Mai's POV
Hindi ko alam kung anong uunahin kong reviewhin kagabi, Business Finance ba o Filipino o baka unahin ko 'yung assignment namin sa Physical Science. Halos masiraan na ako ng bait lalo na nung malamang puro problem solving ang quiz namin.
Well, what do you expect for a major subject ng isang ABM student?
That's why I decided to focus on reviewing my notes on Business Finance. I just made a reviewer for my Filipino and proceed on reading my book. Hinayaan ko na lang din ang Physical Science ko dahil pwede naman akong magpaturo sa iba kong kaklase.
The more I drowned myself memorizing every formula in our Business Finance subject the more din na nagmamanifest ako na sana huwag na munang magpa-quiz si ma'am.
And in everyone's surprise, early in the morning. She sent a message to our group chat announcing the our quiz is postponed because she's not feeling well. Great!
Now I know that our teacher is a great scammer.
Kidding aside, when I entered the room my classmates are also busy reading their own notes and reviewers. Nakaupo ako sa harap kaya nung mailagay ko ang bag ay tinanong agad ako ni Trisha.
"Nagreview ka 'no?"
"'Di masyado, sa Business Finance ako nagreview kagabi hindi naman pala papasok si ma'am." Sagot ko rito.
Tinignan ko si Roma na katabi niyang may sinasaulo. "Ano mine-memorize mo?" tanong ko kay Roma.
"Etikasa." si Trisha na ang sumagot.
Bigla namang sumalubong ang kilay ni Roma. "Anong etikasa? Etika 'yan, typo lang si ma'am." wika nito sabay tawa.
"Memorize mo 'yung katangian ng posisyong papel?" Baling sa'kin ni Trisha.
Tumango ako rito. "Anong page 'yung etika?" tanong ko kay Roma dahil hindi ko ito nareviewhan.
I immediately memorize it only for me to find out na hindi naman pala lalabas sa quiz namin. I wasn't able to answer the last six enumeration dahil hindi ko naman alam kung anong isasagot that's why I passed it na lang.
Lumabas ako ng kwarto, ang iba kong kaklaseng nauna nang natapos ay nandoon na. Nakita ko agad si Marianne and asked her if she knew what's the answer for the enumeration.
Pinakita niya sakin ang anim na 'yon at nandoon lahat iyon sa reviewer ko pero di ko natandaan. Lintik na Business Finance 'yan. Ewan ko kung maiiyak ba ako o ano. Knowing na karamihan ay walang sagot o kung meron man ay hindi naman tama.
Lumapit sa'kin si Oswald, "May sagot ka sa anim na enumeration na 'yon?" tanong niya.
"Wala nga."
"Okay lang 'yan, pareho tayo." sabi niya habang tumatawa.
Padami nang padami kami sa labas habang hinihintay ang iba pa naming kaklase na hindi pa tapos. Nagtatanungan ang bawat isa kung may sagot ba sila dito o kung anong tamang sagot na number na 'to.
One of my classmates said, "Bawi tayo sa exam guys." aniya habang nakatarak ang kamay.
Yeah, midterms is coming and saying hi to me 'cause we're going to meet again.
Papatapos na ang iba kong classmates ngunit hayan pa lamang si Aj at papasok palang. Late ito at agad nagtanong kay ma'am kung pwede pa siyang kumuha ng quiz.
Pero masyadong strikta si ma'am kaya hindi siya pinayagan. Special quiz na lang ang kukunin ni Aj dahil nalate siya ng pasok.
Natapos ang quiz namin sa Filipino at wala kaming nagawa kundi tanggapin kung ano ang magiging resulta no'n. We have almost one hour and fifteen minutes for our next subject.
Kaya naman naghintay kami sa room. Tahimik lang din akong nakaupo sa harapan habang naglalaro ng zombie tsunami at block puzzle ko. Nang biglang sumulpot si Cyprien habang kumakanta ng Favorite Crime ni Olivia at sinamahan pa siya ni Maryjane.
Nagrerelapse ata.
Pumunta si Jairo at Trisha sa harap kasama ang topic nila tungkol sa business. Nalaman kasi ni Trisha na naginvest si Hezekiah at nakatanggap na ito ng profit mula doon. Kaya nainspire siya, sa kabila ng madaming paparating na parcel mula shoppee, SheIn at TikTok ay mag-iipon na daw siya.
Hanggang sa napunta ang topic namin sa mga libro tungkol sa pag-iinvest, business at sa self-help book. Napag-usapan din namin kung gaano kahigpit ung dating school ni Oswald which is Catholic School daw.
Tapos nagjump uli kay Sander na tinatanong namin kung paano siya magpakilala dahil isa siya sa mga candidate para sa search sa paparating na intrams.
We checked our assignment in Physical Science. Isang success na natapos ko ang aking assignment sa tulong ni Cyprien at Ronnie. My guardian angels.
After that our teacher discussed about the last topic na isasama niya sa exam namin. Before I don't like science because for me it's way too complicated. But I guess I'll take back what I said before, kasi naman the way na magturo 'yung teacher namin is madali mong naiintindihan.
That makes science more easier not only for me but for everyone in the classroom understand the lesson. Bukod kasi sa maganda magturo ang teacher ay maganda din ang pilik mata nito. Ay!
Nung magdismiss na ay tinanong ko si Wayne kung uuwi na ba siya.
"Hindi pa, bakit ikaw?"
Umiling ako, "Kkopi tayo?" Aya ko sa kaniya.
"Sige." Goods, madaling kausap.
"Marj, uwi ka na?" Tanong ni Ronnie habang papalapit sa'kin.
"Mamaya pa, Kkopi pa kami, sama ka?" tanong ko rito.
Nag-isip pa ito saglit. "Ceres ka? Sabay tayo umuwi." aniya.
"Oo, gagawa pa ako part ko sa Research." sagot ko sa kanya.
"Ah okay, tara."
Nang palabas ay nakita namin si Arbel at Jethro. Mukhang hinahanap ata mga crush nila dahil panay ang lingon.
"Saan kayo?" Arbel asked.
"Kkopi." maikling sagot ni Wayne.
"Sama kami ni Jethro."
Nag-order kami sa Kkopi, binigay ni Arbel ung pearl ng milktea niya sa'kin.
"Supot ako ipalagay mo, Marj." bulong sakin ni Jethro sa likod.
"Ano pong pangalan?" tanong nung babaeng nagte-take ng order.
"K po as in K lang." sagot ni Arbel.
"Supot ako na Marj para pagtawagin ka nung nagseserve is SUPOT AKO din yung isisigaw niya." dagdag pa ni Jethro.
Tumawa ako, "Gago, 'wag. Nakakahiya."
"Mai po akin." sabi ko sa babae.
Nang makuha na namin ay bumalik kami sa room. Habang pabalik ay nakita ko crush ko nakaupo sa may karinderya habang may kachat sa cellphone niya.
Siguro ay kausap no'n ang tatlong bibe niya. Hay nako.
Halos tatlong oras kaming nagstay sa school. Ako kasama si Arbel, Wayne, Jethro at Ronnie kahit walang pasok sa hapon. Puro katarantaduhan ginawa namin, may pa-TikTok at ang saya ni Ronnie nung makita ang kanyang crushiecakes.
101223
YOU ARE READING
D' RAKIPILIR
Teen Fiction"Friends are asset, enemies are liabilities and relationships are equity."