Chapter 4

2 0 0
                                    

I woke up with a throbbing headache and a sense of disorientation. The events of the previous night were a blur, and I had no idea how I ended up back home.

sinapo ko ang aking noo dahil sa kirot. i look to the table sa tabi ng bed to search where my phone was, it's not there.

fuck this

anong oras na kaya. nakakasilaw ang bintana sa kanang side ko, bukas na ito at nakahawi na rin ang kurtinang puti.

ang bango. nakatapat ang bintana sa dagat kaya naman maaamoy ang fresh na amoy ng dagat at hangin nito.

oh, to live a life as comforting as this.

umikot ako para dumapa at marahang inunat ang katawan. ang lambot ng kama. salamat naman at hindi ako sa banig pinatulog dahil paniguradong mananakit nanaman ang katawan ko tulad noong nangyari last time na nagbakasyon kami rito.

kalmado ang paligid ko ngunit nag-iingay sa mga katanungan ang utak ko sa kung paano ako nakauwi, paanong sa isang iglap ay nasa malambot na ako na kama gayong ang huling alaala ko ay ang dagat at ang umaagos na luha sa mga mata ko.

bago pa man ako tuluyang mabaliw sa mga katanungang umiikot sa utak ko, napagpasyahan ko nang tumayo.

bumaba na ako sa kahoy na hagdanan. tumutunog pa ito na animo'y onting hakbang na lang ay bibigay na ito.

I heard the clinking of dishes and the aroma of fresh coffee wafting through the air.

nang makarating na ako sa kusina. nakita ko si  Aunt Leila, standing by the counter, busy preparing breakfast.

"Oh, gising ka na pala. magandang araw, iha." she greeted me with a warm smile. "halika na rito at handa na ang pagkain."

I hesitated for a moment, not sure kung anong sunod na gagawin "Uh, Aunt Leila," I began, trying to find the right words, "I don't remember anything from last night. How did I get home?"

Aunt Leila chuckled softly. "Huwag ka nang mag-alala. iniuwi ka ni aria sa bahay nila dahil lasing na lasing ka raw at biglang nawalan ng malay sa tabi ng dagat, mabuti na lang at pumunta ako sa bahay nila upang manghingi ng kandila dahil nag brown-out kagabi at ayon, doon kita nakitang natutulog sa sala nila."

"Aria?" I asked, confused.

"anak ni aling elena, kalapit bahay natin." she replied. i nod.

nakakahiya. paano na lang kung masamang tao ang nakakita sa'kin. ang tanga ko talaga. bibigyan ko pa nang ikapapahamak 'tong sarili ko.

tahimik kong tinignan si aunt leila habang naglalagay ito ng fried rice sa plato ko, nilagyan din nito ng ham at scrambled egg ang plato ko. parehas ng may laman ang plato namin. nagtimpla rin siya ng kape para sa'ming dalawa.

ngayon na lang ulit ito nangyari sa'kin. ang magkaroon nang kasabay kumain.

huli kong naranasan ito no'ng buhay pa si papa. ganito rin ang ginagawa niya. magluluto ng umagahan at lalagyan ang plato ko ng kanin at ulam. sinusubuan pa ako nito lagi kahit na malaki at marunong naman na ako. baby pa rin daw kasi ako para sa kaniya. minsan pa nga ay binubuhat pa ako nito galing sa higaan sa tuwing ayaw kong  bumangon dahil inaantok pa ako.

ngayon ko na lang ulit naramdaman na may nagmamahal pa sa akin. na may tao pa palang may pake sa akin.

after we ate breakfast, lumabas muna ako para magpahangin.

nakalimutan ko na tanungin kay aunt leila kung nakita niya ba 'yong phone ko. mamaya na lang siguro.

naglakad lakad ako sa gilid ng dagat habang hawak hawak sa kanang kamay ang baso na may kape.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 08, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

unknown Where stories live. Discover now