Lauren's POV
Nasa school grounds ako ngayon....mag-isang naglulunch.
"Hoy panget!" Lumingon ako at nakita si Matthew.
"Bakit?" Ano ineexpect nyo? Magagalit ako? Hindi. Sanay na nga ako.
"Patulong nga dito sa assignment ko!"
"Anong assigntment?" Lumapit sya at binigay yung notebook nya.
"Gawin mo yan ah? Kapag di mo pa tapos yan hanggang bukas, patay ka sakin." Aba, akala mo naman wala akong assigment.
"Hoy! Meron pa akong gagawin! Hoy!" At tuluyan na syang umalis.
Napabuntong hininga na lang ako at kumain ulit. Napatingin ako sa harap ko, may nakita akong dalawang babaeng nakatingin sakin. Nung nakita ko sila, agad naman silang umalis. Sabi sainyo eh, wala akong magiging kakampi dito, tititigan lang nila ako tapos hindi nila ako icocomfort o kahit ano. Kahit sa classroom, wala rin. Hay buhay. Sa bahay na lang sana ako nag-aaral. Tapos na ako kumain, kaya niligpit ko na yung pinag-kainan ko. Kinuha ko na yung bag ko at nagsimula nang maglakad. Habang naglalakad ako, may nabunggo ako."Ara--"
"Pwede ba Lauren?! Kapag maglalakad ka, tumingin ka sa dinadaanan mo! Panget ka na nga, hindi ka pa nag-iisip! Alis dyan!" Tinulak nya ako sa gilid kaya napasalampak ako sa sahig.
"Hahaha! Buti nga sakanya!"
"Ohhh!! Kawawa naman si nerd!"
"Ahahaha! Panget nya kasi eh!"Tumayo na ako at tumakbo.
Nakarating ako sa hallway. Buti na lang walang tao. Umiyak na lang ako ng umiyak. May naramdaman akong humawak sa magkabilang balikat ko. Lumingon ako at nakita yung dalawang babaeng nakatingin sakin kanina sa school grounds."Eto panyo oh." Inabot sakin nung babaeng kulot ang buhok.
"S-Salamat" kinuha ko yung panyo at pinunas sa luha ko.
"Nakita ka namin kanina sa school grounds, ikaw yung inaapi diba?"
"Ah. O-Oo."
"Hayaan mo na sila. At lalong lalo na yang mga 3 badboys na yan.
Simula ngayon, kaibigan mo na kaming. Magkakaibigan na tayo."
Ang bait naman ng dalawang to. Buti pa sila may puso. Iba dyan, wala."Thank you talaga!" Hinug nila akong dalawa, kaya hinug ko din sila.
"Ako nga pala Lian Mendoza. Sya si Juliana Silvestre." Pagpapakilala nya sa sarili nya at tinuro yung babae na nasa side nya. Hinatid nila ako sa classroom ko at bumalik din sila sa classroom nila.Kaklase ko ang isa sa mga badboy dito sa school. Sino pa ba? Edi si Matthew, sa likod ko pa nga sya umupo eh. Alam nyo, sya lang naman yung masama dun sa grupo nila eh. Pinapasulat na kami ng notes kaya tumalikod na ako para kumuha ng ballpen at notebook. Nakita kong nakatingin si Matthew sakin, habang nilalaro laro yung ballpen nya. Hindi ko na lang sya pinansin at humarap na sa blackboard. Nagsimula na akong magsulat, pero nakarinig ako ng tawag mula sa likod.
"Lauren.."
"Lauren.." hinintay ko na lang syang matapos. Ayoko syang kausapin.
----
Uwian na. Kasabay ko ngayon si Lian at Juliana, magkapit-bahay pala kaming tatlo. Naghihintay na kami ng jeep ngayon pauwi. Habang nakatingin ako sa kalsada, may nakita akong black na kotse. Alam ko na agad kung sino ang may-ari neto. Kaya nagsalita agad ako.
"Uhm...sa ibang antayan na lang tayo. Baka kasi walang dumaan na jeep dito! Tara." Nagkatinginan silang dalawa at tumango nalang. At ayun pumunta na kami sa ibang antayan ng jeep. After 5 minutes, nakasakay na rin kami ng jeep. Malapit lang naman ang bahay namin, kaya agad kaming nakarating sa bahay. Nagpaalam na kami sa isa't-isa at umuwi na. Pagkapasok ko palang ng bahay, sinalubong agad ako ni mama, para syang excited na ewan.
"Oh nak? How's school?"
"Okay lang naman ma."
"Osige. Magbihis ka na at kakain na tayo." Tumango ako at umakyat na. Nilapag ko na yung bag ko, at nag-hanap na ng pajama at t-shirt. Nagbihis na ako at bumaba. Nakita ko si mama na nag-aayos na ng table, kaya tinulungan ko na sya mag-lagay ng plato. Umupo na kami at kumain
"So anak? May naging bagong kaibigan ka ba kanina?" Tanong nya.
"Opo. Dalawang babae po."
"Ahh. Mabuti naman." Kumain ulit ako.
"Uhm.. ma.. kailan po uuwi si papa?"
"Next month pa anak. Bakit?"
"Ah.. wala po." Simpleng sagot ko.
After 10 minutes ay natapos na rin kaming kumain. Ako ang naghugas.
Nilock ko na rin yung mga pintuan namin. Nag-goodnight na ako kay mama at umakyat sa kwarto ko. Humiga na ako, kinuha ko yung phone ko sa side table. Inopen ko yung facebook ko. Akala nyo may statues tungkol sakin? Wala. Himala nga eh. Inopen ko naman yung wattpad ko at nagbasa. Biglang may nagtext, galing sa isang unknown number.From Unknown Number:
Lauren, sorry sa sinabi ko kanina. Si matthew to.
Aish. Ano sasabihin ko? Pinalitan ko muna yung name nya.Ayos lang, ako naman yung may kasalanan eh. Di kasi ako tumitingin.
Hinintay ko sya magreply. At ayun, nagreply nga.Matutulog ka na ba? Gusto sana kitang maka-text.
Luh? Maka-text? Sabihin ko kayang matutulog na ako? Joke. Aga pa.Ako: Hindi pa. Ano naman pag-uusapan natin?
Sya: Lipat ka sa tabi ko bukas.
O_O ANO DAW?! NABUBULAG NA ATA AKO!
Ako: Baliw ka ba? Bawal kaya!
Sya: Pwede! Mas magaling ka pa kesa sakin eh!
EDI WOW! IKAW NA! -_-
Ako: bahala ka sa buhay mo! Mapapagalitan ka nyan eh!
Sya: Concern ka sakin?
WOW! CONCERN DAW! -_-
ako: CONCERN? ASA KA MATTHEW! PANGIT MO!!
Sya: sus, pangit daw. Crush mo nga ako eh.
Oo, tama ako, nananaginip na ata to.
Ako: GISING MATTHEW! KAPAL MO NAMAN!
Sya: Hahaha! Cge na! Matutulog na ako.
Ako: akala ko natutulog ka na? Nananaginip ka na eh. Joke. Cge bye.
Sya: -_- Goodnight.
Ako: goodnight.Sayang load ko -_- Matutulog na nga lang ako.