Naglalakad siya pabalik ng bahay niya ng nakaramdam siya na may sumusunod sakanya. Dinalian niya ang lakad at patuloy pa rin itong sumusunod sakanya.
Napagpasyahan niyang tumigil at humarap dito. Nakasuot ito ng itim na hoodie at may suot itong mask. Hindi siya nagpatinag rito pagkos ay linapitan niya pa ito.
"Anong kailangan mo?" tanong ng dalaga.
Namulsa naman ang lalaki "Natatakot ka?"
Mahinang napatawa ang dalaga sa sinabi nito sakanya.
"Bakit mo ba ako sinusundan? Wala kang makukuha sa'kin. See. Wala akong dalang pera." Ipinakita ng dalaga ang bulsa na walang laman.
"Wala nga akong makukuha sa'yo pero kapag ikaw ang nakuha at napatay ko mas malaki pa makukuha kesa ang tangayin ang perang meron ka ngayon." sagot nito sakanya.
"At sa tingin mo naman mapapatay mo ako? Baliw kana ata." sabi ng dalaga.
Hindi na nakapag timpi ang lalaki agad na sinugod ang dalaga ng suntok pero nakailag ito sakanya.
"Ulol." agad namang sinipa ng babae ang mukha nito at sabay talon para maipit niya ang leeg nito. "Sabi sa'yo mauuna ka muna bago ako." hingal na sabi ng dalaga at agad na binawian ng buhay.
Tumayo ito at tinanggal ang nakatabon sa mukha ng lalaki. Agad niyang inilabas ang cellphone niya at tinawagan ang isang lalaki para linisin ang kalat niya.
"Hello dave, locate me nasundan ako ng taohan ni Lucie pero no need to worry patay na ito." sambit niya.
"Okay umalis kana diyan umuwi kana, your mom just called me hinahanap ka." Dave said.
Ngumiti ang dalaga "Thank you Dave."
Agad na kinapkapan ng dalaga ang walang malay na lalaki at umalis na pauwi.
Lakad takbo ang ginawa ng dalaga dahil sa nagmamadali na itong umuwi.
Pagkarating ng dalaga sa mansion niya. Dahil siya lang ang nakatira sa bahay niya wala siyang katulong agad siyang pumasok at nilinis ang katawan.
Pagkalabas niya ng banyo ay naghanda siya ng haponan niya. Habang kumakain napaisip siya kung titigil na ba siya sa special job niya o ipagpapatuloy para makapag focus siya sa company niya at business.
Maya-maya ay nakarinig siya ng ingay mula sa pinto ng bahay niya. Maingat siyang tumayo at naglakad ng walang ingay. Bago niya pagbuksan ay sinilip niya muna. Ng makita niyang si Dave iyon agad niya naman itong pinagbuksan at pinapasok.
"Did your mom call you?" Dave asked.
Umiling ang dalaga "Why? What did she say?"
"Wala hinahanap kalang baka daw magkasama tayo kasi pumunta daw siya dito sa bahay wala ka naman kaya akala niya magkasama tayo." Dave looked at her eyes.
"Bakit? Anong tingin yan Dave?" she asked.
"Wala." naglakad papuntang kusina ang binata para ipagluto ang dalaga ng haponan.
"Naisip ko kanina habang kumakain ako pano kung umalis nako sa special job ko and continue my business." sabi ng dalaga agad namang natigilan si Dave ng sabihin ito ng dalaga.
Nagtuloy lang sa ginagawa ang binata habang ang dalaga ay nakaupo sa hapag-kainan at nakatingin sakanya.
"Hindi ko na alam kung anong mangyayari kung aalis ako sa trabahon toh. Hindi ko alam kung makakalabas ba akong buhay o patay. Hindi alam nila mommy kung anong meron sa'kin ngayun ayoko rin naman ipaalam sakanila kasi panigurado hindi nila magugustohan." patuloy na sabi ng dalaga.
Nagsalita si Dave "Sinong matutuwa kung ako rin naman ang magulang mo hindi naman ako matutuwa dahil sa pinang-gagawa mo."
Bumuntong hininga ito at isinubsob ang mukha sa mesa. Hindi alam ng dalaga kung papaano niya sasabihin sa mga magulang nito kung anong klasing trabaho meron siya ngayun.
Oo mayaman siya hindi niya na kailangan magpakahirap sa trabaho. Ang hindi niya lang maintindihan bakit siya pumasok sa ganitong trabaho na buhis buhay.
Nagiisa siyang anak na babae sa pamilya kaya kung ano man ang mangyari sakanya ay handang pumatay ang pamilya para lang sakanya.
Bumaling ng tingin si Dave sa dalaga. At maya-maya ay inihain niya na ang pagkain para makakain na sila.
He tap her shoulder "Hey, let's eat and get some rest ako na bahala dito."
Tumango lang ang dalaga sinyales na naintindihan nito ang sinabi niya. Nagtuloy sila sa pagkain at ng matapos silang kumain ay agad na umakyat ang dalaga papunta sa kwarto niya para magpahinga habang si Dave ay naiwan sa baba para maglinis ng pinagkainan nila.
Kahit anong pilit na itago ni Dave ang nararamdaman niya para sa dalaga ay ganun naman kadali para maipakita at iparamdam niya naman ito. Higit walong taon na silang magkaibigan pero ang nararamdaman ni Dave para sa dalaga ay hindi parin pumapalya.
Ayaw niya itong aminin dahil baka magkasalungat sila ng nararamdaman. Hindi siya takot masaktan sa magiging tugon ng dalaga mas takot siyang lumayo ito dahil sa nararamdaman niya para rito.
Nang matapos na si Dave sa gawain ay umakyat siya papunta sa kwarto ng dalaga upang magpaalam na uuwi na ito.
Maingat niyang binuksan ang pinto ng kwarto nito at pumasok. Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa higaan nito at maingat na umupo. Hinaplos niya ang buhok nito at hinalikan sa noo.
"Sleep tight my queen." bulong nito sa dalaga at inayos ang kumot nito saka umalis sa kwarto nito.
Sinigurado nitong naka lock lahat ng pwedeng daanan papasok at palabas. Pinatay ang mga ilaw.
Lumabas siya sa mansion ng dalaga para umuwi na.
_________________
✍️please continue reading my story i hope you guys like it!! sorry sa typographical error huhu
YOU ARE READING
Dangerous Woman
RomanceShe is being praised by people because of her passion. She can do whatever she wants. Her family support her every step of the way. Beautiful. A first word people can describe her. Because of her looks and angelic face people wants her. Passionat...