DAHAN-DAHAN kong binuksan ang aking mga mata at nakita ang kalangitan. The clouds were gray and the sky seemed gloomy. Mukhang uulan and as I looked around, I realized that I'm in the cemetery and lying on the ground, again.
This place became my second home when I lost him.
Dito ako nagpapahinga, umiiyak, lumuluhod, nagmamakaawa at nagdarasal na sana mawala lahat ng sakit na nararamdaman ng puso ko.
Bumangon ako mula sa aking pagkakahiga at binalingan ng tingin ang lapidang nasa harapan ko. Mapait akong napangiti. I ran over my fingers over his grave as a tear slid down on my face.
My heart grew heavier when memories started flashing back to me. I stood up hoping that it'll ease my heavy heart but my knees don't have the strength to stand for long.
I crouched down as I hugged my knees, sobbing hard. It hurts to see his grave, it's a painful reminder that he's no longer with me. It kills me to think that only in memories would I ever feel his warmth presence again. Perhaps even though I know how painful it is coming over here, I somehow feel that he's comforting me every time I'm here.
I close my eyes and memories starts flashing back to me. I was in my 12th year of high school when everything happened.
"Ashley naman eh, please.." pangungulit ni Paul.
Agad ko siyang binalingan, "Ayoko nga! Nakakahiya kaya. Bakit 'di ikaw ang gumawa?" angil ko sa kaniya.
Pinipilit niya akong humingi ng discount sa kinain naming tokneneng na nagkakahalaga ng bente pesos isa.
"Are you out of your mind?! Nakakahiya kaya!" pabulong na sigaw niya. Gusto kong ibuhos sa kaniya ang iniinom kong sago't gulaman dahil sa kalokohan niya.
"Oh diba nakakahiya? Atsaka hindi ito palengke para humingi ka ng discount, fixed ang presyo ng mga lutong pagkain" pagpapaliwanag ko sa kaniya. Inirapan niya na lamang ako at binayaran ang kinain namin.
Katatapos lang ng klase namin at pauwi na dapat kami nang bigla niya akong ayain kumain. Palagi siyang ganito sa tuwing kakain kami, gusto niya pang humingi ng discount na talagang ikakalugi ng nagtitinda.
Naglalakad na kami papasok sa village namin nang bigla siyang huminto na tila may napagtanto.
"Ashley.." seryosong banggit niya at hinawakan ang magkabila kong balikat.
Naguguluhan ko siyang tinignan.
Bumuntong hininga siya sabay sabing, "Bawat piso ay mahalaga kaya hangga't kaya mong humingi ng discount, gawin mo".
Napailing pa siya at nagsimula nang maglakad na parang hindi ko alam ang halaga ng pera.
Napakapit ako ng mahigpit sa tote bag ko at hinampas ito sa likod niya.
"Alam ko 'yon pero hindi ka sa ganoong tipo ng tindahan hihingi ng discount! Lulugihin mo yung may-ari!" saad ko habang hinahampas siya.
May point naman yung sinabi niya kaso sa lahat ng pagkakataon niya na inapply. May isang beses pa nga na humingi siya ng discount sa binili naming sorbetes na sampung piso isa. Ano na lang kikitain nung nagtitinda?
Naubos nanaman ang pasensya ko kay Paul kaya't binilisan ko na ang lakad ko nang maaninag ko ang bahay namin. Naririnig ko pa na tinatawag ako ni Paul pero dire-diretso lang ako papasok.
Nadatnan kong nanonood ng tv si Mama sa salas.
"I'm home, Ma" bati ko sa kaniya sabay halik sa pisngi niya.