi ni Gab ang mga pinagsasabi ni Jarine.  Nagmamalinis pa si Jarine eh isa rin nga siyang baliw diyan pagdating sa love. At dahil diyan sa mga pinag-iisip ni Gab. Bigla niyang iniharap ang sarili niya kay mr.  pianist at tinignan naman ni Jarine ang direksyon kung saan nakatingin si Gab

“Hoy!” sigaw ni jarine na may kasamang tulak

“Ja! Ano ba, masakita ah?!”Sigaw naman pabalik ni Gab na kung sa anime umuusok na ang tenga kulang na lang pati ilong nito

“Galit agad agad? Crush mo yan no?”

Natahimik naman si Gab. Oo crush niya nga yang lalaki nay an. Kahit likod pa lang ang nakikita niya. Musika kasi ang pinagbabasehan niya. Isa yun sa mga standards na hinahanap ni Gabriel

“Ang guwapo ng likod noh?” Daming tanong naman nitong si Jarine. Kaya sa tagal na magkasama sila di maiwasan na maging aso’t pusa sila dahil sa mga pang-aasar nito.

Napatingin tuloy yung pogi na pianist na kanina pa tinitignan ni Gabriel. Napatingin ata dahil sa ingay ng dalawa. Nashock naman ito ng napatingin ito sa may banda nila.

“Ang guwapo pla beh” sabi ni Gab kay Jarine

Mas nagulat pa itong si Gab ng kumaway ito. Hindi niya talaga alam ang gagawin niya. Tatayo ba siya para ihug?, kakawayan din? O kakausapin?

Teka wait.....

.

.

.

“Uyy!” sabay kaway. Boses na galing sa likod nla Gab.  Ouch naman, akala ko ba naman ay si Gab na yung kinakawayan

Kaya

“Sige, makaalis na nga”Gab

Sabay walkoutna siya. Wala na ata siyang pag-asa dun sa sexy chick nay un. Porma pa lang talbog na siya. Kaya dun na lang siya sa mga katextmates mga walang kwenta para malibang naman siya

“Iniwan ba naman ako ng shokoy na yun.  Nag-emote ba naman sa harap ko? May walkout pang nalalaman. Kahit kelan talga” sa isip ni Jarine niya itong sinabi

Sa text..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon