Prologue

271 12 11
                                    

"Manong! bili na kayo oh, sampu piso isang sampaguita! sampung piso lang 'to!"

Halos lahat na ng dumaan inuudyukan kong bumili ng sampaguita kong tinda pero ni-isa kanila walang may gustong bumili.

Kanina pa akong ala-sais ng umaga rito pero wala pa akong naititinda, magd-dapit hapon na at wala pa din.

Gutom at pagod lang ata ang matatamo ko rito. Wala pa akong kinakaing umagahan ni hindi nga ako nakapag hapunan kagabi.

"Miss! magkano 'yan?"

Mabilis akong tumayo ng may binatang lumapit sa akin.

"Sampung piso lang 'to, bili kana oh. Pwede mong ibigay 'to sa kasintahan mo!" nakangiting usal ko.

Multong ngiti ang tugon niya sa akin, nakakakilabot. Siniyasat ko ang kabuuan niya. Siya'y matangkad at payat.

Mukha siyang rugby boy.

"Ikaw? magkano ka ba miss? mas malaking halaga ang ibibigay ko sa 'yo kaysa sa tigsa-sampung piso mong sampaguita." dahan dahan siyang lumapit na napag atras sa 'kin.

"H-hindi ko pinagtitinda-hmp!" isang kisap ng aking mata at ako'y natumba mula sa pagkakasuntok niya sa aking tiyan.

Halos mamilipit ako sa ginawa niyang pagsuntok sa 'kin. Tinayo niya ako at binuhat na parang sako sa balikat niya, napakabantot niya!

Mukhang mamatay ako ng maaga sa amoy niya. hindi ba uso ang pabango sa kanila!?!

"B-bitawan mo ko. . b-bitaw. . ."

....

Ramdam ko ang pag lapat ng aking pang upo sa napakalamig na sahig. Dahan dahan minulat ko ang aking mata.

"Gising na ba 'yan pre? tignan mo nga."

Magaspang na palad ang humawak sa aking pisngi sabay no'n ang malakas na sampal na gumising sa aking ulirat.

"Tangina ka! bakit mo sinampal!? lagot tayo kay boss pag may kaunting galos 'yan!"

"Pinitik ko lang. 'to naman, h'wag kang magalala. buka-"

Namilog ang mata ko ng mabilis na bumulagta yung lalaking sumampal sa akin sa lupa. May nakatarak na kutsilyo sa gilid ng leeg nito habang ang mata niya mulat pa rin, hindi na siya nagsasalita.

"B-boss!" takot na sigaw nung lalaking nakaitim.

"How dare you idiot hurt my mom huh!?" Maliit at matinis na boses na sigaw nung bata.

H-hala! anong ginagawa ng bata dito!?!

"B-boss. . . h-hindi ko po-" napaluhod ang lalaki ng sipain siya ng bata sa tuhod.

Nangangatal na ang buong katawan ko. I-itong batang nasa harapan ko ang tinatawag nilang boss. Sobrang bata pa niyan! kung tatantyahin ko nasa sampung taon gulang palang ang bata.

N-nagawa nung batang mapaluhod ang lalaki. S-sino ba siya?

Humarap sa akin ang batang tinatawag nilang boss. Ngayon kitang kita ko ang kabuuan niya. Mula buhok hanggang labi, magkahawig na magkahawig kami.

"Hi mom!" napalitan ng magiliw na tono ang boses niya.

"B-bata. . . hindi ako ang nanay mo," tanggi ko.

Wala akong maalala na nagdalang tao ako. Sigurado naman na wala akong anak at isa pa v-virgin pa ko. Saan ko naman ilu-luwal ang batang 'to? eh hindi pa nga nabubuwal ang kipay ko.

"You are my mom- i mean not yet but you will be. here po mommy, just make pirma here para maipakasal na kita kay dad."

Nanliit ang mata ko sinabi niya- kasi wala naman akong naintindihan. Hindi naman ako nag aral at tanging pagbabasa lang ng tagalog at ingles ang alam ko, marunong din ako magsulat pero hindi ako nakakaintindi ng ingles.

"Oh looks like my mom don't understand english. . ang sabi ko po ito po iyong kontrata para makapagpasakal na kayo ni tatay po."

magpakasakal?

"Baka magpakasal, bata?"

"Yes po. mag get married na kayo ni tatay ko."

"P-pero bata. . . hindi ko pwedeng gawin 'yan. Bente singko palang ako at wala akong maipapakain sa 'yo bata. wala akong trabaho, hindi pa ako handa maging nanay at asawa-"

"That's fine mom! my dad is a billionaire, he'll take care of everything. isa pa wala ka namang pamilya at sa kalsada ka lang nakatira diba? mag get married na kayo ni dad. magiging maayos ang buhay mo there. . . hindi mo pa ako know pero promise i'm a good person po."

Nanatili akong nakatitig sa batang nasa harap ko. Pinoproseso ang mga nangyayari. Mukha naman siya talagang mabait na bata at talagang napaka gara niya tignan. Halatang maayos siyang pinapalaki pero- hindi ko naman ata magagawa 'yon. H-hindi ko magagawang manguha o pagsasaan ang pera ng iba. . .

P-payag na ba akong magpakasal sa ama niyang hindi ko pa nakikilala?



A/N: Enjoy reading syug! HAHAHAHA ang unexpected nung prologue. kahit ako nagulat. HAHAHAHA.

- sampaguita.

The Entitled Wife Of The BillionaireWhere stories live. Discover now