Prologue:
"Not all encounters are great"
Hi I'm jonah, 18 years old and nakatira sa probinsya ng salvacion na malayo sa syudad. Lagi akong sumasakay sa jeep dahil ito lamang ang paraan para makapunta sa syudad. Isa lang ang ruta papuntang syudad at wala ng iba pa. Ang daan papunta doon ay masikip dahil kasya lamang ang isang jeep, madilim ang paligid at walang kahit na anong liwanag ang matatanaw pagsapit ng gabi.
Isang gabi, habang ako'y nasa sasakyan pauwi galing sa paaralan, namasdan ko agad ang pagka tahimik ng aking sínasakyang jeep. Walang makikitang kahit isang pasahero maliban sa driver at ako, isip isip ko pa'y baka walang masyadong pasahero ngayong gabi o baka mali ang sinakyan kong jeep.
: Manong, papuntang salvacion ba ito?
Biglang huminto ang sasakyan at agad ko naman itong ikina bigla. Tumango lamang ito at nagpatuloy sa pagmamaneho.
Nang nasa kalagitnaan na kami ng daan, may naramdaman akong mga tingin sa akin. Ako nama'y kinilabutan at tumindig ang mga balahibo ko sa katawan. Pinipilit kong maging kampante lamang ngunit -