Pamamahayag - sining nang pagsulat at pagwawasto ng mga artikulo para sa magasin o pahayagan.
Kasaysayan ng Pahayagang Pilipino
Nagsimula noong panahon pa ng Kastila dahil isa ito sa mga ginamit upang mapalaganap ang pananampalataya. Si Pascual Poblete ang kinilala na "Ama ng Pahayagang Pilipino."
1593 - Nalimbag ang Doctrina Christiana.
1653 - nalimbag ang Succesos Felices na itinuring na unang pahayagan sa Pilipinas at si Tomas Pinpin naman ang tinawag na "Ama ng Palimbagang Pilipino." Mas una pa ito sa unang pahayagan ng Amerika na "Public Occurrences" ni Benjamin Harris.
1811 - Del Superior Govierno. Pinakaunang peryodiko sa Pilipinas sa pamamahala ni Gob. Hen. Manuel Fernandez de Folgueras.
1846 - La Esperanza. Unang pang-araw-araw na peryodiko sa Pilipinas nina Lugorte at Calderon.
Diaryong Tagalog. Unang pahayagang tagalog sa pamamatnugot ni Francisco Munos. Sinikap nito na maging tulay sa mga Pilipino at Kastila.
La Opinion. Ito ang nagpasimula ng pamamahayag na pampulitika sa Pilipinas.
El Resumen. Itinatag ni Isabelo delos Reyes. Pahayagang Makabansa.
El Pasig. Pahayagang bilinggwal sa kastila at tagalog.
La Lectura Popular. Nagsusulong ng Intelektwalismo ng mga Pilipino
Pliegong Tagalog. Unang pahayagan tungkol sa kalakal at komersyo gayundin sa libangan.
"Ang kapatid ng Bayan." Apat na pahinang naglalaman ng mga balita tungkol sa bayan.
La Solidaridad. Pahayagan ng mga Propagandista sa pangunguna ni Graciano L. Jaena
"Ang Kalayaan." Pahayagan ng mga Katipunero sa patnugot ni Emilio Jacinto.
El Heraldo Filipino. Opisyal na pahayagan ng Rebolusyonaryong Pamahalaan na di nagtagal ay tinawag na "Gaceta de Filipinas." Naglalathala ng mga utos ng pamahalaan, tula at mga makabayang lathalain.
La Independencia. Sa patnugot ni Antonio Luna, isang pribadong pahayagan ng mga rebolusyonaryo.
El Nuevo Dia. ni Sergio Osmena Sr. Pahayagang makabayan na nasuspinde dahil sa paninindigan sa mga pahayagang nasusulat sa Ingles.
El Renacimiento. nakilala dahil sa paglaban sa di-matapat at mandarayang pamahalaan.
Manila Daily Bulletin. nauukol sa pagbabapor ngunit di nagtagal ay tumalakay na rin sa iba.
Anyo ng Pahayagan:
A. Tabloid. Maliit lamang at bilang ang pahina.
B. Broadsheet. Malaki at binubuo nang maraming pahina.
Nilalaman ng Pahayagan:
A. Balita - ulat hinggil sa pang-araw-araw na mga kaganapan. Sinisimulan sa pinakamahalagang pangyayari patungo sa di - gaanong mahalaga.
Pamatnubay - panimula ng isang balita.
Uri ng mga Balita
1. Balitang Lokal - ukol sa bansa o sa bayan.
2. Balitang Dayuhan - balita tungkol sa ibang bansa.
3. Balitang Kinipil (Newsbrief) - pinaikli o mga binuod na balita.
4. Paunang Balita (Advanced) - mga pasilip o paunang balita para sa isang kaganapang magaganap pa lamang.
5. Balitang di-inaasahan (Flash News)
6. Bulettin
7. Balita ng Panayam
8. Balitang Pang-agham at Sining
9. Balitang Pampalakasan
10. Entertainment News. mga balitang showbiz at iba pang katulad.
11. Balitang Lathalain. balita na sa halip isulat ng tuwran ay ginawang masining.
12. Depth News o Balitang may Lalim. kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
Uri ng Ulo (Headline)
1. Banner - ulo ng pinakamahalagang balita.
2. Deck o Bank - pangalawang ulo na nasa ibaba ng pinakaulo.
3. Flust Left - Pantay kaliwa
4. Tagline o Kicker - pananda ng pinakaulo na inilalagay sa itaas nito.
5. Downstyle - lahat ng nasa maliliit na letra maliban sa unang titik ng unang salita.
6. Ulong Pamayong - sinasakop nito ang isang buong balita.
B. Editoryal - kuro-kuro ng patnugutan hinggil sa mahalaga at napapanahong isyu.
Uri ng Editoryal
1. Nagpapabatid
2. Nagpapakahulugan
3. Puna at Pagbabago
4. Nagpapahalaga at pumupuri
Bahagi ng Editoryal
1. Panimula - News Peg (batayang balita), isyu, paninidigan
2. Katawan - mga dahilan at patunay na argumento
3. Wakas - konklusyon o hamon
Editoryal Kartun - Isang pagbibigay ng komento sa tulong ng paglalarawan tungkol sa isyu.
C. Lathalain - isang malayang artikulo ukol sa isang bagay. Gumagamit ito ng istilong pyramid sa pagsulat. Nagsisimula sa mga kapanapanabik na mga pangyayari.
Uri ng Lathalain
1. Lathalaing Pabalita (news feature). Balitang makapupukaw ng damdamin.
2. Lathalaing Pangkatauhan (personality/ character sketch). Inilalarawan nito ang buhay ng mga kilalang tao.
3. Lathalaing Nagpapabatid (informative feature). Magbigay kaalaman o impormasyon.
4. Lathalaing Pangkasaysayan (historical feature). Nakasaad ang karaniwang kasaysayan ng isang bagay, tao o pook. Magbigay ng kaalaman sa mambabasa.
5. Lathalaing Pakikipanayam (feature interview). Tinatalakay ang ideya o kaisipan at pala-palagay ng isang tao sa pamamagitan ng pakikipanayam.
6. Lathalaing Panlibang (entertainment feature). Layunin nito ay libangan ang mambabasa.
7. Lathalaing Pansariling Karanasan (personal experience). Makikita ang kakaibang karanasan ng manunulat o ibang tao.
Iba pang nilalaman ng Pahayagan
1. Obituary
2. Classified Ads and Business
3. Entertainment / Showbiz
4. Leisure and Fashion
5. Games and Trivias
BINABASA MO ANG
LET REVIEWER FOR FILIPINO MAJORSHIP
Non-FictionIto ay isa reviewer para sa mga nangangarap maging isang lisensyadong guro. Nawa'y makatulong ito ng lubos sa inyong lahat. Ito ay pinagsamasamang tanong at mga paksa na aking nabasa at inaaral noong ako'y nag-aaral para sa naturang eksaminasyon. An...