33

604 27 0
                                        

33: Play

Hanggang sa makauwi ako ng apartment ay hindi ko nagawang mapigilan ang pagiyak ko. Wala na akong pakealam sa mga tumitingin sa akin, wala akong pake kung nakukuha ko man ang atensyon nila.

Natatakot lang ako na baka totoo ang sinabi ng babaeng 'yon. Binigay ang sarili ko? I already did and now it's driving me crazy.

Hindi ko alam kung maniniwala ba ako, dahil sa simula palang alam ko na ang lugar ko. Saydie already warned me. I'm at my own risk. Kaya bakit pa ako masasaktan? Bakit pa ako umiiyak? Ginusto ko naman 'to diba.

So what if she's just playing with me, I should have known better.

Tumigil ako sa pagiyak nang may biglang kumatok sa pinto ko. Hindi na nga ako nakapagpalit ng suot dahil sa kakaisip at kakaiyak ko.

"Gaile?" Natulala ako sandali nang makita ko silang dalawa ni Josh.

"Girl! Birthday ni Bry ngayon, let's surprise him sa bar, hindi mo ba nabasa messages ko?" sabi at tanong ni Josh sa akin. It's already November at oo nga pala birthday ng boyfriend niya. Hindi nawawala sa amin na i-celebrate ang birthday ng bawat isa sa amin.

"Umiyak ka ba?" tanong ni Gaile. "Are you okay?"

"Nasaan girlfriend mo? Let's invite her!"

Mas lalo akong nahihilo sa kanila.

"Hindi ako umiyak, at isa pa anong girlfriend?" sagot ko sa kanila at pinapasok ko muna sila. Anong oras na pala, 7 pm na.

"Bakit hindi pa kayo?" tanong ni Josh at parang nagugulat pa.

'Magbibihis lang ako," sagot ko.

Naghintay lang sila sa akin hanggang sa matapos ako. Saktong pagkalabas namin at pagkasara ng pinto ay nakita nila si Saydie.

"Oy, Saydie! Bakante ka ba? O mga pinsan mo? Tara sa Amiro's Bar!" Nakangiting sabi ni Josh sa kanya. Napatingin siya sa akin at umiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Sure."

Natulala ako sandali sa sagot ni Saydie.

"Bongga!" sigaw ni Josh at nauna na silang bumaba.

"Why are you not replying? Pumunta ako ng bookstore tapos wala ka, are you even okay? Kaya mo bang lumabas ngayong gabi? Eya told me you're not feeling well."

Sumabay siya sa paglalakad kasama ko. Bakit ba siya ganito? Bakit ba siya nagtatanong? Why is she worried? Why does she care? If I'm just her fling.

"Izzy, why are you so silent?" tanong niya nang makalabas kami ng building.

May dumaan namang malaking taxi at agad kaming sumakay. Tatlo kami sa likod, nasa gitna ako nila Saydie at Gaile tapos nasa front seat si Josh.

"Izzy."

She reached my hand and intertwined our fingers.

"What's wrong?"

Kung alam lang niya kung gaano ako natatakot ngayon na baka mawala ko siya. Paano kung sabihin ko sa kanya ang nangyari kanina, paano kung magtanong ako, iiwan niya ako?

Hanggang sa makarating kami ng bar ay kinulit ni Josh si Saydie na papuntahin ang mga pinsan niya.

"Na-message ko na sila," sagot ni Saydie.

"Hintayin ko lang ang cake," sabi ni Gaile at nauna na kaming tatlong pumasok nila Saydie at Josh.

Bago pa ako makapasok mismo sa loob ay hinila ako bigla ni Saydie.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon