05

444 15 1
                                    

LUNES ang tanging araw na puwedeng magpahinga si Diana kaya pagkatapos ng Sunday show ng TRS ay umuuwi siya sa bahay ng kanyang ama. Habang nag-aalmusal ay naalala niya si Luke kaya kinuha niya ang kanyang cell phone at nag-text sa lalaki.

Hi, peaches. Good morning. Having a nice breakfast of your favorite bacon and eggs and I'm missing you.

"Diana, kailan ka pa natutong mag-text habang nasa dining table?" sita ng mommy niya.

"Sorry, Mom. Importante lang." Nang tumunog ang kanyang cell phone ay binasa niya ang natanggap na mensahe kahit na nga ba panay ang palatak ng kanyang ina. Pinigilan niyang mapangiti sa mabilis na sagot ni Luke. Miss you, too.

"How's your show?" sabad ng daddy niya.

"Okay naman, Dad," seryosong sagot ni Diana. "Pilot episode pa lang namin, nag-number two agad kami sa rating. We're hoping to get to the number one slot in the coming days, lalo na kapag ipinalabas na ang tungkol sa buhay ng mga contestant."

"I didn't realize na kasall pala sa show n'yo ang anak ni Esther Arcete."

"Yes, Mom," aniya. Anak si Fiona ng kaklase ng mommy niya noon sa Assumption College na si Esther Arcete.

"I can't believe it. That girl is a true-blue socialite. I never thought she'd do something like this. Malamang na himatayin na si Esther hindi pa man niya napapanood ang show. I heard she wanted to give the girl a million and send her off to Europe para lang itigil na ang kalokohan nito. But of course, wala na siyang magawa. Nasa legal age na si Fiona at nakapirma na ng kontrata sa CNE bago pa niya ito napigilan. Hay, sabi ko nga sa kanya, I don't understand it, either. Sarili ko ngang anak ay hindi ko napigilang mag-showbiz."

Sabi na nga ba at sa kanya mapupunta ang usapan. Nag-text na lang uli siya kay Luke para yayaing manood ng sine. Wala siyang balak na maghapong mamalagi sa bahay at makinig sa sermon ng kanyang mga magulang. Pagkatapos mag-text ay nginitian niya ang kanyang ina.

"Mom, kanya-kanyang gusto lang 'yan. Ikaw, pinili mong maging businesswoman at naging successful ka naman dahil passionate ka sa ginagawa mo. That isn't for me. I want a career in the entertainment industry. Gusto ko ang ginagawa ko. I'm a host now pero kapag binigyan ako ng pagkakataong umarte sa isang soap o kaya sa movie, hindi ako tatanggi. This is what I feel passionate about."

Iningusan siya ng ina. "Sinasayang mo lang ang pinag-aralan mo. Thirteen years in Assumption and four years in Yale University, and then you end up in show business."

Tumikhim ang daddy ni Diana. Sa mga ganoong pagkakataon ay alam nitong dangerous ground na naman ang tinutumbok ng mommy niya kaya iliwas na nito ang usapan. Alam kasi nito na sensitive siya sa isyung tila minamaliit ang pinili niyang career.

"That's all right, Mariella. Puwede naman itong pansamantalang gawin ni Diana. Bata pa naman ang anak natin. She can change her mind later. You know, I had this great grandmother who was a sarsuwela princess before. Nasa dugo talaga namin ang pag-aartista," malumanay na sabi ng daddy niya.

She appreciated her father more. Kahit pa nga ba napakahigpit ay palagi pa rin nitong sinusubukang intindihan siya. She wondered if it had anything to do with her parents' age. Mas matanda nang labindalawang taon ang daddy niya sa mommy niya. Her dad was approaching senior citizenship while her mom was forty-seven. Late na kasing nag-asawa ang daddy niya. May sinasabi ang mommy niya pero hindi niya gaanong naintindihan dahil tumunog uli ang kanyang cell phone at binasa ang text ni Luke.

Movie okay. Will pick you up after lunch. But we have to use your car.

Maluwang ang ngiting humarap si Diana sa kanyang mga magulang. "By the way, Mom, Dad, I'm going out later."

Loving Capt. Luke aka Action Hero | ANGEL BAUTISTATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon