37

668 30 3
                                        

37: Little

I left and sobbed my little heart out.

Hinayaan ko nalang ang lumabas ang luha ko galing sa mga mata ko. Nasasanay na lang rin naman ako ulit na iniiyak ko nalang lahat. Okay lang naman kahit hindi niya ako pansinin forever

I've survived 19 years without her. Kaya ko naman mag-isa. Kaya bakit ko ba pinipilit ang sarili ko?

Galit rin ako sa kanya pero gumagawa ako ng paraan para makausap ko siya ulit. I know what I did was wrong, but she also let me be confused.

Pero sapat nga ba ang rason na 'yon for me to let another guy, a stranger touch me.

I know I've hurt her kaya nga kahit masakit nandito pa rin ako.

Siguro hindi ko na muna siya kukulitin. Babalik nalang ako kung malamig na ang ulo niya sa akin. Bakit ko rin ba sinasaktan ang sarili ko?

Pumara ako ng tricycle, hindi ko alam kung paano pabalik sa terminal pero may tiwala naman ako sa mga drivers dito. Huminto sa tapat ko ang tricycle at papasok na sana ako agad nang may humawak sa braso ko.

It's Saydie.

Akala ko hindi na niya ako hahabulin.

"Sorry po sir, hindi po siya sasakay," sabi niya sa driver. Nakaramdam ako ng hiya sa tricycle driver dahil parang nairita ang mukha niya. Syempre pinatigil ko siya tapos hindi pala ako sasakay.

May sarili naman rin siyang payong nadala. Hanggang sa umalis ang driver at nakahawak pa rin siya sa akin.

"Let's go back inside," sabi niya.

"Ayaw mo naman ako dito diba?" tanong ko.

"Let's talk inside."

"Ayaw mo pa naman akong kausap," sagot ko. Binitawan niya ang braso ko. Oo, gustong gusto ko siyang makausap. Kahit nga ngayon gusto kong bumalik na agad kami at mag-usap. Pero sobrang nasasaktan lang rin ako.

Kanina pa ako nasa loob, hinintay ko siya. Mula sa syudad ay napunta ako dito. Kanina pa ako nandito at hindi niya ako binigyan ng oras kahit konti lang. Kinausap ko na ang pinsan niya kahit hindi naman kami close para lang malaman kung saan siya ngayon.

I also don't wanna miss her birthday.

Kung sana nag-isip muna ako ng mabuti bago ako makipagsayaw sa iba. Kung sana hindi muna ako nagalit.

If only I had asked first.

Kahit anong sabihin nila Gaile, ayokong isuko agad si Saydie. Alam ko rin naman hindi ko deserve masaktan 'no.

"Tara na, umuulan." She answered with a calming voice.

Gusto ko na siyang mayakap ulit. Ewan ba kung paano ba ako naging sobrang attach sa kanya. Nakakainis. Kahit nga nong hawakan lang niya ang braso ko.

She's giving me blank expressions, I can't read what she's thinking.

"Kausapin mo na lang ako kung hindi ka na galit, pero wag mong tagalan ah kasi baka hindi ako makapaghintay."

Her eyes suddenly soften after what I've said.

Oh please Saydie. Wag mo akong kaawaan.

Rhythm and BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon