A Sister's Dilemma: Ang Kuya kong Palpak

504 28 10
                                    

Mahal ni Clarissa ang kanyang Kuya Chito. Hindi man halata at lagi man niya itong binabara o kino-kontra, mahal na mahal nito ang kanyang nakakatandang kapatid. Kung tutuusin, mabait naman kasi si Chito eh, bilang anak at bilang kapatid. Maaasahan din ito. May pagka-weird minsan pero kadalasan naman, matino. 

Pero kung mayroon lang talagang isang bagay na ayaw na ayaw ni Clarissa sa kapatid, iyon ay ang pagiging numero uno nitong palpak! 

Palpak ito nang minsang biglaang nagkaroon ng party sa bahay nila ng hindi nito nalalaman kung papaano umabot sa ganoon. Palpak ito nang pati ito ay hindi man lang na-realize na mali ang kanilang ama sa pag-aakalang wedding anniversary na nito at ng kanilang ina. Palpak din ito nang mapatungan nito ng video umano ng barkada nito ang video na pinaghirapan nila para sana maging anniversary gift nila sa mga magulang nila. At higit sa lahat, palpak ito pagdating sa mga babae. 

Ang gagawin na nga lang sana nito ay imbitahan si Ericka para maging date sa prom. Isang napaka-simpleng gawain na nga sana dahil matagal na nitong matalik na kaibigan si Ericka. Pero sa halip na ito ang imbitahan, pumalpak pa dahil ang naging dating sa babae ay nagpapatulong itong maghanap ng magiging ka-date niya. At kahit naman sabihing okay din lang naman ang naging ka-date nito para sa prom na iyon na si Nikki, pumalpak pa rin ito rito nung isang pagkakataon na may ipinangako ito sa babae na ito na ang bahalang kumuha, pangakong napako dahil lang sa takot ni Chito sa barbero.

Kung hindi lang siguro masamang magtakwil ng kapatid, sa mga pagkakataong iyon, nagawa na ni Clarissa. Pero dahil sa hindi naman siya ganoon kasama, napapatapik na lang siya ng noo lalo na kapag personal niya iyong nakikita.

Like yung one time na isinama ito ni Chito sa lakad nito dahil parehong nasa convention ang kanilang mga magulang samantalang namalengke naman ang mga kasama nila sa bahay. It turns out, si Nikki pala ang ime-meet nito sa mall.

Mabibilib na dapat si Clarissa sa kapatid dahil for the most part ay hindi naman totally napapalpak ito. Hindi ito nauutal, natatameme or namamali. Kung tutuusin, ang normal nga ng interaction nito at ni Nikki.

Pero nang magpunta sila ng food court para sana kumain, nakita ni Clarissa kung papaanong pinatunayan ng kanyang Kuya Chito na anak nga talaga ito ni Pepito Manaloto.

"Sigurado kang okay lang sa'yo dito sa food court?" tanong ni Chito habang paupo sila. Hindi pa naman peak hours noon kaya hindi rin ganoon karami ang taong nasa food court kaya madali silang nakakuha ng mesa.

"Okay lang!" sagot ni Nikki. "Nagugutom na rin ako eh. At least pag dito tayo, mas mabilis tayong makakakuha ng pagkain."

"Oo nga naman kuya!" singit ni Clarissa. "Gutom na rin ako eh!"

"Oo na," iling ni Chito. "Sige, kukuha na ako ng makakain natin. Anong gusto ninyo?" dagdag nito sabay tayo na at tingin sa mga food stalls na naroon.

"Ako gust-" simula ni Nikki pero bago pa man nito masabi kung ano ang order nito, nagsalita na muli si Chito.

"Ah, alam ko na!" bulalas ng lalaki na may ngiti sa mga labi, tila tuwang-tuwa ito sa nahagip ng kanyang mga mata. "Sige, dito muna kayo, order lang ako," anito sabay alis.

Nagkatinginan na lang sina Nikki at Clarissa sa biglaang ka-weirduhan na naman ng lalaki. makalipas ang ilang minuto, nakabalik na din na may hawak-hawak nang tray ng pagkain.

"Ano'ng kinuha mo?" excited nang tanong ni Nikki bago pa man mailapag ni Chito ang dala nitong tray.

"Japanese food!" nakangiting sagot ni Chito pero nang makita nito na bahagyang bumagsak ang mga balikat ni Nikki, napakunot-noo ang lalaki. "Ayaw mo?"

ChiRika Collections - Pepito Manaloto-based fanficsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon